CHAPTER 1

35 10 10
                                    

LORELAI POV:

Masaya akong nakatingin sa harap ng stage kong saan nakatayo at masayang kumakanta ang taong dahilan bakit ako nagpunta dito. 

This is my favorite Filipino group dahil kasama dito ang  lalaking mahal ko. Lahat ng concert nila ay pinupuntahan ko talaga para makita siya kahit sa ganitong paraan man lang makasama ko siya. 

Napatingin ulit ako sa stage. Naiiyak akong nakatingin sa kanya dahil nakikita kong sobrang saya niya habang ginagawa ang performance nila.

Sobrang proud ako sayo mahal. 

Kung hindi ba kita iniwan noon at sumama na lang sayo siguro hindi mo matutupad ang pangarap mo. Wala akong dapat pagsisihan dahil nakikita kong sobrang saya mo.

Ang daming tao ngayon lahat sobrang proud sa kanila at maraming tao ang humahanga dahil magaling sila.

Uy girl okay ka lang ba?” tanong ni Christine na puno ng pag aalala ang mukha. Agad kung pinunasan ang luha sa pisnge ko at mabilis na humarap sa kanya. 

Oo naman masaya lang ako dahil naabutan natin ang concert nila,” palusot kong sagot.  Tinapik niya nga mahina ang balikat ko para iparamdam sakin na na diyan lang siya ngumiti nalang ako sa kanya.

Tumingin ulit ako sa unahan at napangiti ako ng makita kong masaya siyang nagpasalamat sa lahat ng taong sumuporta sa kanila.

Thank you everyone. Sana nagustuhan niyo ang mga song's namin ngayong gabi,” abot tenga ang ngiti nito kaya nagsigawan ang ibang kababaihan.

Proud ako dahil natupad na niya ang pangarap niya. Subrang sarap sa pakiramdam na nakaya niya lalo na nung wala ako sa tabi niya. Kung kaya ko lang sanang wag siyang iwan noon ay ginawa kona.

It was overwhelming to witness all of his success in his life. 

Hanggang sa natapos ang kanta nila masaya silang nagpaalam.

Promise guys babalik ulit kami dito para mag-concert ulit.” kumaway pa si Josh bago sila tumalikod.

Grabe ang gwapo talaga nilang lahat Lorelai pero alam ko naman kung sino ang mas gwapo sa paningin mo. Si Josh diba?” nakangiting tanong nito sakin kaya tinarayan ko lang siya.

Matagal ko ng kaibigan si Christine kaya alam niya ang past ko. At alam ko din ang lahat ng baho nya, ganun kasi kaming dalawa walang sekreto sa isa't isa.

Tigilan mo nga ako Christine tusukin ko mata mo eh.” naiinis kong sabi nito at nagsimulang maglakad palabas. Natatawang sumunod naman ito sakin at inakbayan ako hinayaan ko nalang siya.

Sus oo na po hindi na. Sungit naman ng Mahal na yan haha.” sabi nito at mabilis na tumakbo dahil alam niyang hahabulin ko siya.

Mahal sayo baliw!” natatawang sabi ko. Palagi kasi ako nitong inaasar dahil nalaman niya ang call sign namin ni Josh ay yon na din ang pangasar ng babaeng yan sakin.

Haha sus move on na girl. Marami ka ng kaagaw sa mahal mo.” nakangising biro nito sakin kaya tumakbo ako para habulin siya.

Para kaming mga bata na naghahabulan, sobrang nakakamiss din palang gawin ito. Sobrang busy akong tao kaya wala na akong oras para maglibang.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga. 

Kinabukasan nagmamadali akong pumasok sa meeting room. Bwuset na alarm iyon hindi ako nagising kanina. Siguro dahil late na din natapos iyong concert at sobrang traffic pa kaya medyo late na ako nakatulog.

Sorry I'm late.” mahina kong sabi dahil ako nalang ang hinihintay nila sa loob. 

It's okay. Kakasimula pa lang naman. So shall we continue?” seryosong sabi ng Manager ko at nagsimula na silang mag usap. Nakikinig lang ako sa lahat ng sinasabi nila.

My name is Lorelai Camarao, I'm 22. I was born on December 25, 2000. Mag-isa ako ngayon dito sa Manila para sa trabaho ko. I’m a 4th year college student taking the course of Business Administration pero mas gusto ko ang pagmomodelo mabuti nalang at sinuportahan ako ni mommy samantalang si daddy ay walang nagawa. Ang gusto kasi nito ay ako ang papalit sa kanya pag nag retire na siya.

This meeting is all about my next project. I'm a model, baguhan palang ako kaya  pero marami na agad ang taong sumusuporta sakin kaya marami akong projects this past few weeks.  

FLASHBACK…

Sinabi kona sayong wag kang lalapit sa lalaking iyon dahil baka pera lang natin ang habol niya. Hindi kapa nakikinig sakin Lorelai?” malakas na sigaw ni Daddy sakin.

Hindi ko maintindihan bakit ganyan si Daddy wala naman ginagawang masama si Josh at lalong hindi siya katulad ng mga taong sinasabi ni Daddy. Mabait na tao iyon eh!

Umiiyak akong tumingin kay Mommy na tahimik lang na nakikinig dahil wala siyang alam sa nangyayari. Kadarating lang kase niya galing US tapos ito agad ang sasalubong sa kanya.

D-daddy hindi po ganun si Josh big–” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

Hindi ka talaga nakikinig sa sarili mong ama Lorelai! Wala kang future sa lalaking iyon dahil puro kanta at pagsasayaw lang ang alam. Samantalang ikaw tagapagmana ka! Tingin mo ba hindi siya masisilaw sa pera natin?” galit na galit na sigaw nito sabay tinabig ang base na nasa gilid niya dahil sa sobrang galit.

Umiling ako at walang tigil na umaagos ang mga luha sa mata ko. Hindi ko pwedeng iwan si Josh ako nalang ang meron siya. At mahal na mahal ko iyon, ayoko din na mawala siya sa buhay ko.

Lumapit naman sakin si mommy at niyakap ako.

Makinig ka nalang sa daddy mo anak. Ikaw lang ang inaalala niya.” mahinang sabi nito at hinalikan ang noo ko pagkatapos ay sinundan si daddy.

I meet Josh when i was 16 and he's was 21 during that time, apat taon ang tanda niya sakin. Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng cousin ko. Madalas akong sumasama sa pinsan ko para malibang pagkatapos ng school ay dun agad ako pumupunta.

Naagaw agad niya ang pansin ko dahil ang galing niyang sumayaw at ang ganda din ng boses niya. Nakakainlove pakinggan.

Naging close lang kami ng hindi ko namamalayan. Madalas ko kasi siyang tanungin about sa pinsang kong babae na kasama niya sa grupo.

Hindi kaba papagalitan ng parents mo palagi kang nandito?” nagtatakang tanong nito ng makalapit ako sa pwesto nila.

Hindi naman. Wala naman na akong gagawin sa bahay eh.” nakasimangot kong sagot sa kanya.

Hanggang sa tumagal na ay umamin siya sakin na gusto niyang manliligaw.

A-ah ano Lorelai? Ehem! Pwede bang manliligaw sayo?” utal utal nitong tanong sakin habang nakahawak sa batok niya. 

Namumula din ang tenga at leeg niya kaya napansin ko nahihiya siya. Ganun kase ang ibang kaklase ko pag umamin sila sa mga liligawan nilang girls.

Sigurado kaba? Baka joke lang to itigil mona hindi ako natutuwa!” seryosong sagot ko.

Seryoso ako Lorelai, gusto talaga kitang ligawan. Gusto pa kitang makilala ng lubos,” mahinang sabi nito.

Okay!” tanging sagot ko mabilis naman siyang tumingin sakin.

Tama ba narinig ko? Payag ka?” gulat na tanong nito sakin.

Oo nga ang kulit ko. Gusto mo bawiin ko?” nakasimangot kong sagot.

Yes! Thank you Lorelai promise hindi ka magsisisi na pumayag ka…” masayang sabi nito at niyakap ako nagulat naman ako. Alam kong pati siya ang nagulat dahil mabilis siyang lumayo sakin... “Sorry…masaya lang ako!” paghingi niya ng pasensya tumango nalang ako sa kanya.

Itutuloy

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon