Chapter 7: Her Smile, Her Laugh

187 3 0
                                    

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan namin nang marinig kong may mag-doorbell na ro'n.

Alas siyete na ng gabi at paniguradong sina Ali at Tito Peter na 'to. Bukod sa kanilang dalawa ay wala naman na kaming iba pang inaasahang bisita.

Malawak ang pagkakangiti ko nang tuluyan ko nang binuksan ang pinto namin, pero kusa rin 'yong nawala agad nang malaman kong hindi sina Ali 'yon.

"Geo."

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Malamig na tanong ko sa taong nang-iwan sa 'min tatlong taon na ang nakakaraan.

"Anak, gusto ko lang—"

"Anak?" Sarkastiko akong napatawa. "Akala ko ba hindi mo 'ko kilala? Pasensya na pero hindi ko rin ho kayo kilala. Wala na kasi akong ama, patay na."

Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko. But he deserves it anyway. Kulang pa nga 'yan sa sakit na pinaramdam niya sa 'min, lalong-lalo na kay Mama, nang-iwan niya kami. Tapos ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Para saan? Para manggulo na naman tapos sasaktan ulit niya kami? Sasaktan niya ulit si Mama?

"Umalis ka na."

Isasarado ko na sana 'yong pinto nang pigilan ako ni Mama.

"Ma!" Inis na sigaw ko.

Tiningnan niya si Papa. Her eyes are filled with longing. Hindi ko maintindihan 'yon. Pagkatapos ng ginawa sa kaniya ni Papa?

"I-Inimbitahan ko siya."

Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Mama. That was the last thing na maiisip kong marinig sa kaniya.

"Pinapunta ko siya rito." Dugtong pa ni Mama.

"Ma, ano? Anong inimbitahan?" Bahagyang tumaas ang tono ng boses ko.

Naiinis ako sa nangyayari ngayon pero hindi ko pa rin kayang pagtaasan ng boses si Mama, kaya pigil na pigil ko ang sarili ko kahit na gustung-gusto ko na talagang sumabog sa galit.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko nang lumapit din sa 'min si Gin pero hindi siya nagsalita. Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa 'ming tatlo nila Mama't Papa.

Ibinalik naman ni Mama ang tingin niya sa 'kin. "Pupunta rito 'yong kaibigan mo para makilala ang pamilya mo, 'di ba? Nakakahiya naman sa kaniya kung hindi tayo kumpleto kaya—"

"Pamilya?" Putol ko kay Mama. "Ma, hindi na siya kasama sa pamilya natin. Simula nang iwan niya tayo, wala na siyang puwang sa pamilyang 'to. Wala na kaming ama ni Gin. Patay na si Papa tatlong taon na ang nakakaraan." Mariin kong saad.

Napabaling sa kabilang side ang mukha ko nang malakas akong sampalin ni Mama sa kanang pisngi ko.

That...that hurt me. Hindi mula sa sampal ni Mama. Mas masakit sa puso kasi pakiramdam ko ay walang kwenta lang kay Mama ang nararamdaman ko. Na parang ang ginawa ni Papa sa 'min ay hindi gano'n kalaking bagay. Na madali lang kalimutan at patawarin.

"Ama mo pa rin siya, Geo! Matuto kang gumalang!" Galit na galit na sigaw ni Mama sa 'kin.

Sarkastiko na naman akong napatawa saka muling tiningnan si Mama.

Hindi ko siya maintindihan.

"Ama? May ama bang nang-iiwan ng anak?" Ibinaling ko naman ang tingin sa lalaking 'yon. "May ama bang itinatanggi ang sarili niyang anak sa ibang tao? May ama bang nang-iiwan ng sarili niyang pamilya tapos babalik na parang wala lang? Na parang hindi niya tayo nasaktan? May gano'n bang klaseng ama?"

Napakuyom ang mga kamay ko sa galit. Gusto kong suntukin ang lalaking 'to ngayon mismo. Gusto ko siyang bugbugin hanggang sa malumpo siya. Gustung-gusto kong paulanan ng suntok ang mukha ng lalaking nang-iwan at nanakit sa 'min pero bakit hindi ko magawa? Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi magawang gumalaw ng mga kamay ko.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon