PROLOGUE

78 17 4
                                    

"Oh my god, girl Ang inet!" Tagak-tak sa pawis na sigaw ni andrea "ang sabi uulan daw? bakit parang hindi naman uulan? Scam ata tong weather report nato! " bulyaw pa nito.

"Sa sobrang tirik at init ng araw, sabi rito sa weather app ko ay uulan daw, bakit parang Hindi naman?" Si Sora habang nag re-retouch.

Tumayo naman kaming lahat "Goodbye misis Gwen, thankyou for teaching us today, see you tomorrow." saad namin sa gurong paalis na at nag aayos pa ng mga kagamitan.

"Hoy mga ate hindi ba't bawal mag make up sa school?" I uttered. Tinignan lang ako ng dalawa at nag patuloy sa ginagawa.

"Puwede yan, uwian na naman eh hindi naman na siguro nila mapapansin" Says andrea, Sora also agreed to her. Ano pa nga ba magagawa ko?

"Ewan ko sainyo basta bahala kayo" Bulyaw ko at inayos na rin ang kagamitan para maka alis na ng silid aralan.

"Nakaka bother ang init talaga. May payong ka ba?"
Nag pa-paypay na saad ni andrea. Agad namang sumilong si sora at andrea nang mailabas ko ang iisang payong na dala dala ko. at nakisiksik naman ang dalawa sa payong na hawak ko.

May pang bili ng makeup pero walang budget pag dating sa payong.

"Ano bayan sora, ang lagkit mo!" Reklamo ni andrea.
"teh lotion yan huwag kang oa nakakainis kadin ka share ng payong eh" gatong ni sora pabalik.

Sa kabila ng kaingayan nang dalawa ay nanatili lang akong tahimik sa gitna nila, habang hawak ang payong na pinag sisiksikan naming tatlo.

"Coffee tayo girls?" Pag aya ni sora "Hoy, ang init init mag kakape ka?" Kontra ni andrea. "Duh, its a tradition here in the Philippines kaya, that if the sun is tirik tirik you should drink coffee noh" conyong ani Sora pabalik.

Gusto kong magpakain sa lupa dahil sa sa hiya gawa ng kaingayan nitong dalawa. Pinag titinginan na rin kami ng mga taong dumadaan at nakakadaanan namin.

"Tara na mga babaeng tambutso ang bunganga mag kape na tayo" pag-hatak ko sa dalawa kong kaibigan. "teh san naman tayong cafe pupunta? Halos lahat ata ng cafe dito sa cainta napuntahan nanatin eh" Andrea's right, Halos lahat ng Kapehan dito sa bayan ng cainta ay nasubukan na namin.

"Sa marick, dun sa brewsha di ko pa napupuntahan yon masarap daw mga kape don may aesthetic pang design yung loob nakaka ganang mag aral" excited kong saad kahit na alam kong tamad pareho ang kaibigan ko.

Sa kalagitnaan ng initan ay tatlo kaming sabay sabay tumakbo sa Liwasan para makasakay ng jeep.

"Kuya magkano po sa marick?" Saad ko nangmaka pasok kami sa jeep sa wakas."11 pesos lang hija dahil malapit lang naman iyon." Ani manong.

Hindi naman nag tagal ay nakarating na rin kami sa nasabing kapehan, Nang makita ng dalawa ay agad naman itong nag sigawan "Wow! Ang ganda!" Makabasag pinggang sigaw ng dalawa.

Nakilala ko sila Sora at andrea sa first year nang pagiging highshool ko, in short Grade 7.

"Beh try kaya natin tong Americano nila?" Andrea suggests "Edi i try mo, iba sa akin ayaw ko niyan." saad ni sora. "Ang arti mo! hindi ka naman maganda" pabirong saad ni andrea, Sora answered mediately "Wow, coming from an ugly person pa talaga huh!" Frankly said by her.

