Chapter 10

38 1 0
                                    

Author's Note
HELLO! Thank you for reading the first Chapter! I hope you enjoy this one.
_________________
Saddria

Disclaimer: This story is for entertainment purposes only and is not speculating nor confirming any known or unknown issues or controversies. And is purely fictional! The people involved in this story are only the author's idols and are not related nor responsible for whatever things or scenarios that will be in this story. Please do not use this story as a reference for any self-diagnosis. The author is not a licensed doctor and has no in-depth understanding or education about the anatomy of the human brain. The author will not be held responsible for any misunderstandings, misdiagnosis or any kind of confusion regarding the condition the lead will have in this story. Once again, this is only FICTIONAL. Thankyou for your understanding!




Cacai's POV

Ilang linggo nang tulog si ate. The doctors said that the anesthesia they had to give her was so strong that she went into a comatose state right after the operation. Ganon kalaki ang naging damage sa kanya nung aksidente.

Ilang araw matapos magsuntukan sila Kuya Piolo at Kuya Ogie dito sa Ospital. May lumabas agad na mga articles kung bakit nangyari yun. Maraming haka-haka, may mga nagsasabing may relasyon sila ate at kuya Ogie. Meron din namang iba na ang sabi, sila daw ni ate at Kuya Piolo.

But what shocked the whole showbiz world was the announcement Piolo's management gave after that. Huminto na si Piolo sa pag-arte. And "Paano kita iibigin" is officially his last project. Kaya mas lalong lumala ang mga chismis.

But frankly, wala naman na akong pake sa kung anong sasabihin at ipapakalat nila. Wala na talaga akong pake basta't magising na ang ate at maging maayos na ang lagay niya. Kaya lang ay ilang linggo na ang dumaan. Noon una ang sabi ng doctor ay ilang araw lang siya maco-coma. But it's been weeks.

Currently, the doctors are running a series of tests para malaman kung bakit hindi pa siya gumigising. Pero ang main speculation nila ay baka raw dahil sa natamo nitong malaking sugat sa ulo. At baka daw nagkaroon ng malaking effect ang concussion nito.

But for now, wala kaming magawa kundi bantayan siya at magdasal sa panginoon na sana ay ilayo niya sa kapahamakan si ate.

I'm sitting beside her bed, nakatulala lang sa kanya. Gusto ko, ako ang una niyang makikita pag nagising siya. Gusto kong malaman niya na kahit anong mangyari ay nandito lang ako. Hindi ko siya iiwan, at kahit suklian ko pa ang mga sakripisyong ginawa niya para sa aming magkakapatid ay gagawin ko.

After all, she's not just our ate. At a young age she became our third parent. Our provider, and in midst of all of that, wala siyang hininging kapalit kundi ang maging masaya kami at maging maayos ang buhay namin.

Hindi ko alam kung bakit pilit na binubogbog ng mundo ang ate ko. Siya ang pinakamabuting tao na kilala ko.

Tears fell from my eyes and I couldn't help but sob. Pero agad ko ding pinahid ang mga luhang tumulo nang marinig kong bumukas ang pinto. Pumasok si Deca, may dalang gamit at pagkain.

"Kamusta 'te? Wala pa rin ba?" Tanong nito kaya umiling lang ako at umupo ng maayos. "Si kuya ba 'te? Bumisita na uli?" Tanong nito habang inaayos ang mga gamit sa table.

I scoffed at her question. Isa pa 'yong gagong iyon. Pagkatapos niyang bugbogin at paalisin si Piolo at malaman na tapos na ang operasyon ni ate ay umalis din kaagad. Hindi man lang niya pinuntahan si Ate sa kwarto nito.

Tapos eto ngayon, ni hindi magawang bisitahin si ate. Hindi ko na din alam kung anong takbo ng isip non. Basta para sakin ay gago siya. Napaka gago niya.

"Hindi pa, ewan ko dun." Galit kong turan. Hindi na din naman nagsalita si Deca nang maramdaman ang inis ko sa topic namin.

Pero naputol ang pagmamaktol ko nang makita kong gumalaw ang daliri ni ate. Napatayo ako at napatingin kay deca. Nanginginig kong itinuro ang kamay ni ate. "Deh, D-deh nakita mo yon diba? Diba? Hindi ko imagination yun diba?" I said as my tears started to blur my vision.

"Oo 'te! Tatawag ako ng doctor!" Sabi nito at patakbong lumabas ng kwarto. Binalik ko ang tingin ko kay ate at nakitang nag-iiba ang emosyon ng mukha niya. Pagising na siya! I couldn't help myself but be emotional.

"T-tubig." Sabi nito at itinaas ang kamay. Agad naman akong napapitlag at nagpapanic na humanap ng tubig. Kinuha ko ang isang bottled water sa ref bago lumapit sa kanya.

Nakapikit pa rin ang mata niya, mukhang nasisilawan sa ilaw habang nakakunot ang nuo. Pina-inom ko siya ng tubig at tamang tama naman dahil kakapasok lang din ng doctor.

Agad nitong dinaluhan si Ate at chineck ang mga kung ano. Hindi ko naman alam kung anong chinecheck niya.

"Miss, can you hear me?" Sabi nito habang chinecheck ang mata ni ate. Hindi mawala sa labi ang ngiti ko nang makita kong tumango siya. After some time tumayo ang doctor at ngumiti.

"Welcome back to life Miss Regine!" Masayang sabi nito. Napatawa naman kami ni Deh na nakayakap sa akin.

Pero agad ding nawala ang ngiti naming tatlo nang marinig ang sagot niya.

"Sinong Regine? B-bakit ako nandito? Anong nangyari?" Sabi nito at hawak ang nuong umupo. Agad naman itong dinaluhan ni Deca at tinulungan tumayo.

"Ate dahan-dahan lang." Sabi ni Deca kay ate pero nang balingan niya ito ng tingin ay mas lalong lumalim ang kunot sa nuo ni ate.

"Sino ka? Bitawan mo nga ako!" Sabi nito at bahagyang tinulak si Deca kaya nagulat ako. "Ate!" Sigaw ko at dinaluhan si Deca na mejo na-out of balance.

"Ano-anong ate? Sino ba kayo ha? Hindi ko kayo kilala!" Sigaw nito at tatayo na sana nang sumalampak siya sa sahig dahil sa kawalan ng lakas. Agad ko naman siyang tinulungan pero nagpumiglas siya.

"Bitawan mo'ko, ba't ako nandito? Nasan ang asawa ko?" Tanong nito kaya nagtaka ako. Anong asawa?

"Lance? Lance!" Sigaw nito. Lance? Si Piolo.

"Bitawan mo'ko kailangan kong hanapin ang asawa ko. Lance! Liam!" Sigaw nito kaya napalayo ako sa kanya at napatingin sa doctor. May tinawagan ito at ilang minuto ang lumipas ay tatlong nurse ang pumasok sa kwarto.

Ang dalawang lalaking nurse ay hinawakan si ate sa magkabilang braso. They forcefully pulled her up and brought her back to her bed. Napakunot ang nuo ko dahil masyado naman ata silang maharas pero pinigilan ako ni Deca dahil nagh-hesterical na din si ate.

Yung babaeng nurse naman ay may hawak na injection. They sedated her as she shouted Lance again and again and after a while ay nakatulog na ito dahil sa gamot.

Napatingin ako kay Deca at sa Doctor. Nahilo at ako at hindi ko alam kung anong dapat kong isipin o gawin. Hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay.

Caught in the RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon