Chapter 14

1.3K 43 5
                                    

Mich's POV

Hinila ko na agad sa sasakyan ko si Jia dahil alam kong hindi pa siya okay at ayoko namang mabugbog siya ng tanong.

Alam ko namang worried lang si Bea kaya ganon siya mag react pero kasi parang iba na eh, mas OA pa kay ate Den. Ako naman ang best friend eh, masama bang gampanan ko muna yung role ko?

"Thank you Michelle ah." tsk Michelle daw.

"Kita mo 'to, sabi mo walang magbabago pero ikaw 'tong Michelle ang tawag sakin." ngumiti siya.

"Sorry."

"Wala kang dapat ika-sorry. Ice lang, babe." Napailing nalang siya habang tumatawa.

"Seryoso na. Thank you talaga babe." napangiti ako dahil inemphasize niya talaga yung 'babe'.

"You're my best friend so natural lang na gagawin ko ang lahat para sa'yo. I promise, walang magbabago. Ako pa rin ang Fubear slash babe mo."

The rest of the car ride was silent pero ayos lang para makapagpahinga ng konti si Jia.

Nakarating na kami, bababa na sana ako pero tinignan ko si Jia nakatulog na pala. Nagpunta 'ko sa side ng seat niya at hinaplos ang mukha niya.

"Babe wake up, nandito na tayo." unti-unti naman niyang binuksan ang mata niya at ng maka'recover siya ay tumayo na din siya at pumasok na kami sa loob.

"Mich mauna na 'ko sa taas ah, inaantok na 'ko eh." Jia.

"Sige, sleep well babe." I kissed her temple at sakto namang nagbukas ang pinto, sila Bea.

"Night." sabi ni Jia bago umakyat.

"Napano 'yon?" Tanong ni ate Den.

"Wala naman ate, inaantok na daw eh." Sagot ko.

"No, I mean what happened when we were at the mall? Why is she crying?"

"Uhm she told me everything." nabigla siya.

"She did?" Tumango lang ako.

"Don't worry ate, hindi ko naman ipagsasabi 'yon eh. Hangga't ayaw pa ni Jia sa'tin lang muna 'yon."

"Thankful lang ako na nago-open up na siya Mich. At least unti-unti ng nawawala ang takot niya." ngumiti ako.

"Don't worry ate, I'll help her forget what happened."

"Thanks, Michelle. I trust you."

"Oo naman ate."

"Sige magpahinga na din tayo." at sabay na kaming umakyat.

Bea's POV

Pagpasok ko ng sasakyan sumunod na din sila Maddie, buti naman at naisipan nilang manahimik nalang kasi naiinis talaga ako. I drove in silence hanggang sa makarating na kami sa Eliazo. Bumaba agad ako, nasa likod lang ako ni Ate Den akala ko magiging okay na 'ko pag-uwi pero mas lalo pang nadagdagan ang inis ko sa nakita at narinig ko. 'Babe' daw ugh! How sweet! (note the sarcasm) Tapos kiniss pa ni Mich si Jia sa noo. Ugh nakakainis!!

"Night." sabi lang niya bago umakyat. Gusto ko na talaga siyang makausap pero bukas nalang kasi baka 'di pa siya okay. At mainit pa ulo ko baka mailabas ko yung galit ko sa kanya.

Kaya dumiretso nalang ako sa kitchen para uminom. Ang init ng ulo ko eh.

"Bei akyat na kami ah, sunod ka nalang." sabi ni Tey, tumango lang ako at ininom na ang tubig ko bago sumunod sa kanya.

FF>>>

Mich's POV

"Michifuuu, wake up na."

Escape from the PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon