-

16.9K 382 275
                                        

Oo, endgame. Walang namatay. No cheating. Super green flag ang ML at FL, kaya bumalik ka na sa prologue kasi marami 'tong spoilers hahahahah reading the epilogue first will just ruin the thrill.

-----

NAPATINGIN SIYA SA sariling repleksyon at napangiti. She was wearing a white dress that reached her knees, and her shoulder-length hair was styled into a half-ponytail. She let a few strands get loose to frame her face.

Umikot siya sa harap ng salamin at muling napangiti. She paired her dress with black flat sandals and a black sling bag. This is probably her first time to wear a dress since she got to Shantrie's house, she thinks.

She sprayed some perfume on before going downstairs. Kaagad niyang nakita roon ang mga kapatid na napatingin sa kanya habang naglakad siya pababa.

"Ganda naman ng bunso namin!" Jack exclaimed and clapped. May malawak na ngiti ito sa mga labi at halata ang saya sa mga mata.

"Looking good, Enesha. Let's go. The detective's waiting for you." Alex stood up from his seat and fixed his black polo.

Hindi niya alam kung ano ang pakulo ni Shantrie, but he said he wanted to take her out on a romantic date, at ang mga kapatid niya raw ang maghahatid sa kanya.

Nakagat niya ang dila upang pigilan ang malawak na ngiti. Shantrie has been courting her for three months already, at talagang ang dami nitong pakulo.

Every day, he never fails to give her assurance and makes her feel loved. And she can see herself growing with him. She learned how to open up and lean on him when everything gets too tiring and vice versa.

Pahinga nila ang isa't isa.

She felt her cheeks flushed at that thought kaya agad siyang napatikhim at sumakay na sa front seat. Alexander turned the engine on and drove.

"Saan pala tayo?" tanong niya sa mga ito, but her brothers just shrugged.

"Secret no clue." Jack wiggled his eyebrows, kaya 'di niya mapigilang irapan ito.

"It's a surprise, Enesha," Alex replied coldly.

"Alex, ikaw ang mahilig mambuking. Hindi mo man lang ba ilalaglag si Shantrie?"

"He's my best friend."

"And I'm your sister!" Kumunot ang kanyang noo.

"Yeah, and I want the best for you. Mawawala ang excitement mo kapag sasabihin namin."

"Oo nga. Gusto mo 'yon? Kami hindi, aba!"

Napailing na lang siya at napasandal sa kinauupuan. Wala siyang makukuhang matinong sagot sa mga ito.

Pumapailanlang sa kotse ang Spotify playlist ni Jack na puro Kpop, at ang kantang Psycho ng Red Velvet ang sinasabayan ni Jack sa pagkanta.

"Damn, ganda talaga ng boses ni Wendy!" he said amusely and sang. Sanay na sila rito. Jack is always like that.

Sila lang yata ni Alex ang seryoso. She just couldn't help but match his aura most of the time.

She took her phone from her bag and searched through her messages, checking for any messages from Shantrie, pero wala.

Napanguso siya at muling binalik iyon sa kanyang bag. Na-miss niya na ito, but what is he planning?

Nasagot ang kanyang tanong nang huminto na sila. Kumunot ang kanyang noo. This was where Shantrie took her before.

"Go, Enesha. Aalis na kami." Alex cocked his head towards the window na para bang pinapapunta na siya roon.

"Kaya mo na 'yan!" Jack even tapped her shoulder and continued singing. Pinaningkitan niya ng mga mata ang mga kapatid.

Bring It On, DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon