Chapter 3
*JESAMINE'S POV
Ang saya pala maging High School student's hahah! Madami ka nang pwedeng maging kaibigan tapos pwede ka pang makakita ng mga nagga-GWAPUHANG mga nilalang! Oh saan ka pa?! Diba? Ang swerte nga ni Best friend ko eh may friend na siyang GWAPO! Inggit naman ako sakanya! -_____- Sana ako din mag-karoon. May Gwapo sa classroom namin kaso mukhang masungit. Ni hindi man lang siya marunong ngumiti tapos hindi pa nag-sasalita. Baka mapanis pa yung laway niya sa sobrang katahimikan niya.. SANA NGA! Hahaha kaso sayang kagwapuhan kung BAD BREATH naman! Hahahahha! Sayang talaga yun. Crush ko pa naman sana kaso yung mukha niya para laging pasan yung mundo. Parang napakalaki ng pinagdadaanan niyang problema kasi yung mukha niya ni hindi maipinta. Hahaha! Nakakatu----
"Hey! Bakit ka nangingiti dyan ha? Sino naman iniisip mo?" Ayts! Panira naman si Best friend eh!! Ayun na eh. Kitang-kita ko na sa isip ko yung mukha ni Brent Jed sungit eh.. =____= Laging poker face! Pinaglihi sa sama ng loob yun ng nanay niya. Tahahah!
"Wala best friend. Panira ka naman kasi eh! Kita ko na si Crush ko!"
"Crush? Sino? Nasaan? Turo mo naman sakin! Grabe ka naman!!!" Hala? Ang daming sinabi. Bunganga talaga nitong Sky Yuki na 'to! Ang layo sa ugali ni Kuya Sun.
"Dahan-dahan lang naman. Ayokong ipakilala sayo kasi masungit yun eh." Tama! Masungit talaga yun!
"Masungit? Himala yata ha? Sa pagkaka-alam ko hindi mo type yung mga masungit na lalaki. Anong nangyari sayo ha?" tama! Hindi talaga ako nagkakagusto o nagkaka-crush sa mga lalaking hindi alam ang salitang 'SMILE'
"Ha? Ewan ko ba. Sana dumaan dito para maituro ko sayo.. Hihihi. Kinikilig ako girl!"
"Kilig agad? Crush mo lang naman nu.." grabe! Ayaw man lang sakyan yung trip ko? Kainis!!! Hahahah!
"Che! Masama ba? E kayo ni Ram? Kamusta na man kayo? Kayo na ba ha?" I'm soooo kilig!
"Kami? Friends. Mabait at masaya siyang kasama.." Owsss? Hindi niya type? Ang gwapo kaya ni Ram! XD
"Friends? Yun lang?? Ang babagal niyo naman eh!" ako na atat! Hahah!!
"Oo. Bakit??"
"Hindi ka ba naga-gwapuhan sakanya ha??"
"Gwapo siya pero mas magandang makilala ko muna siya ng mabuti diba? Pero komportable siyang kasama." -Yuki
"Ayieee! Gusto mo siya ha?"
"Ano ka ba naman. Ilang araw palang kami magkakilala. Knowing each other muna."
"After that ligawan na ba?" Hhaha! Napag-hahalataan ako o!! Kainis naman. Hihihi!
"Grabe ka ha! Friends lang kami.."
"Sus! Baka isang araw magulat nalang ako kayo na ha!" panunukso ko pa kay Yuki.
*YUKI'S POV
Makulit talaga 'tong si Men-men. Inaasar ako kay RaKie. Halata namang hindi ako gusto nun tsaka friends lang talaga kami.. Nandito kami ni RaKie sa cafeteria, hindi namin kasama si Men-men kasi hindi pa sila pinalalabas ng classroom nila. Grabe naman yun! Pangalawang araw pa lamang ng school days umaariba na kaagad yung mga teachers. Pwede namang next week na mag-start yung class. Hays!
"Hey Yuki. Ano gusto mong kainin ha? My treat." Wow! Treat niya? Ang baet naman talaga oh!
"Cookies nalang and fresh milk. Meron naman dyan diba?" para lang akong nasa bahay. Yan lagi yung kinakaen ko. Yum yum kaya yun! :)
"Oh? Yun din akin eh. Favourite ko nga yun eh.."
