CHAPTER SEVEN

48 26 78
                                    

***

“Try mo ‘to, ito rin tapos ito. Masarap din ‘to!” sunod-sunod na sambit ni Felix habang tinuturo ang mga pagkain sa harapan namin.

Nasa isang food stall kami, nandito pa rin kami sa mataong lugar ng Piero, lugar kung saan namimili ang lahat ng nobles.

“May gusto ka pa ba, Fel?” tanong pa ni Felix habang isa-isang kinukuha ang mga pagkaing itinuro niya kanina.

“T-teka naman, Brother Felix. Hindi ko naman mauubos ang lahat ng ‘yan.” sambit ko, sa kabilang banda ay tumatango-tango si Trevor sa tabi ko habang sumusubo ng pagkain.

“Ang sweet naman ng boyfriend mo, Ineng.”

Kaagad akong napalingon sa matandang tindera, halos hindi na makita ang mga mata niya dahil sa lawak ng ngiti niya.

“Ah, he’s my older brother po…” sambit ko kaya napalabi ito. Kumuha ito ng isang parang lunch box saka nag lagay ng mga pagkaing tinda niya. She’s selling different kinds of cupcakes and breads, talaga namang nakakagutom iyon, it’s sparkingling and it smells amazing!

“Para sa inyo, mukhang nag e-enjoy kayo sa paninda ko.” aniya kaya napangiti ako ng malawak.

“Maraming sala— Thanks.” napa side eye naman ako nang hablutin ni Trevor iyong box, nag tama naman ang mga mata namin pero wala pa rin siyang reaction.

Hindi ba ‘to pinapakain ni Lucifer at ganito katakaw?

“Hayaan mo na siya, Fel. Tara, let’s grab some drinks!” ani Felix at kagaya kanina ay hinila niya na naman ako. Tirik na ang araw pero kahit ganoon ay hindi pa rin naman masakit sa balat kaya puwede pa kaming mag lakad-lakad sa paligid.

Muntik na sana akong matalisod nang may umalalay sa akin mula sa likod. It was Trevor na nakahawak sa balikat ko habang ang isang kamay niya ay hawak iyong box.

Bakit ba kase ganoon ang design ng kalsada sa parteng ‘to? It adds flavor to the surroundings pero kapag hindi ka nag ingat ay matatalisod ka. I mean look at me. Kanina ko pa iyon inaadmire pero nakalimutan kong hindi nga pala straight ang kalsada.

Napalingon ako sa panibagong stall kung saan tumigil ang mga paa namin. Napatingala ako rito saka tiningnan ang banner na nakakabit sa itaas ng bubuong, mukhang interesting ang lahat ng itinitinda rito.

I’m really glad that Felix brought me here. I get to try different kinds of foods and drinks from this world.

“What do you want, Fel?” tanong ni Felix habang nakatingin sa mga choices sa gilid niya. I started picking my own drink, gusto kong subukan lahat pero baka mapagastos si Felix sa akin. Hindi naman ako matakaw kagaya ni Trevor.

“I’ll take the lavender color one, it looks tasty.” sambit ko saka nakangiting inilipat ang tingin kay Felix na ngayon ay nag lalabas na ng pera mula sa pouch niya.

It’s a fucking gold coin.

“Got it. Anong sa’yo, Trev?” baling na tanong naman ni Felix kay Trevor na nasa kabilang gilid ko lang, tahimik lang talaga siya at sumusunod lamang sa amin.

Well, we kinda forced him though, especially Felix.

“Lavender.” maikling sagot nito, choosing the same drink as mine. Nag thumbs up sa amin si Felix bago siya nag order ng inumin namin sa lalaking pinagmamasdan lamang kami.

I look around for a second habang busy silang dalawa, matao pa rin ang lugar pero hindi naman gaanong crowded, sakto lamang para sa ganito kalaking lugar.

Maraming interesting shops sa paligid na gusto kong pasukin at i-explore. So far, pagkain pa lamang ang nabibili at nac-check namin simula ng dumating kami rito kanina.

The Novel's Extra Where stories live. Discover now