K3: The Master and the Slave

6K 307 40
                                    


                 

Kabanata III

Matapos bihisan at mahusay na lagyan ng kolorete ang mukha ni Celine, kaagad siyang dinala sa mas mataas pang bahagi ng lugar. Puting-puti ang damit niya at amoy na amoy sa mabangong katawan niya ang pabango na hinalo sa tubig na pinagliguan. Maging ang mga kuko sa kanyang mga paa't kamay ay kinulayan ng pula ng mga ito kapares ng labing may pulang kulay rin kaya nanibago siya sa pagharap sa salamin. Sa loob ng dalawampu't dalawang taon niya, hindi pa siya gumamit ng mga ganoong kolorete.

"Ms. Vienna, narito na siya."

Biglang umamo si Marieta nang kausapin na nito ang babaeng si Vienna.

Si Vienna ay nakaupo at nakadekuwatro habang nagsisigarilyo. Pula ang mahabang buhok nitong kulutan na kakulay ng mga labi nito. Hapit na hapit ang kasuotan nitong pula na nagpapaluwa pa lalo sa malalaking dibdib nito.

Tumayo ito at inikutan siya.

"Ang loob ng katawan?"

Matinis ang boses nito habang nagtatanong.

"Maganda ang lahat ng bahagi niya, maging ang kahinhinan niya ay tamang-tama sa mataas na uri ng klase. May peklat lang siya sa likuran na hindi naman pansinin," masiglang pagbibida ni Marieta.

Ngumiti si Vienna at tumango-tango bago pumunta sa telepono sa mesa nito. Hindi na ito nag-abalang umupo pa.

"This is Vienna. May ipapadala akong alipin, pero ipapasabay ko lang siya. Puwede n'yo namang iparada pero nabili na siya kung may magtatanong. Ibibigay ko sa 'yo kung saan mo siya dadalhin. Isa itong Class A," tuloy-tuloy na sabi nito.

"Nabili kaagad? Pero hindi pa naman siya nailalabas, 'di ba?" tanong ni Flora kay Marieta.

Muling bumalik ang kabang nararamdaman ni Celine nang mga oras na iyon. Nanlalamig ang pakiramdam niya. Maging ang mga tuhod niya nagkakaroon ng panginginig. Gusto niyang umiyak pero natatakot siyang mapagalitan.

"Ikaw." Turo sa kanya ni Vienna. Mataray ang hitsura nito. "Sasabihin ko sa 'yo ang paulit-ulit kong sinasabi. Maging masunurin kang alipin. Malay mo mabuhay ka pa at kapag ikaw ay pinalaya, may makukuha kang malaking halaga sa amin dahil kasama 'yon sa binayaran ng bumili sa 'yo. Pero kung hindi, 'wag kang mag-alala magbibigay kami sa maiiwanan mo."

Hindi alam ni Celine kung dapat siyang matuwa sa narinig.

"Marami namang uto-uto do'n na lalaki basta magaling kang makisama, pero iyon lang, sa Tyrant Class kita dadalhin at itong kukuha sa 'yo, bago lang itong bumili ng alipin. Ikaw ang ibinigay ko dahil ikaw ang pinakamaganda ngayon na dumating bukod pa sa sinabi nitong nina Marieta na mahinay kang kumilos. Isa pa 'yang hitsura mo—Ah, bakit ba ang dami kong sinasabi?! Sige na, ihabol n'yo na 'to sa dadalhin sa kabila."

Iminuwestra ni Vienna ang kamay na umalis na sila.

May iniabot itong bakal na pabilog kay Marieta na kaagad nitong inilagay sa leeg niya. Kahit mukhang magaan iyon ay nabibigatan si Celine. Pakiramdam niya dalawang kilo ang bigat na dinadala niya.

Tatlo silang babae na dinala sa daungan ng barko kung saan sila isinakay ng mga lalaking nakaitim at nakamaskara—ang tinatawag na mga Diablo ng Karagatan o mga mangangaso. Iyong kahit ang mga pirata, iniiwasan ang mga ito lalo na at ang barko ng mga ito na ginagamit sa pangunguha ng alipin ay pandigma at makabago.

Sa isang cabin sila pinagsama-sama kung saan may tatlo iyong kama na inupuan nila nang tig-iisa. Sa umpisa hindi sila nag-uusap-usap kaya binasag ni Celine ang katahimikan nang nagbigay ng masasarap na pagkain na nasa tray ang isang lalaking hindi rin makikilala sa suot nito.

SLAVE TRADE: CELINE (PUBLISHED UNDER BLACK INK/ RED INK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon