CHAPTER EIGHT

46 16 66
                                    

***

“Should I join you?” tanong ni Felix habang naglalakad kami palabas ng Mansion.

After leaving the antique shop we went straight to the Mansion. It’s already noon and I still gotta go to the Imperial Palace for the tea party with the Youngest Princess. Hapon pa naman iyon pero kailangan ko ng umalis dahil mahaba-haba pa ang byahe.

“No need, Brother Felix. I can handle it alone this time.” sagot ko sa tanong niya. I can’t have him come again with me dahil baka ma-ulit na naman ang nangyare no’ng una. Who knows if that bastard is in the Palace?

“Hmm, fine. I’ll have Trevor to escort you, it’s not safe to go alone.” biglang sumeryoso ang aura niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

He must be really worried about me.

“Okay, but have him guard me from afar.” huling sambit ko bago tuluyang nag lakad palabas ng pinto saka sumakay na sa carriage.

Sinilip ko pa siya mula sa bintana saka kumaway sakaniya ng nagsimula nang umandar ang sinasakyan ko, he waved back at me kaya naman nakangiti kong ibinaba ang kamay ko saka sumandal na sa backrest ng upuan.

I hope this time, it’s a peaceful tea party. I bet Kaia won’t let her brother interrupt again. Imagining her face from last time, she’s really furious.

Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa biglang pagkalat ng kaba sa sistema ko. I’ll be meeting the other noble ladies from different families. Iba’t ibang rank din kaya dapat akong mag ingat sa kanila.

I’m only a daughter of a Count. I can’t disrespect higher ranking nobles. And my goal for today is to gather information and to make some friends.

Itinukod ko naman ang kamay ko sa may bandang bintana saka isinandal ang baba ko ro’n para pagmasdan ang paligid mula sa bintana. Hindi na gaanong mainit ang panahon at mula rito ay tanaw ko rin ang malawak at berdeng mga damo sa paligid, hindi kalayuan ay ang mga konkretong building na siyang hindi gaanong malinaw sa paningin ko, nagmumukha rin itong maliit mula rito sa puwesto ko.

Ilang weeks na rin pala akong naririto. A lot of things happened already, at habang tumatagal ay mas lalo ring napupunta sa panganib ang buhay ko.

Hindi ko alam kung may usad na ba ako, kung hihintayin ko pang mag appear ang female lead bago ko pa masiguro na ligtas na talaga ako ay baka mahuli na ang lahat.

I’m not so independent that’s why I need some followers to support me. I have Felix and Trevor but they can’t stay by my side forever, alam ko naman iyon kaya nga kailangan ko rin na maging malakas.

Malabo pa rin ang future ko. Hindi pa rin malinaw kung magiging maayos ba ako o hindi. Death is still painted on my fate.

Kung sakaling ma lift man iyon ay gusto kong ma meet ulit si Celeste. Tatlong plot twist na mangyayare akin… I only understand the death one since I knew it from the start but the other two?

I can’t decode it.

Napaigtag naman ako sa biglang pagtigil ng sinasakyan kong carriage kaya kaagad akong napasilip sa labas ng bintana.

“Manong, ano pong nangyayare?!” tanong ko sa coachman pero hinila niya lamang ang tali ng kabayo kaya tumaas ito, mahigpit akong napahawak sa may bintana. Anong nangyayare?! Ramdam ko ang pag ikot ng sinasakyan namin, mas naging mabilis ang pag andar nito. The coachman isn’t answering either.

Napaayos na lamang ako ng upo habang nakikiramdam sa paligid. Don’t tell me we’re in danger?! Muli akong napatingin sa may bintana, mula sa mga puno hindi kalayuan ay sinusubukan kong hanapin si Trevor. Is he watching from afar?

The Novel's Extra Where stories live. Discover now