Slave Trade

13K 354 34
                                    



#SLAVE TRADE ( DARK FANTASY )

Slave Trade: Celine

Jobelle Rivera (Misa_Crayola)

Panahon kung kailan ang magandang hitsura ay isang pasakit sa mga sapilitang ginagawang alipin ng isang organisasyong kinikilala bilang Slave Trade. Isa sa biktima nito si Celine—nabihag siya at magiging alipin para maging laruan ng magiging master niya. Kahit pa hilingin nito na patayin niya ang sarili, basta utos nito, ay gagawin niya. Ngunit ang kamatayan at pasakit na daranasin ni Celine sa piling ng lalaki ay hindi nangyari. Ang puso niyang naging alipin dito ay nagiging sunud-sunuran, kahit pa alam niyang imposibleng suklian ng isang tulad nito ang kanyang nararamdaman. Ang nakikita ni Sebastian sa kanya ay ang babaeng minahal nito, at ang babaeng kinamumuhian nito. Pero umaasa si Celine na dumating ang oras na makita niya sa mga mata ni Sebastian, hindi si Selena o Lauren na nakaraan na nito kundi siya bilang si 'Celine' na kasama at nasa harapan nito ngayon. Pero paano nga ba mabubuo ang pagmamahalan sa kanila kung maging ang paniniwala nila ay magkasalungat? Isama pa na siya ay aksidente lang na naging alipin sa lugar na iyon, at babawiin siya ng lalaking ilang taon din niyang hinintay...

Sino ba ang pipiliin niya? Ang lalaking nakikita siya bilang siya, at minamahal siya bilang si Celine? O ang lalaking ibang babae ang nakikita sa kanya?

PUBLISHED under BLACK INK

SLAVE TRADE: CELINE (PUBLISHED UNDER BLACK INK/ RED INK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon