Chapter 1

39 2 0
                                    

Author's Note
HELLO! Welcome to this amateur story. Before you read this I hope you already watched "Paano kita iibigin" by ate Reg and Papa P. If not, panoorin mo muna I tell you it's worth the time! Kung ayaw mo naman edi okay lang, pero it would create a little confusion within the story pero keri lang naman siguro. But anyways I hope you enjoy!
_________________
Saddria

"I love you" Piolo muttered in her ear as they danced in the melody. "Ha?" She asked and was about to look back at him when the director shouted. "Cut!" Sabi ni Direk joyce. "Good take, good job everyone!" She added.

Nagulat si Regine nang biglang umalis si Piolo. Tinangka nitong habulin siya pero agad itong naharangan ni direk joyce. "Congratulations Reg, I'm sure blockcuster nanaman ang pelikula natin. You and Piolo looks so good together. Speaking of peejyong, san na ba siya?" Tanong nito.

"Naku Thanks Joyce, hanapin ko lang muna si piolo maya na tayo mag usap." Sabi nito at nagmamadalng umalis. Nakita niya si Piolo sa kubo nito, nag-aayos ng gamit. "Hoy, ba't ka naman umalis agad? atsaka ano nga pala yung sinabi mo kanina mejo maingay kase kaya hindi narinig." Tanong nito sa nakuyokong Piolo. "Wala, wala yun kalimutan mo na yun." sagot ni Piolo at umupo sa isang upuan malayo kay regine.

Tumabi naman si Regine sa kanya as she grabbed his hand and intertwined it with hers. "Naku parang may malungkot ata? Halika na't kumain nalang tayo, gutom lang yan. May hinanda pa naman silang buffet dun sa labas. May gulaman dun, kain tayo?" Panunuyo nito at hinilig ang ulo sa balikat ni Piolo. Naramdaman niya itong bumuntong hininga bago sumagot. "Wag na Reg, Ikaw nalang." Pagtanggi nito. 

Tumikhim si Regine at lumuhod sa harapan ni Piolo. Hinawakan ni Regine ang magkabilang pisnge ni Piolo at pinagtama ang tingin nila. "Lance ko, kain na tayo." Malambing na sabi ni regine.

Napatawa naman si Piolo sa inasal nito at hinawakan din ang magkabilang pisnge ni Regine. "Ikaw talaga dinadaan moko sa paganyan ganyan mo alam mo namang sa totoong buhay ako talaga yung marupok. Sige na marteena ko, kain na tayo." Sabi ni Piolo kay regine at napangiti.

Napatawa si Regine at parang huminto ang mundo ni Piolo. Kung sana totoong siya nalang si Lance at ito nalang si Martee. Kung sana'y totoo lang na nagmamahalan silang dalawa ay siya na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo.  

"Halikana Lance, gutom lang yan." Sabi ni Regine at inila siya palabas sa beach kung saan nagkakasiyahan ang mga artista at staff. "Tagal niyo naman sa kubo Reg, anong ginawa niyo sa loob?" Pang-aasar ni Eugene nang makita silang lumabas nang magkasama. "Wala no, malisyosa ka talaga bakla ka!" Pabirong sagot ni regine sa kaibigan.

"Sana reg, nagsabit nalang kayo ng 'Do not Disturb' sign dun, di naman kami mangungulit." Gatong naman ni Direk joyce at sabay pa silang tumawa ni Eugene.

Namula ang mukha ni Regine at tinuro si Piolo. "Ito kaseng si Piolo oh, nag-emote effect pa dun." biro ni regine sa katabi niya. "Huy hindi naman, malungkot lang ako kase di ko na kayo makikita everyday." Depensa ni Piolo. "Ows? Kami ba talaga ha Peejyong? O si martee mo? Yieee! Kala niyo di ko alam noh? Marites ata to!" Pang aasar ni Direk. "Ay may pa ganong arte direk?" Asar din ni eugene.

"Ikaw talaga joyce, kung ano ano sinasabi mo kaya kita nababato ng sapatos eh! Kumain na nga lang kayo! Na-late lang ng very very light na intriga na kami may pa interveiw session na!" Sabi ni regine at hinila palayo si Piolo papunta sa buffet table. "Naku Lance, kumain ka nalang wag mo nalang pansinin yung dalawang yun, ma-issue lang yun." Litanya ni regine habang panay ang lagay ng pagkain sa plato Ni Piolo.

"Performing your wifely duties Reg?" Tukso ng isang baklang staff sa kanila. "Gaga ka bakla kumain ka na nga lang dyaan!" Pabirong asik ni Regine na tinawanan lang ng staff.

Hours passed by and the sun set and the moon rised. Nakapaligid silang lahat sa isang bonfire at as per usual napagkatuwaan nanamang gawing human jukebox si Regine.

"Tama na mga teh! Pagoda na ang lola niyo." Sabi ni Regine. "Sige Reg inom ka muna!" Sabi ng isang staff na katabi ng nagigitara. "Oi pasayawin naman natin ang bagong kasal!" Sigaw ni Direk Joyce na sinang ayunan naman ng lahat. Hindi pa kasi nakakapagpalit ng damit si Piolo at Regine kaya't naka barong at wedding gown parin sila.

"Hoi tange! Wag na, kumanta nalang tayo." Tanggi sana ni Regine ngunit agad na tumayo si Piolo at nilahad ang kamay sa harap ni Regine na nagpatili sa mga babae at bakla na staff. "Can I have this dance?" Sabi ni Piolo habang nakatitig sa mata ni Regine. Matagal munang tinitigan ni Regine ang kamay ni Piolo bago niya ito tinanggap.

Tumayo sila sa gitna ng mga tao at sumayaw. Agad namang nagpatugtog ang gitarista ng isang romantikong kanta. Habang nalulunod sila sa titig ng isa't isa ay may staff na sumigaw. "Isang kiss naman jan!" Sigaw nito. "Huy! Sobra na y-" Hindi natuloy ni Piolo ang pag angal nang dampian siya ni Regine ng isang mabilis pero madiin na halik.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay agad na bumitaw si Regine sa hawak ni Piolo at agad na naupo pabalik sa upuan niya.

Naiwan naman si Piolo sa posisyon nilang iyon na tila ba'y wala sa sarili. "Oi may na shock! Tulungan niyo!" Biro ni Direk Joyce na tinawanan din ng ibang staff na nagpagising kay Piolo. Umupo siya sa tabi ni Regine kahit may bahid parin ng gulat sa mukha. Sinubukan ni Piolo na hulihin ang tingin ni Regine ngunit sa malayo ito nakatingin at wala rin sa sarili.

Lumipas ang ilang oras ay unti-unti nang nagsialisan ang mga staff upang magpahinga. "Reg, Peejyong matulog na kayo, matutulog na rin ako." Bilin ng medyo lasing na si Direk Joyce bago pagewang gewang na naglakad palayo. Sila naman ay naiwan sa dalampasigan.

"Uwi na ako." Sabi ni Regine at tumayo matapos lumipas ang ilang minutong katahimikan. "O-okay." Gusto mang pigilan ni Piolo si Regine, ano naman ang sasabihin niyang dahilan?

"May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong ni Regine. Napatingin naman si Piolo sa kanya ngunit agad ding binawi ang tingin. "Wala, mag-iingat ka. Magkita nalang tayo pag ipro-promiote na ang pelikula." Sabi ni Piolo at napatingin sa Dagat.

"Sabi ko nga, wala kang sasabihin. Wala kang nararamdaman." Pagak na tumawa si Regine at tumalikod. "See you, Lance." Dagdag nito bago tuluyang umalis. Napaluha si Piolo at napatingala sa langit. "Diyos ko, sa lahat ng babaeng maibibigay mo sakin para mahalin ko. Bakit yun pang taong hindi ko pweding mahalin?" Tanong nito sa langit.

.................










Caught in the RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon