Author's Note
HELLO! Thank you for reading. Sorry for the late update! Bawi tayo next month guys HAHAHA.
_________________
SaddriaRegine's POV
Ang dami kong tanong na tumatakbo sa isip ko, pero isa lang ang malinaw: Kailangan ko si Lance. Bakit parang gulo ng lahat? Para bang mayroong napakahalagang bagay na hindi ko makita, hindi ko maalala. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong pinoproseso ang mga nangyayari. Pero kapag tumingin ako kay Lance, doon lang ako nakakahanap ng kaunting katahimikan, parang siya lang ang tanging ligtas na lugar para sa akin ngayon.
"Lance," mahina kong tawag, pilit hinahanap ang sagot sa mga mata niya.
Tumingin siya sa akin, pero parang may bumabagabag sa kanya. "Ano bang nangyayari sa 'yo? How did you end up this way my love?" It feels so tender to be in his arms.
Nabigla ako sa tanong niya. Parang gusto kong sabihin na hindi ko rin alam, pero parang ayaw kong aminin sa kanya na wala akong maalala. Ayokong makita niyang nahihirapan ako.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" balik-tanong ko, sinusubukang itago ang pag-aalala sa boses ko. But a sudden thought crossed my mind that made me shift my thoughts. "Lance?" Mahina kong tawag, pilit hinahanap ang sagot sa mga mata niya.
"Lance," muli kong tawag, halos bulong, pilit na nilulunod ang kaba sa dibdib ko. "Nasaan si Liam? Kailangan ko siyang makita." Hindi siya sumagot at patuloy lang akong niyayakap. "Lance, nasaan si Liam?" tanong ko ulit, halos nagmamakaawa na. Kailangan ko siyang makita, makasama. Siya lang ang alam kong totoo sa lahat ng ito.
Nakita ko ang saglit na pag-aalinlangan sa mukha ni Lance, pero agad niya itong itinago. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, pilit na pinapakalma ako. "Nasa bahay siya, Martee. Safe siya roon. Pinabantayan ko siya kay yaya," sabi niya, ngunit may halong kaba ang boses niya.
"Nasa bahay?" tanong ko, pilit na inuunawang mabuti ang sinasabi niya. "Bakit hindi ko siya maalala? Bakit parang ang labo ng lahat?"
"May concussion ka," paliwanag niya, sinubukang gawing simple ang lahat. "Kaya malabo ang mga alaala mo."
"Iyon siguro ang dahilan kaya hindi mo siya matandaan nang malinaw. Pero nasa bahay siya, ligtas, at hinahanap ka rin niya." Nararamdaman ko ang mga luha na pilit kong pinipigilan. Bakit hindi ko maalala ang sarili kong anak? "Kailangan kong umuwi." sabi ko, pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Lance na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa akin. "Kailangan akong makita ni Liam."
Pero hindi niya ako binitawan. "Martee, sandali lang. Hindi ka pwedeng umuwi ng ganito. Kailangan mong magpagaling muna. Kailangan ka ni Liam na malakas at okay." Pero umiling ako, all his actions and words doesn't match. Mas lalo lang akong nakukumbinsi na kailangan ko nang umuwi para makita ang anak ko. Pero ayaw ako bitawan ni Lance.
"Bakit? Ano ba'ng nangyari sa akin?" tanong ko, pilit na tinatago ang takot. "Ano'ng nangyayari sa 'kin, Lance?"
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Naaksidente ka. Pero ayos ka na. Kailangan mo lang magpahinga at hayaan silang tulungan ka dito."
"Magsasama tayo sa bahay, 'di ba? Kailangan akong makita ni Liam." ulit ko, tila nawawala na ang kontrol sa sarili kong mga salita. "Huwag kang mag-alala," sagot ni Lance, na kahit pilit magpakalma ay halata pa rin ang alanganin sa boses niya. "Babalikan natin siya, promise. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna rito. Para kay Liam."
