K5:

5.6K 238 42
                                    

Kabanata V

Nang sabihin ni Sebastian na linisin ang labas kay Maxwell, hindi iyon gaanong pinansin ng huli dahil mas natuon ang atensiyon niya sa babaeng si Celine dahil sa hitsura nito. Totoo bang si Vienna ang kusang nagbigay kay Sebastian ng alipin? O si Sebastian ang pumili rito? Ngayon pa lang naaawa na siya sa babaeng tinamaan pa ng kamalasan.

Sayang.

Nang makalabas siya sa mataas na gusali kung saan nakatira silang mga Tyrant Class, may pinagkakaguluhan na sa labas.

May nakaluhod kasing lalaki at nakatingala habang dilat na dilat ang mga mata nito. Ang katawan nito ay tuyot na tuyot. Napakarami rin nitong hiwa sa buong katawan at may isang patalim na katulad ng ibinato sa kanya ni Sebastian ang nakasaksak sa ulo nito. May isang papel doon na may dugo pang tumutulo. Umaagos iyon sa noo patungo sa ilong hanggang bibig nitong nakabukas.

Maraming hindi makatingin na alipin, maging ang kasama niya halos magsuka sa nakita nito.

Kilala niya ang lalaking iyon. Si Menar ay hindi kabilang sa Tyrant Class pero nasa ilalim ito ni Gerenon na isang Tyrant Class.

Tumingala si Maxwell sa itaas kung saan naroon ang kuwarto ni Sebastian.

Hudyat na ba ito ng pagsisimula nila sa misyon? Kilala na ba nito kung sino ang Tyrant na hinahanap nila?

"Kunin mo ang papel!"

Nanggagalaiting sigaw ni Gerenon.

Sinunod kaagad ito ng isang aliping babae habang ang apat pang babaeng kasama nito ay mukhang takot na takot. Maaaring dahil sa bangkay o dahil sa galit ni Gerenon.

Iniabot ng babaeng nanginginig pa ang papel sa malaking lalaking si Gerenon. May taas pitong talampakan at malaki ang katawan nito na hinubog sa pagiging kilalang mandirigma nito.

"Susunod ka na. –SV?!" sabi ni Gerenon iyon na halos dumagundong ang boses.

Nagtingalaan halos lahat ng naroon para tingnan ang lugar ni Sebastian.

Nagulat si Celine nang tumingala ang mga nasa ibaba sa lugar nila. Isasampay niya lang ang tuwalya sa balkonahe nang maisipan niya ring tumingin sa ibaba at dahil nasa mataas na palapag sila. Hindi niya alam kung pinaparusahan ba ang matandang nakaluhod at nakatingala o kung ano man at pinagkakaguluhan ng mga ito.

Nahiya naman siya kaya kaagad siyang umalis sa pagkakatanaw sa ibaba at pumasok na uli sa loob ng bahay nang maisampay niya ang tuwalyang ginamit niya kanina. Isusunod naman niyang ilagay ang mga gamit niyang ibinigay ng master niya para sa kanya.

Hihingi siya ng tawad dito dahil sa mga sinabi niya.

Paano kung nainsulto niya ito?

Nadala lang naman siya ng damdamin niya.

"Ito ba talaga 'yong itinuro niyang kuwarto sa 'kin?" tanong niya sa sarili habang naglalakad.

Lumabas si Celine sa pintuan at bumalik sa puwesto niya noong itinuturo pa ni Sebastian ang mga kuwartong papasukan niya.

"Iyon talaga."

Binalikan niya iyon at muling sumalubong sa kanya ang mas malaking kuwarto kumpara sa pinaglagyan niya ng gamit. Wala talaga siyang makitang salamin sa lugar kahit sa kuwarto na iyon. Dalawa lang ang kuwarto sa lugar nito kaya saan ito matutulog? Mukhang kuwarto nito ang lugar na iyon kaya muli siyang lumabas. Baka nagkamali lang talaga siya ng intindi.

Nakagat niya ang ibabang labi, kakatapos nga lang nitong magalit sa kanya dahil sa hindi niya pagkakaunawa rito tapos ito na naman siya. Pero mas mukhang para sa kanya talaga ang mas maliit na kuwarto sa kabila kaya doon siya pumasok. Nang mahiga niya ang katawan sa kama ay hinila siya niyon sa pagtulog na para bang doon lang niya naramdaman ang lahat ng pagod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SLAVE TRADE: CELINE (PUBLISHED UNDER BLACK INK/ RED INK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon