CHAPTER THREE

86 58 70
                                    

***

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa oras na makauwi ako sa Mansion. Maraming posibleng senaryo ang tumatakbo sa isipan ko.

Nasa loob pa rin kami ng carriage pero tanaw ko na mula sa bintana ng sasakyan ang Mansion, malapit na kami.

Kahit anong bilang ko ng mga tupa sa utak ko ay hindi ako kumakalma. Mas tumaas yata ang anxiety ko dahil sa mga nangyare ngayong araw.

Napapikit ako ng mariin nang tumigil na ang sinasakyan namin. As usual, naunang bumaba si Melissa para alalayan ako pababa ng carriage.

Mabigat ang bawat hakbang ko papasok sa loob ng Mansion, dumiretcho ako patungong Study Room kung saan ako iginiya ng Butler na siyang laging naka aligid kay Count Eckhart.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob papasok. I expected my Father’s angry face but what confused me is It’s only Lucifer sitting alone on the couch.

“Brother Lucifer,” pabulong na sambit ko. “Where’s Father?” tanong ko sa kanya saka tuluyang pumasok sa loob.

Am I saved? Kung aalalahanin ko ang itchura kanina ni Count Eckhart ay paniguradong grounded na naman ako or the worst part ay baka saktan niya pa ako.

“Sit down, Felicia. I insisted that I will be the one to talk to you,” malamig na sambit nito. “You should be thankful that I saved you from being punished.” dagdag niya pa saka sinalubong ang tingin ko, kaagad din akong umiwas dahil hindi ko kayang tagalan ang nakakapanghina niyang mga mata.

He’s intimidating and scary… He’s more terrifying than Count Eckhart.

I am facing a monster.

Tahimik akong naupo sa kaharap niyang couch, sa lamesita sa gitna namin ay may nakahandang tea cups. This is not going to be a sweet talk tho, damn that decorations.

“How is he?” I ask, referring to Felix. He looks calm pero hindi pa rin nababawasan ang kabang nararamdaman ko. Inobserbahan ko lang ang bawat galaw niya, he calmly poured tea into his tea cup and took a small sip from it.

“He hasn’t gained his consciousness yet. The 2nd Crown Prince specialized defensive magic spells and he’s strong, it’s not just a merely slipped out of mana.” sagot niya na may halong pagsusuri sa reaksyon ko, bahagya akong napatango ‘tsaka umiwas sa mapanuri niyang tingin mukhang alam niya mismo kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Napadako ang tingin ko sa lamesita nagdadalawang isip pa ako kung maglalagay rin ba ako ng tea sa teacup na nasa harapan ko.

I heard about the Royal Family using a magic, ipinanganak na sila na may kaniya-kaniyang mga abilidad but it feels surreal as someone that came from another world.

“The point is, it’ll take a while for Felix to wake up. And as for you, what happened?” tanong niya, hindi iyon tunog nag-aalala but instead it sounds like he’s suspecting me about something.

Right, I am at fault for getting Felix in danger.

Just how cruel Felicia’s Family could be? Akala ko ay perpektong pamilya sila, I even complimented how warm and welcoming they were. I guess, they only cared when it’s benefitting for the Family.

Narealize ko, ganoon sila magreact kanina dahil bukod sa Prince ang nakaharap namin ay napunta pa sa bad side si Felix. Of course, it will affect our Family especially Count Eckhart, baka siya naman ang pag initan ni Kaios at i-sabotage pa siya.

Ugh, can I have a pause button? This is really stressing me.

“Well, It’s supposed to be a tea party for the Youngest Princess and I but the 2nd Crown Prince boldly asks if I want to marry him. It is truly an insane scene and Felix just protected me—!” I was cut off by the loud slam of Lucifer’s hands on the table.

W-wait, I am telling the truth! Mas lalo ba akong naging suspicious sa paningin niya at naisip niyang baka nagsisinungaling lang ako?!

“Wait, Brother Luci— I heard enough of your explanation. Get out of here and rest.” muling putol niya sa sasabihin ko, sounding dismissive.

I heaved a sigh and stood up, tiningnan ko pa siya ng ilang segundo bago nag bow sa harapan niya.

“I politely excuse myself.” sambit ko saka tumalikod na at nag lakad palabas ng pintuan. Nang tuluyan ko na itong naisara ay napabuntong hininga akong muli, parang nabunutan ako ng malaking tinik sa kaloob-looban ko.

“I already prepared your bath, Lady Felicia. Please, rest well.” naka bow na sabi ni Melissa na nasa likuran ko lang pala at hinihintay akong makalabas mula sa Study Room.

I nodded in response. “Thank you, Melissa.” bakas ang pagod sa boses ko, nilagpasan ko na siya saka dumiretcho na sa kuwarto ko na nasa pinakadulong bahagi ng corridor.

Nang nasa loob ay parang hinihila na ako ng kama na matulog na pero kailangan ko munang linisan ang katawan ko at siguro, mag relax na rin sa bathtub. I dealt with lots of stress today as Felicia, I deserve to relax even just for a minute.

Napangiti ako, sakto lamang ang temperatura ng tubig at feeling ko ay nawala lahat ng pagod ko. My second bath in this world, the best. Inilubog ko ang sarili at dinama ang maligamgam na tubig sa katawan ko ngunit hindi nagtagal iyon.

C’mon! Kahit ngayon lang, ayokong mag overthink!

Sinapo ko naman ang ulo ko saka sumandal sa kabilang dulo ng bathtub, maraming tumatakbo sa isipan ko.

Anong susunod na plano ng 2nd Crown Prince? Anong susunod na mangyayare sa oras na gumising ako bukas? Nasaang parte na ito ng libro at bakit hindi ko man lang ma-predict kung anong susunod na mangyayare? At…

Sino si Mikhail?

Those emerald eyes reminds me of something, at bakit parang kilala ko siya? The way he looks at me feels like he knows me deeper and it hurts.

Napapikit naman ako saka mas inalala ang pigura ni Mikhail. Mag isip ka Felicia, baka sakaling makita ko ang ilan sa memories ni Felicia na hindi nakasulat sa libro.

Mikhail de Clayfild.

Ilang oras akong nasa ganoong posisyon hanggang sa inis kong kinalampag ang tubig sa bathtub. Hindi ko alam. Wala akong maalala tungkol kay Mikhail.

Hindi na rin ako nag tagal sa pagligo at nag ayos na, pagkalabas ko sa banyo ay dumiretcho ako sa isang stool saka hinarap ang sarili sa salamin.

Inabot ko ang kulay purple na suklay saka sinimulang suklayin ang hindi kahabaan kong buhok. I am still amazed by my purple hair. Ang ganda! Bagay na bagay siya sa akin, the harmony this body possess is so magical, talaga namang malawak ang imahinasyon ng author nito at ginawa niyang mala dyosa si Felicia.

She’s a top-tier exquisite character.

Pagkatapos kong i-admire ang sarili sa salamin ay patalong akong humiga sa kama saka niyakap ang unan sa gilid ko.

Hah. It’s really nice to finally feel relaxed after that stressful incident a while ago. Isipin mo, magigising ka sa ibang mundo tapos ma e-experience mo kaagad na; ma-force na pumunta sa isang sacred place, masaksihan na masaktan ang kapatid mo right in front of your eyes, ma threatened gamit ang espada, masampal ng Nanay mo at higit sa lahat makasalamuha ng isang tao na alam mong kilala mo pero hindi mo maalala.

Well, second priority ko bukod sa panatiliin ang sarili kong ligtas ay ang alamin kung sino ba talaga si Mikhail sa buhay ni Felicia. Is he a threat to my life that I should avoid or there’s more than that?

This is a different world, right? Maybe a spy is no surprise here…

I’ll get one and gather the information that I need. I will find out about you sooner, Mikhail.

***

The Novel's Extra Where stories live. Discover now