QW

15.9K 397 53
                                    

"WHERE HAVE YOU been?" taas-kilay na tanong niya sa babaeng kararating lang at pinagkrus ang mga braso sa ibaba ng dibdib.

Elisheva looked at him, tilting her head to the other side, at dahil nakahubad na ang baseball cap nito, he could see her eyes clearly. Inosente itong nakatitig sa kanya na para bang hindi siya nito tinakbuhan kani-kanina lang.

Fuck. He was overthinking! Gustong-gusto niya nang pasundan ito, but he stopped himself. He needs to respect her privacy, and he's stepping the boundary kapag ginagawa niya iyon.

"Sa kaibigan ko nga," mahinang saad nito at naglakad papalapit sa kanya.

"A guy?" Hindi niya sinadya, but his voice came out as somehow sarcastic. Kita niyang napanguso ang babae, nahihimigan ang tono ng kanyang boses, at dahan-dahang tumango.

She tiptoed and suddenly wrapped her arms around his neck, planting a light kiss on his lips. And that caught him by surprise.

Napakurap siya, at ramdam niyang may kung anong kiliti na gumapang sa puso niya dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. The air left his chest, at nabura lahat ng agam-agam na tumatakbo sa isip niya. It was an innocent and chaste kiss. . . but fuck. It affected him so damn much.

Muli nitong pinatakan ng halik ang kanyang mga labi na ikinahigit niya ng hininga. "Huwag ka nang magalit," parang batang saad nito at muli siyang hinalikan nang matunog. Fuck. Damn this woman!

Tangina. Nawiwindang na siya.

"S-Stop." Sunod-sunod siyang napalunok nang akma na sana nitong papatakan ulit ng halik ang kanyang mga labi. Tumikhim siya at bumuga ng hangin. His heart is racing so goddamn fast, all because of an innocent kiss!

"Let me breathe," he muttered in a low voice and held her shoulders.

She was stunned, looking at him with slightly wide eyes. Her lips parted, and her surprise-stricken eyes blinked. Nakatitig lang siya sa pagbabago ng reaksyon nito. It feels like seeing neon lights slowly changing colors.

Nakakaaliw.

Slowly and slowly, her eyes turned playful. Nabuo ang malawak na ngiti nito sa mga labi at lumabas ang dimple nito.

"I made you breathless," she stated as a matter of fact at may aliw pa na sumasayaw sa mga mata nito.

"And you're using it to tease me, I see." Pinaningkitan niya ito ng mga mata at saka hinapit ito sa bewang. Humagikhik naman itong lumayo sa kanya at tiningnan siya sa mga mata.

"I still have to cook food for Jayden, Detective. Don't flirt with me."

Tinaasan niya ito ng kilay. "You're the one who flirted with me first."

Suminghap ito at hinampas ang kanyang braso. "Uy, hindi kaya panlalandi 'yon! Kini-kiss lang, panlalandi agad? Malandi ka kasi, kaya akala mo nilalandi kita!" Natatawa nitong kinurot ang bewang niya, and her laugh alone caused the corner of his lips to curl upwards.

This woman can really bring a smile to his face effortlessly. Fuck.

"Oo na!" He wrapped his arms around her shoulders. "Let's go to the kitchen. I want to see you cook food for Jayden."

"Ayoko. You will just flirt with me!"

"Yakap nga lang, nilalandi agad?" balik niya sa itinukso nito sa kanya kanina. Malakas itong napasinghap at muli siyang kinurot sa bewang, but she just grunted. Nagkasalubong pa ang kilay nito at humaba ang nguso.

"Ano ba 'yan, 'di ko talaga makurot-kurot. Ang tigas," mahinang bulong nito na narinig niya naman kaya malakas siyang natawa. Damn. So cute.

He pinched her nose and ruffled her hair. "Sabihin mo lang na gusto mong maka-chansing sa akin, eh. Kunyari ka pa." Pinisil niya ang pisngi nito pero mabilis nitong tinapik nang malakas ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Bring It On, DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon