CHAPTER 2

20 9 4
                                    

LORELAI POV:

Mabilis lumipas ang mga buwan hanggang sa sinagot kona siya.

Josh? sinagot na kita!” mahinang bulong ko sa kanya habang nandito kami sa paborito namin tagpuan.

A-anu ulit iyon? Baka nabibingi nanaman ako?” nakangiting sabi nito at humarap sakin na puno ng pagasa ang mga mata.

Sabi ko sinasag–” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng binuhat niya ako.

Yes! Sa wakas girlfriend na kita! May girlfriend na ako!” masayang sigaw nito habang buhat pa rin ako. Natawa nalang ako dahil sa kanya.

Secret relationship ang nangyari dahil bata pa ako nun at alam namin na maraming tao ang tutol sa relationship namin dahil anak ako ng isang mayaman samantalang siya ay isang simpleng mamamayan lamang. 

Maraming nagsasabi na baka daw ginayuma ako dahil nakipagrelasyon ako sa kanya. Ang iba naman ay baka daw dahil sa pera ng pamilya ko. Hindi nila alam ang lahat kaya paano nila nasasabi ang mga salitang iyon sa lalaking mahal ko.

Hindi ganun si Josh sobrang maalaga siyang boyfriend, hindi niya pinaparamdam sakin na pera lang ang habol niya. Nararamdaman kong totoong pagmamahal ang meron kaming dalawa. He is my first boyfriend, my first kiss.

We become lover for almost two years, I was eigtheen noon and he's already twenty three nung nalaman ng parents ko ang relationship naming dalawa. Agad na nagalit si daddy at sinabihan ako na hiwalayan ko si Josh. Pero wala akong nagawa ng sabihin niya sakin na gagawa siya ng paraan para mas maghirap si Josh.

Naalala ko pa ang araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. 

Please Mahal wag mo naman gawin sakin to! Hindi ba mahal mo ako? Bakit makikipaghiwalay ka? May nagawa ba akong mali? Babaguhin ko! Aayusin ko wag ka lang makipag-break sakin!” nakaluhod na sabi nito habang umiiyak sa harap ko.

I'm sorry pero a-ayoko na talaga Josh!” matapang na sagot ko pinipigilan kong maiyak sa harap niya dahil malalaman niyang nagsisinungaling ako.

No… please dahil ba minsan wala akong oras sayo kasi busy ako masyado sa pagsasayaw ko? Hindi ko gagawin yon, aalis na ako sa pagsasayaw para pokus na ako sa relationship natin!” umiiyak niyang sabi.

Subrang akong nasasaktan makita siyang ganito. Pinangako ko sa kanya na hindi ko siya sasaktan pero ako pa mismo ang gumagawa nun. 

Pero ginagawa ko lang naman ito para sa kanya. Ayokong may gawin si daddy sa lalaking mahal ko at ayoko din na ako ang maging dahilan bakit hindi niya matutupad ang pangarap niya.

Look…Josh itigil na natin to! Wala akong magandang future sayo kaya sana maintindihan mo!” matapang kong sagot.

Please… Mahal!” pagmamakaawa niya pero mabilis na akong tumalikod at umalis. Hindi na ako lumingon pa dahil ayokong bumalik sa kanya para bawiin ang lahat ng sinabi ko.

Labag sa loob ko ang naging desisyon pero wala akong magagawa. Bata pa ako at ayokong mas mahirapan siya. Nang malaman ng parents ko na hiwalay na kami ay umalis na agad kami papuntang Paris dahil ang business ni daddy ay sa ibang bansa at doon ko na din pinag-patuloy ang pag-aaral ko.

END OF FLASHBACK…

It's that okay na sa Bicol nalang ganapin ang photoshoot? Hindi ba dun ka lumaki Lorelai?” tanong ng Manager ko. Kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti.

Yes Manager Yu!” Tipid na sagot ko.

So it's settled na. Ang theme kase ng photoshoot is province sakto naman na dun ka lumaki kaya naisip ko na dun nalang gawin.” paliwanag nito. Madami pa silang pinag-usapan hindi nalang ako nakinig dahil ang iba dun ay halos chismis na hindi naman ako interested sa ganun bagay.

Mabilis na lumipas ang araw. Today is the day na uuwi kami ng province. Dahil wala naman akong gagawin ay binuksan ko ang IG ko para tingnan ang balita tungkol sa kanya. As usual trending ulit sila sa buong bansa napapangiti nalang ako dahil sa lahat ng achievements na natanggap niya.

I read some of the comments sa latest post nila about iyon sa naganap na concert nung nakaraan. Lahat halos good comments dahil sobrang proud sila. Deserve nila lahat ng blessings na natanggap nila ngayon.

Wala naman sigurong masama if I stalk him sa account nya diba? natatawang tanong ko sa sarili ko.

Matagal na rin simula ng gawin ko ito. Madalas kasi ay sa page lang nila ako tumitingin hindi sa mismong account niya.

Dati lang din ang laman ng IG niya halos short dance cover niya at mga selfie sa pinuntahang occasion. 

I scroll down his timeline ay halos iyong mga achievements nila ang laman, alam kong sobrang proud siya.

Hindi ko sinasadyang mapindot ang follow button kaya agad akong nag-out sa account ko at tinago iyon sa loob ng bag.

***

Today is the day of my photoshoot. Nakatayo na ako at ready na sa gagawin ko. Province Outfits ang theme ng photoshoot madali lang sakin ang ganitong set up dahil nakikita ko na ito sa tita kong model din.

Nice, like that Lorelai ang ganda mo jan. Isa pa yan perfect.” palakpak naman na sabi ng photographer ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ang iba't ibang pose na alam ko.

Marami pa kaming ginagawang shots before we decide to packed up. Mukhang may gaganapin na party after this photoshoot pero hindi na ako sumama dahil gusto kona lang mahiga at magpahinga sa loob ng kwarto. 

Nag-rent kasi sila ng hotel para dito kami mag-stay. Ayos lang naman yun sakin para madali naming mahanap at magawa ang project na ito. Kung uuwi pa kase ako sa bahay namin dito sa province ay baka matagalan pa ako dahil sa matagal ang byahe. Kaya i decided na sumama na lang sa hotel kung saan sila nag-sstay. 

After taking a warm shower and doing my skin care routine. Mabilis akong humiga sa kama, antok na antok na ako kaya mabilis kong ipinikit ang mga mata ko.

Pero nagising ako ng biglang umilaw ang phone ko tanda na meron akong notification. Binuksan ko lang ang isang mata ko para tignan kung sino ang istorbo.

josh_cullen_s followed you back”  

Biglang lumaki ang mata ko sa nakita kong iyon. Tiningnan ko agad if totoong account niya ba iyon.

Siya nga! 

Itutuloy

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon