*YUKI'S POV
Saturday ngayon.. Wala akong magawa dito sa bahay. Nakakatamad naman kasi eh. Ilang araw na din ang lumipas simula nung nag-panggap kaming mag-on ni RaKie. Nadamay pa ako! Masyado naman kasing pansinin si RaKie eh.. Hirap talaga maging gwapo, dahil lahat ng mata nasa iyo. Naalala ko pa yung mga oras na hinahanap ko si RaKie kasi nagugutom na ako sa katagalan niyang bumili ng pagkain, yun pala pinag-kakaguluhan na siya. Hindi pa ba nakakakita ng gwapo yung mga babae sa school at ng maka-tili para wala ng bukas? Kainis talaga!!
*Tok.Tok*
Ang aga naman yata para may pumunta dito? Pag-bukas ko ng pinto si Men-men yung nakita ko. Mukhang mahaba-habang kwentuhan namin 'to a! Madami akong ikukwento sakanya. Hahahah!
"Men! May ikukwento ako sayo! Hihihi *kilig*" pag-bukas ko ng pinto, yan agad ang bungad ko sakanya. Hindi halatang excited no? Hahaha!
"Ano yun?? Ako din ang dami kong ikukwento sayo! Grabe kinikilig akooooo! Pwede na akong himatayin.." Grabe! Himatyin talaga ha? Drama queen lang ang peg ni Best friend! Lol! XD
"Sige mauna ka nang mag-kwento.." sabi ko.
"Ikaw na girl! Dali na!!"
"Ikaw muna men-men! Madami akong gustong malaman!"
"Ikaw na! Mukhang maganda yang saya eh!"
"Mas maganda sayo kaya mauna ka na girl!"
"Mas maganda sayo."
"Hindi kaya. Kaya ikaw muna.."
"Ikaw na.."
"Ikaw."
"Ikaw.."
"Ikaw na.."
"Ikaw na please *Puppy Eyes*" sana tumalab! Hahaha. Mas gusto ko kasi marinig yung sakanya ehhhh.
"Ok fine! Suko na ako.. You won! O sige na uumpisahan ko na yung kwento ko sayo.. It's all about Me and Jed." Who's Jed??? Kaintriga naman yun! Hahah.
"Sino ba yung Jed na yun? Curious much ako!" sabi ko pa.. Haha.
"Si Mr.Sungit *slash* Mr.Crush koooo! Kinikilig talaga ako sis!! Anubeyennnn! Errr." halata ngang kilig na kilig 'tong babaitang ito.
"O sige na nga umpisahan mo na nga! Naaatat ako sayo eh."
"Ok umpisahan ko na."
* FLASH BACK *
*JESAMINE'S POV
Ang tagal naman mag-start ng class! Boriiing naman kasi eh.. Hays. Wala akong maka-usap dito.. Lalabas muna nga ako ng campus at don ako mag-hahanap ng malalamon ko. Gusto ko ng Kwek-kwek! Waaaahhh! Miss na miss ko nang kumain non. Pag-punta ko kay manong bumili agad ako ng Kwek-kwek nila dahil ang sarap talaga ng tinda nilang kwek-kwek. Suki na nila ako eh..
Kain lang ako ng kain.. Nang matapos na ako nag-lakad lakad muna ako sa mga nagtitinda dito sa labas ng campus namin ng bigla nalang may humablot ng wallet ko..
"HOY! MAG-NANAKAW!! BUMALIK KA DITO!! YUN--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil may lalaking nakabangga sa akin at tumakbo sa direksyon ng lalaking kumuha ng wallet ko. Mabuti nalang talaga at wala doon yung mga credit cards ko. 5 thousand cash lang ang nasa wallet ko kaya hinayaan ko nalang at bumalik na sa loob ng campus dahil baka mag-simula na ang klase..
Pag-dating ko sa classroom nagsisimula na nga yung klase.. Tumingin ako sa pwesto ni Mr.Sungit este ni Jed. Wala siya.. Mukhang absent ang crushh ko! T.T malas talaga ng araw na 'to! Buti nalang talaga at may kwek-kwek!!! XD