Chapter XIX

1.4K 44 5
                                    

Jia's POV

"Ju, can we talk?" She c-called me J-ju?! Since when was the last time she actually called me that? Uh yeah, when she still cares. I smiled bitterly at the memory. When she's still calling me Juju.

"Ju, pwede ba kitang makausap?"

"Do I have a choice? If I say no, you'll insist. Might as well get this thing done."

"Ju, anak, I'm sorry. Hindi ko naman alam na ganon pala yung nararamdaman mo eh."

"Oh, so now you decided to call me your daughter." I smiled bitterly.

"Hindi niyo naman po talaga malalaman ang nararamdaman ko eh, wala naman po kasi kayong pakialam sa'kin." hindi naman ako ganito dati eh, hindi ganito kasama ang loob ko. Pero kailangan kong maramdaman niya na nasasaktan ako.

"Ju, wag mo naman sabihin yan."

"At bakit hindi? Totoo naman po eh, naging nanay po ba kayo sa'kin?! Hindi! Kasi ang tunay na nanay marunong magpahalaga ng nararamdaman ng anak niya. Iniintindi niyo dapat ang kalagayan ko, hindi yung kayo pa mismo ang nagpapasama ng loob ko." She started crying, maybe because she felt guilty.

"Ang gusto ko lang naman po ay maramdaman kong may nanay ako. Gusto kong umuwi na may nanay akong sasalubong sa'kin at tatanungin kung kumusta ang school. Yung may nagaayos ng buhok ko pag papasok ako, yung magbabasa ng bed time stories sa'kin pag hindi ako makatulog. Yung kasama kong magmall every weekends. Yung magpapatahan sa'kin pag umiiyak ako, yung magbibigay sa'kin ng advice pag may problema ako, yung magaalaga sa'kin pag may sakit ako. Kaso po wala eh, hindi ko naramdaman yun kahit nandiyan kayo. Laging si Papu ang nandiyan."

"Hindi niyo man lang po ba naisip kahit minsan na kailangan ko din kayo? Na baka kailangan ko din po ang atensyon niyo? Kelan naman po yung ako? Lagi nalang akong huli sa priorities niyo eh." Sabi ko habang umiiyak. Hinang hina na ako. Hindi ko na yata kaya. Mas masakit pa 'to kaysa sa lahat mg ginawa sa'kin nung lalaking 'yon. Nanay ko na 'to eh. Pamilya na ang pinaguusapan natin dito.

She come closer but I stopped her. Natatakot kasi ako na baka pag niyakap niya ko bumigay nalang ako bigla.

"I-i'm sorry, anak. Hindi ko alam, I was too selfish to see that you're hurting. I'm so so sorry Ju for making you feel worthless. Naisip ko kasi na you're independent enough to handle yourself. I should've been by your side. Especially when it happened. I'm sorry baby, please forgive me." how I missed her calling me baby. But it hurts that she only calls me that because she's guilty.

"Hindi naman po ganon kadali 'yon eh. Hindi po ako galit, siguro masakit, pero hindi naman po ako nagtatanim ng galit. Kailangan ko lang pong magisip."

"I'm willing to wait, anak. Kahit kailan. I'm sorry Juju, I'm sorry." she hugged me pero agad akong kumalas at tumakbo sa kwarto ko.

Nilock ko ang pinto at humiga sa kami. Umiyak lang ako ng umiyak.

Bakit ganon? Eto na yung matagal ko ng gusto, yung maramdaman ko na may pakialam ang Mamu ko sa'kin. Pero bakit ngayon ang hirap para sa'kin na mapatawad siya.

Feeling ko konti nalang sasabog na ako. Kailangan ko ng mapagsasabihan ng nararamdaman ko eh. Ngayon ko kailangan si Mich pero wala siya. Si Bea sana, pero wala eh, pati siya nawala na rin sa'kin.

Then I heard someone knocking on the door.

"Panda, si Papu 'to." I wiped my tears and open the door for him.

"Papu." I said and hugged him tight and cried in his arms.

"Shh, baby it's okay. Nandito lang si Papu."

Escape from the PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon