Kabanata 34: The New Beginning
Caleb P.O.V.
Hindi maiwasang ng lahat na mapangiti habang unti unti ng bumabalik sa dati ang lahat ngunit mapapansin pa din ang malaking pinagbago ng bansa. Isang taon na din simula ng magpakita muli sa mundo ang aming bansa at sa loob ng isang taon na iyon ay ilang beses din na may ilang bansa na nag nais na sakupin ang bansa ngunit hindi nila magawa dahil sa tulong namin at hidni ko din maikakaila na mas lumakas na din ang mga hunters ng bansa dahil tupuyan ng nakakapasok ng buo ang eemrhiya na hindi magawa noon dahil sa sanctum sphere na ginamit."Master." Agad akong nabalik sa realidad ng marinig kong muling nagsalita ai Sophia na direct disciples ni Judy. "Nais po namin makipagsapalaran, maaari po ba kameng lumabas ng sect?." Tama naman ang kanilang nais na gawin ngunit kung aalis sila ay walang royal disciples ang matitira dahil hindi pa tumataas ang level ng ibang disciples sa nakalipas na taon.
"Hindi ko pipigilan ang nais niyong gawin pero isang paalala kung hindi niyo kaya ang kalaban ninyo ay umalis kayo agad. Magkakasama ba kayo ng pupuntahan o maghihiwa hiwalay kayo ng landas?." Tumango ang mga ito ngunit hindi ko alam kung saan sila tumatango gayong dalawa ang tanong ni Judy sa kanila.
"Hiwa-hiwalay po kame ng landas nais naming mas palakasin pa ang aming mga sarili ng hindi umaasa sa iba." Isang ngiti ang sumilay sa aming mga labi ng marinig ang sinabi ng mga ito.
"Kung ganoon ay maaari na kayong umalis, ikalat ninyo ang lakas ng sect at bansa natin sa lahat." Tumango ang mga ito at mabilis na kumipad palayo sa amin.
Parang kailan lamang ang mga ito ay timuturuan pa lamang namin kung paano magpalakas ngunit ngayon ay maguumpisa na silang makipagsapalaran sa mundo. "Caleb, maghanda ka na dahil aalis tayong dalawa." Tumango na lamang ako kahit hindi ko naman alam kung saan kame tutumgong dalawa. "Evelyn, balitaan mo ako kung ano ang pagbabagong nanaganap."
"Okay." Ayun lamang amg sinabi nito bago umalis. Magkasama kame ngayon na lumilipad hidni ko na alam kung saan ang tungo namin dahil habang palayo kame ng palayo ay pa unti ng paunti ang mga bahay na aking nakikita.
Nanlaki ang aking mga mata ng masilayan ko ang isang bagay na hindi aakalain ng lahat na mangyayari sa bansa. "Ano ang bagay na iyan? Bakit pakiramdam ko ang lakas ng enerhiyang meroon sa lugar na iyan ay higit na mas malakas sa atin." Tama isang lugar na ngayon lamang namin nakita hidni ko alam kung ano ito ngunit alam kong mapanganib ito kung aming papasukin ng walang maayos na plano.
"Aurora Haven." Napakunot ang aking noo dahil sa narinig kong sinabi ni Judy ngayon ko lamang narinig ang ngalan na ito. "Isa ito sa unang mundong mag memerge sa mundo natin. Wala pang nakakapansin nito bukod sja atin dahil hindi pa masyadong nararamdaman ng iba nagcpangyayaring ito." Tumango ako sa kaniya dhail maging ako naman dim ay hidni ko ito naramdaman at mukhang siya at ang dalawang babaeng iyong lamang ang nakakaalam.
Si Evelyn at Aria hidni na ako nagtataka pa kung bakit ganoon na lamang ka busy ang mga ito sa nagdaang mga buwan na halos hindi na namin sila makita pa. "Ito ang kailangan nating pag handaan dahil kapag nag umpisa ng mag merge ito sa mundo natin ay may mga benefits naman ito sa atin ngunit may mga effect din na makakasama ito sa atin at isa na dito ay kayang kaya tayong patayin ng mga ito ng walang ka hirap hirap." Mas lalo akong kinabahan dahil sa kaniyang sinabi ibig sabihin lamang nuon bukod sa mga bansang aming kailangan na bantayan ay kailangan din namin itong mabuting bantayan ng sa ganoon ay hidni ito makapanakit ng iba.
"Dinala kita rito dahil nais kong ikaw ang magbantay nito ikaw na ang bahala kung paano mo gagawin iyon. Hiwag na huwag mong ipapahalata sa iba ang bagay na iyong ginagawa." Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dahil sa tiwalang ibinibigay nito sa akin. "Huwag kang mag-alala dahil lahat kayo ay bibigyan ko ng mission ngunit sa iabt ibang bagay nga lang." Wala naman sa akin iyon ngunit ang aking ipinagtataka lamang ay kung ano ang nais na gawin ni Judy.
"Si Celine ay ipinadala ko sa South Korea para sa isang ,ission ganoon din si Nadia at Lucius tanging kameng tatlo lang nila Aria nag naiwan sa mgayon ngunit aalis din ang dalawang iyon pag balik ko." Marami akong tanong na nais mahanapan ng sagot mula sa kaniya, ngunit laam kong hidni ito ang oras para sa bagay na iyon. "Alam kong maraming kang katanungan pero isa lamang ang aking masasabi. Pasalamatan natin si Aria na kabilang siya atin dahil kung hidni ay baka wala tayong mga alam sa mga bagay na maaaring mangyari o nangyayari na." Kung ganoon sa tulong na naman pala ni Aria kaya nalaman ang bagay na ito.
"Aalis na ko mag-iingat ka sa iyong misyon." Tumango lamang ako sa kaniya bago tuluyang lumingon sa lugar na nasa aking harapan hidni ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon dahil ito ang unang misyon na ako lamang ang gagawa ng mag isa na walang tulong mg iba.
Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naglakad ako papasok sa loob at naramdaman kong may nadaanan akong harang ngunit hidni naman ako nito hinarangan bagkus ay naramdaman ko pang binabatai ako nito ngunit hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam k ona iyon o hidni.
Nanlaki ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang isang gubat ngunit napakaganda nito at ramdam na ramdam ko ang malakas na enerhiyang meroon ang lugar na ito.
Marami akong enerhiyang nararamdaman mula sa ibat ibang nilalang ngunit ang aking ipinagtataka ay kung bakit hindi man lamang ang mga ito lumalapit at umatake sa akin bagkus ay napansin ko pa na para bang natatakot ang mga itong ihakbang ang kanilang mga paa sa lugar na kaing kinatatayuan.
Mukhang dito na muna ako mamamalagi pansamantala habang wala pa akong balita tungkol sa mundong ito. Kailangan ko ng gumawan g plano upang hindi masayang ang oras at tiwala sa akin ng mga iyon at sisiguraduhin ko rin na pananatilihin kong ligtas ang aming mundo hanggang sa makagawa na sila ng paraan upang malabanan ang mga ito kung may nais man itong gawing masama sa aming mundo.
Mabilis kong inilabas sa storage ko nag mga gamit na nakuha ko mula sa mga misyon na akong ginawa. Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula ng magkaroon ako ng huling misyon buti na lamang dahil wala kame ngayon sa aming mundo at hidni ko magagawa ang mga misyon sa mundong ito dahil higit na mas malakas sa akin ang mga nilalang na nandito.
"New Mission 1: Eliminate 10 Thornbacks to prove your strength and courage.
Reward: You will receive a powerful enchanted weapon that enhances your combat abilities, aiding you in future endeavors in Aurora Haven.Punishment: If you fails to complete the mission,you will face a temporary reduction in your physical strength and agility, requiring you to train harder to regain your former prowess.
New Mission 2: Establish your own territory in Aurora Haven, marking your presence as a formidable force.
Reward: As the ruler of your territory, you will gain access to valuable resources and loyal followers who will assist you in future quests and battles.Punishment: If you fail to establish your territory, you will face a temporary loss of reputation and influence, making it harder to gain the trust and support of other creatures in Aurora Haven."
Napaluhod na lamang ako dahil sa aking nabasa bakit sa dami ng araw at oras bakit ngayon pa? Anong laban ko sa nilalang ma naririto ngayon gayong ako nga ay hidni pa nagagawang lagpasan ang level 96. Wahhh gusto na ba talaga ako ng system na ito na mamatay?.
![](https://img.wattpad.com/cover/353059557-288-k759164.jpg)
YOU ARE READING
The Judge's Awakening: From Struggle to Strength (Book 1)
FantasyIn the gripping tale of "The Judge," we follow the journey of a young man who has known nothing but struggle and hardship in his life. Born into a poor family, he witnesses his parents, both hunters, toil day and night to make ends meet. However, th...