CHAPTER SIX

37 21 93
                                    

***

Out of shocked I found myself wearing my nightgown, hindi rin halos maayos ang buhok ko. Nagmamadali akong naglakad patungong Living Room.

“How did Brother Lucifer know about me recruiting a spy? Didn’t I tell you to keep it a secret?” tanong ko kay Melissa na nakasunod lamang sa akin.

“I did, Lady Felicia. I keep it a secret but perhaps he hears us talking?” patanong na sagot nito sa akin.

How come? Eh, wala si Lucifer no’n, this is stressing me out.

So, the good news is I have my spy now and the bad news is it’s from Lucifer? Ayoko sanang malaman nila dahil recruiting a spy means you have an assassin backing you.

Baka isipin pa nila na I am trying to assassinate them. Hell nah!

Nang tuluyan akong makarating sa Living Room ay naabutan kong prenteng nakaupo si Lucifer sa sofa habang may isa pang lalaki ang nasa may bintana at nakasandal do’n. A guy with a dark green hair, naka suot ito ng kulay itim na suit at pants, may armas din ito na nakakabit sa baywang niya.

Daggers?!

“B-brother Lucifer…” utal na bati ko sa lalaking hindi pa rin nag aangat ng tingin sa akin, mukhang naagaw ko naman ang atensyon nila, napaatras pa ako ng kaunti nang sabay silang napatingin sa direksyon namin ni Melissa.

Nagtama ang mga mata namin no’ng lalaki na nasa may bintana, mukhang pinagaaralan niya ang mukha ko dahil sa tindi ng titig niya.

O baka naman nagagandahan lang siya sa akin?

Napadako ang tingin ko kay Lucifer ng tumikhim siya. He raised his right eyebrow at me at mukhang hinihintay akong magsalita.

Ano naman ang sasabihin ko?! Hindi ko naman ineexpect na malalaman niya ang tungkol sa paghahanap ko ng spy, he’s sharp.

“Sir Lucifer, If I may intercede, Lady Felicia asks for a spy to gather some information she needs, she doesn’t mean any harm.”

Napalingon ako kay Melissa nang magsalita siya, naka bow pa ito sa direksyon ni Lucifer na siya namang napatingin sa babae.

“Did I ask for you to speak?” halos mapanganga ako sa isinagot ni Lucifer. Ano raw?! Ang bastos ng lalaking ‘to!

“I’m sorry.” paghingi ng tawad ni Melissa, napangiwi naman ako saka sinamaan ng tingin si Lucifer.

“What?” he mouthed as he raised his eyebrows again, seryoso pa rin ang mukha niya at hindi ko man lang mabasa kung ano ang iniisip niya.

“She’s right, I needed a spy for my own needs and I don’t mean any harm.” ulit ko sa sinabi ni Melissa. I heaved a sigh, building up my courage to speak more.

Sa totoo lang kase, takot ako kay Lucifer. You can already feel his dangerous aura kahit pa ilang metro ang layo niya mula sa’yo. He placed number 2 on my list of dangerous people I should avoid but how can I avoid him when we’re living under the same roof?

“I’m not saying anything yet you guys are so defensive,” saad ni Lucifer saka nag crossed arms. “And I heard you, if ever you’re really trying to kill us, Felicia. Do you really think that a mere spy can even scratch me?” dagdag niya sa pabalang at malamig na tono.

Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko. Shit, hindi talaga puwedeng kalabanin ‘tong si Lucifer. He’s scary!

Sumandal ito sa backrest ng sofa saka ako tiningnan ng blangko, iginalaw pa nito ang dalawang daliri niya na animo’y nagbibigay signal sa lalaki sa likuran niya na gumalaw o mag salita.

The Novel's Extra Where stories live. Discover now