Napatingin ako sa kanya, at sa pagkakataong iyon, may nakita akong kakaibang lungkot sa mga mata niya. Para bang may hindi siya sinasabi sa akin. Pero ayoko na munang mag-isip. Gusto ko lang magpahinga.
"O-okay," mahinang tugon ko, at naramdaman ko ang unti-unting paglubog ng katawan ko sa pagod. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit, para bang ayaw niya akong pakawalan.
Sinubukan kong alalahanin, pero para bang may makapal na ulap na bumabalot sa isipan ko. "Pero bak—" Napatigil ako nang mapansin kong may ibang babae sa silid. Pamilyar siya, pero hindi ko matukoy kung bakit. Pero alam kong siya yun, siya yung baabeng palaging nasa kwarto ko at nakabantay sa'kin.
"Sino siya?" tanong ko kay Lance, itinuturo ang babae na parang hindi ko na siya kilala. Kahit alam kong dapat, hindi ko maalala. She seems so familiar, like I knew her all my life. But how come I couldn't recall even her name?
Napansin ni Lance ang pagkalito ko at mabilis na nag-isip ng sagot. "Siya si Cacai, kapatid ko. She lives abroad, kaya hindi kayo madalas magkita. Kaya hindi mo siya agad naalala." sabi niya nang kalmado, pilit na ine-explain ang sitwasyon. "Pero pamilya siya. She's your sister-in-law."
Tumango si Cacai, na ngayon ay nakatayo malapit sa pinto, parang nag-aalangan. "Hi ate, kamusta ka na? Sorry ha, ngayon lang ako, matagal na rin akong hindi umuuwi sa Pinas eh." I don't know if I was just hallucinating or she really did sound like she was about to cry. Pilit na nagpipilit ito ng ngiti, pero ramdam ko ang tensyon sa silid. "Baka kaya hindi mo agad ako natandaan."
May gusto akong itanong, pero parang mas nalilito ako sa bawat sagot nila. "Hindi kita maalala, pasensya na." mahinang sabi ko, bumaba ang mga mata sa sahig. Bakit parang may mali? Parang may kulang? Pero hindi ko matukoy kung ano.
"Okay lang 'yan, Mahal. Magiging maayos din ang lahat," sagot ni Lance, pilit akong pinapakalma. "Naguluhan ka lang dahil sa aksidente. Kaya kailangan mo munang magpahinga rito. Lahat ng ito, lilinaw rin."
Gusto kong maniwala sa kanya, gusto kong isipin na tama siya. Pero sa loob-loob ko, may tumutulak na kaba. "Pero si Liam, kailan ko siya makikita?"
Mabilis na sumagot si Lance, halatang nag-iisip ng paraan para magbigay ng assurance. "Pupuntahan natin siya, promise. Pero kailangan mo munang magpagaling. Hindi mo siya matutulungan kung hindi ka okay."
Napatingin ako sa kanya, at sa kabila ng lahat, may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Para bang may sinisikreto siya sa akin. Pero pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang munang magpahinga, gusto kong isipin na tama siya, na magigising na lang ako isang araw at maaalala ko na ang lahat.
"Okay," mahinang tugon ko, unti-unting bumibigay sa pagod. Hinawakan ko ang kamay ni Lance nang mahigpit, para bang siya lang ang natitirang koneksyon ko sa mundo. "Promise, Lance. Babalikan natin si Liam."
"Promise, Marteena," sagot niya, at naramdaman ko ang bahagyang pagkapit niya pabalik. Pero sa loob-loob ko, alam kong may hindi siya sinasabi. Pero pipikit na lang muna ako, umaasang paggising ko, lahat ng ito ay magiging mas malinaw.
BINABASA MO ANG
Caught in the Role
FanficShooting Paano kita iibigin was thier wake up call. Both knew that they woke up something within them. A fire that will either warm their hearts and lives, or burn everything that makes them who they are. Piolo and Regine were set to make a film and...