"Ang iingay mga punyemas, hindi ba kayo titigil?" Pagsaway ko sa dalawa.

"Isang caramel macchiato grande and one croissant please" as i order. Sora and Andrea ordered as well "cappuccino and two normal bread miss. Thankyou!" Saad ni sora "spanish latte nga miss with ice ha! Tsaka paki dagdagan nadin ng asukal and one blueberry cheese cake. Salamat." Si andrea.

We seated in one small coffee table with three small chairs, while waiting for our orders.

Nag sulat muna kami sa dingding nito dahil may nakalagay dito na markers and mga sulat kamay ng tao sa puting dingding .

Nag drawing din kami ng mga random doodle sa dingding at wala pang bente minutos dumating na ang order namin sa wakas.

"Picture muna Saglit" ani andrea at hinugot ang cellphone sa bulsa at nag simulang pitikan ang mga pagkain na lalantakan namin maya maya lang.

"Is it matagal pa ba? Nagugutom nako oh" maktol ni sora at sumangayon ako.

"Clout chaser!" Matapos mag picture, Bulyaw ni sora sabay kuha ng inorder niya.

Inakyat namin sa taas ang mga inorder namin dahil mas cozy kasi pag nandun kami sa tingin namin, pag akyat naman namin ay nakanganga ang dalawa kong kaibigan na parang mga ignorante, Biruin mo, mayayaman kung naturingan pero parang nakatira lang aa bundok ang ugali.

"Para kayong naka tira sa bundok" saway ko sa dalawa.

"Malapit na festival ng cainta right? Yung sumbingtik thingy, Sasama kayo?" I asked.

"Hmm, sha-shama ako after uwian natin yun hindi ba?" Saad ni sora habang may laman pa ang bibig,

"So ano ganap? Ang alam ko yung fiesta sa december 1 pa ang aga naman ata?" Saad ni sora,

"as far as i know, december 1 naman talaga ang fiesta dito sa cainta, parang hindi ka naman naka tira dito teh?" Wika ni andrea.

Tumayo ako para bumili pa uli ng kape nila dito at habang ako nag lalakad papuntang hagdan ay may isang lalaki akong nakabanggaan!!!

"Aray ano b-" saad ko dahil natapunan ako ng mainit na kape sa uniporme ko, Ang init. Tumingin naman ako sa naka banggaan ko nang masama.

"Tumingin kanga sa dinadaanan mo babaeng maingay." Saad ng lalaki sa harapan ko at ako ay nakatitig lang sa mukha nya.

"Miss? Are you with us? Kanina kapa nakatitig? Baka pinag nanasaan mo na ako jan sa isip mo hell no!" Ani to, aba ang kapal ng mukha.

"Fuck! No! Never" sigaw ko sabay suntok sa kanang mata nya

"Mukha kanang panda pag dinagdagan ko yan kaya umayos ka, huwag kang bastos rumespeto ka sa babae kahit sa pananalita lang lalaking walang modo, ikaw na nga ang nakatapon ng kape sa akin ikaw pa ang may lakas ng loob magalit." Saad ko at tinulak sya, sabay akong bumaba para um-order pa ng isang mug ng kape uli.

Umakyat nako sa taas na para bang walang nangyari, patay malisya lang. Atring like nothing happened, Habang nag lalakad ako papunta sa table namin nakita ko itong lalaking sinapak ko masamang nakatingin sakin at ang mga kasama nyang lalaki.

While im walking towards our table, I raised my middle finger to them at nagulat naman ang mag kakaibigan.

END OF PROLOGUE.
Edited/polished Version of the story Melodies Of The rains Written by Onmyougayle.

Edited on december 26, 2024, this story is Former The rain in Cainta but as the Writers decisions she Changed the Title of THE RAIN IN CAINTA to MELODIES OF THE RAIN.

Show some love for the Writer, by tapping the Star button and follow button for more updates in this on-going story.

Melodies Of The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon