December 10, 2019, 2 months after
Busy ako sa pamimili ng mga pang-dekorasyon sa bahay namin at pati na rin sa mismong kwarto ni Ali sa ICU. Malapit na kasi ang pasko at pinayagan naman ako ng may-ari ng ospital na lagyan ng dekorasyon ang kwarto ni Ali. Katulad ko ay gusto rin nilang kahit pa'no ay maging masaya naman ang ambiance ng kwarto ni Ali rito sa ICU.
Dalawang buwan na rin ang nakalipas matapos matapos ang naging pag-uusap naming 'yon ni Tito Peter. At tatlong buwan na ang nakalipas simula nang makausap ko si Ali.
Sa loob ng mga nakaraang buwang 'yon ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit na mahirap. I know Ali won't be happy kung titigil na lang ang buhay ko dahil sa kaniya. I don't want her blaming herself for what's happening with my life.
Isa pa, gusto kong kapag nagising na siya, maipagmamalaki ko ang sarili ko sa kaniya. That I managed to continue living even though it's very difficult knowing her condition.
I tried to be happy. I tried to enjoy life. I also tried to talk to other people again, pero may bahagi pa rin sa 'kin na hindi kumpleto. Yes, kaya kong ngumiti at tumawa ulit, but deep down, I'm still unhappy. I'm still incomplete. At alam kong si Ali lang ang makakapagpunan no'n, no one else will.
"Geo?"
Bahagya akong nagulat nang pagkatapos ng dalawang buwan, nakita ko ulit si Papa.
Pauwi na sana ako at nag-aabang na lang ng taxi pero nakita ko pa siya.
Ilang buwan kong iniwasan ang topic na tungkol kay Papa. Ilang beses kong pinanalangin na sana 'wag ko muna ulit siyang makita pagkatapos noong puntahan niya 'ko sa ospital para kausapin, kasi pakiramdam ko ay hindi ko pa rin kaya. Hindi ko pa siya kayang makausap o makita muli.
Pero siguro...panahon na? Panahon na talaga sigurong harapin ko na ang nakaraan para makapag-move forward na rin kami nila Mama at Gin.
Pumasok sa isipan ko si Ali at mga sinabi niyang 'yon no'ng gabing huli ko siyang makausap.
Gusto mo talagang magkaayos kami agad, 'no?
"Pwebe tayong mag-usap, Geo?"
Nakatitig lang ako sa kaniya nang ilang segundo bago tumango. Kita ko ang pagliwanag ng mukha niya dahil sa sagot ko.
"Salamat...anak."
Anak.
Ngayon ko na lang ulit narinig ang salitang 'yon mula sa bibig niya matapos ang dalawang buwan. At katulad noon, nasasaktan pa rin ako.
Niyaya niya 'kong magpunta sa isang coffee shop malapit lang dito at doon kami nag-usap.
Magkaharapan kami sa lamesa. Hindi ako umiimik at hinihintay lang siyang magsalita.
"A-Alam kong wala na 'kong karapatan na maging ama sa inyo ni Gin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa inyo, at alam ko ring walang kapatawaran 'yon, pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa inyo."
Hindi pa rin ako nagsalita. Hinayaan ko lang ulit siya.
Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Patawarin mo 'ko, anak. Patawarin mo 'ko sa pag-iwan ko sa inyo noon. Hindi ko alam kung bakit ko ba kayo ipinagpalit sa iba. Patawarin mo 'ko kung hindi kita kinilalang anak no'ng magkita tayo noon sa grocery store. Alam kong hindi ka maniniwala, pero gusto ko pa ring sabihin na mahal ko kayo ni Gin. Mahal na mahal ko kayo kasi mga anak ko pa rin kayo. At sa maniwala kayo o sa hindi, minahal ko rin ang mama niyo. Natukso lang ako noon, at walang kapatawaran ang ginawa kong 'yon. I'm sorry, anak."
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romansa[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...