"Oh talaga?! Parehas tayo RaKie! Ang sarap diba? Hindi ako makapaniwalang parehas tayo ng gusto.." Enebeyennnn! Parehas kami! OMO.OMO! Shut up Yuki! Para kang tanga diyan!
"Hehe. Oo nga eh. Saglit lang ha? Bibilhin ko lang.." tsaka siya pumasok sa cafeteria. Para akong na-excite na malaman lahat ng tungkol sakanya. Nakakatuwa naman! Hihihi.
5 minuto na simula ng umalis si RaKie papunta sa cafeteria. Ang tagal naman niya! :| Ano kaya ginagawa nun sa loob? Baka kinain na siya ng tao, o kaya dun na siya kumakain. Ang daya naman! Gutom na ako eh.. T___T Pupuntahan ko na nga siya nakakainip mag-hintay dito sa table e. Hays.. Pagpunta ko dun may pinalilibutan ng mga tao, karamihan puro babae tapos ang iingay pa. Ano ba meron ha? *silip* *tulak* *silip*
OhMeGassss! Si RaKie yung pinag-kakaguluhan. Ano bang meron?
"RaKie! Ang tagal mo naman! Gutom na ako eh!" sigaw ko sakanya. Nag-tinginan naman sa akin yung mga nakapalibot kay RaKie. Ang sasama ng tingin. Ano bang meron? May dumi ba yung mukha ko?? Tinawag ko lang naman si RaKie tapos makatingin sila parang mangangain. Errrrr!
"Ayan na pala eh. Sorry girls! Hinihintay na ako ng 'GIRLFRIEND' ko. Ayoko pa namang nagugutom siya.." sabay talikod at akbay sa akin.. Teka... Girlfriend daw?! Sinooo? Akooooooo? Paano nangyari yun? Ayos 'to a! Kapal!
"Hoy ano---" hindi na niya ako pinatapos mag-salita, inunahan na niya ako. Ayos 'to a!
"Wag ka ng mag-reklamo. Hindi tayo makakakain kung hindi ko sasabihin yun." pabulong niyang sabi habang naka-ngiti. Adik lang?
"Ipaliwanag mo sa akin mamaya ha? Kundi masasapak kita!" bulong ko lang din sakanya habang namemeke ng ngiti. Nakakapagod ngumiti ha! Dapat may talent fee 'to!!
"Oo na.. Tara na sa table.." tsaka kami nag-lakad papunta sa table naming dalawa. Pagkapunta namin sa table tinanong ko kaagad siya kung ano bang nangyari kanina at bakit niya pa ako dinamay sa kalokohan niya kanina. Baka magkaroon ako ng HATERS niyan.. Pangalawang araw pa lamang namin sa school.
*RAM KIEFFER'S POV
Ang sarap talaga kakwentuhan nitong si Yuki. Nag-uusap lang kami tungkol sa mga paborito namin..
"Eh ikaw anong favourite color mo?" tanong ko kay Yuki.
"Purple and Black.. Ikaw, diba black gusto mo??"
"Oo. Ikaw ha. Ang dami mong alam tungkol sa akin. Stalker yata kita eh!" panunukso kong sambit kay Yuki. Ang dami niya kasing alam sa akin eh.
"Hahah! Baliw ka. Napapansin naman yun nu tsaka mag-seat mate tayo! Tsaka mag-kaibigan tayo diba?"
"Kaibigan?"
"Oo. Bakit hindi ba?"
"Ha? Syempre mag-kaibigan tayo no! Ano ka ba naman." sabi ko. Parang may kung ano akong naramdaman nung sinabi niya sa aking mag-'KAIBIGAN' kami. Parang gusto kong mas higit pa doon pero ayokong mag-madali dahil ayokong mailang o may masabi siya sa akin. Mas mabuti na sigurong maging mag-kaibigan muna kami para makilala ko siya ng mas mabuti. Iba kasi talaga pakiramdaman ko sakanya. Para bang matagal ko na siyang kilala pero wala naman akong natatandaan na may nakilala o naka-laro akong Yuki ang pangalan. Hays. Saan ko ba nakilala si Yuki?
Mag-hihintay ako ng tamang oras hanggang sa dumating yung araw na pwede ko na siyang ligawan. Alam ko mga bata palang kami pero alam ko kung anong ginagawa ko..
I like Yuki..
-
@shaunessy20 follow me on Twitter and Instagram.