CHAPTER 5

18 8 3
                                    

LORELAI POV:

Halos hindi ako nakatingin sa kanya at mabilis na inalis ang pagkakahawak niya sakin.

Salamat.” mahinang sabi ko at mabilis na bumaba sa stage at hindi na lumingon pa. 

Nagsimula na ang performance nilang lima kaya mas umingay ang mga students ng Atin University. Lumabas na muna ako para magbantay sa back door dahil baka may tumakas at baka magtawag ng mga tao mula sa labas ng school. Mahirap na mabuting may bantay dito sa pinto.

Kinuha ko ang upuan at nilagay iyon sa gilid ng pinto, sinandal ko ang likod ko. Habang busy sa panonood ng live performance nila sa Facebook. Napansin kong wala si Josh kaya nakatayo ako at balak sanang bumalik sa loob ng makita ko itong naglalakad panay tingin sa bawat sulok na parang may hinahanap.

Sinong hinahanap mo?” agad na tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Nagulat pa ito bg nakita ako sa harapan.

Ikaw!… I mean may itatanong lang ako kaya hinahanap kita.” sabi nito habang ang kamay ay nakahawak sa batok nito senyales na nahihiya siya.

Isa ito sa unang napansin ko nung magkarelasyon pa kaming dalawa. Madalas siyang mamula at humahawak sa batok niya pag nahihiya siya, pag kinakabahan at hindi alam kung ano ang dapat gawin.

Anong itatanong mo?” nagtatakang tanong ko. Humakbang naman ito palapit sakin kaya napaatras naman ako hanggang sa nasa sulok na kaming dalawa. 

Are you okay? Nasaktan kaba kanina?” mahinang bulong nito sa tenga ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang nagwawala ang tiyan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Iyon lang ba ang itatanong mo? Bakit iniwan mo na sila. Baka mamaya pagalitan ka ng manager mo!” medyo napalakas kung sagot sa kanya.

Nagpaalam ako!” maikling sagot nito at umalis sa harap ko. Pumupunta ito sa may upuan at dun umupo sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi nito.

Look Josh, I don't know if your just making fun of me or something dahil kong oo please itigil mona. Kung gumaganti ka sakin dahil sa ginawa ko before, well I'm sorry!” seryosong sabi ko sa kanya.

Hindi lang ito sumagot at hinila ako para yakapin. Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko agad akong nagpumiglas pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko para patigilin.

Please… kahit sandali lang! I want to hug you… kahit limang minuto!” mahinang sabi nito kaya hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. 

Congratulations, sobrang proud ako sayo. Ang taas na nang naabot mo Josh!” i said habang iniwas ang tingin sa kanya. 

It's true even if we broke up years ago, my love for him is still there pero alam ko ng kung saan ako lulugar. Hindi ko na pwedeng ipilit ang sarili ko dahil alam kong tapos na iyon simula ng iniwan ko siya ang gusto ko lang ay palagi siyang masaya. 

Hindi na ito sumagot sakin at mabilis ng tumalikod dahil tinawag na siya ng manager nila siya na kasi ang susunod na kakanta.

Thank you Atin University… sana nag-enjoy kayo sa inihanda naming performance ngayong araw!” malakas na si Justin at mga malakas na sigawan naman ang sinagot ng mga students. Dahil sa sobrang nagustuhan nila ang performance ng grupo. 

Hanggang sa susunod namin pagpunta sa school na to. Again this is SB19.” sabay sabay na sabi nila at bumaba na sa backstage. 

Nang matapos ang program ay nagsi uwian na ang mga students. Nasabihan na din kami ni Mr. Principal na pwede na kaming umuwi lalo na’t tapos na ang pag-assist namin sa SB19.

Nasa labas palang ako ng gate ng natanaw ko si Josh at may babaeng nakayakap sa kanya. 

Ang kapal ng mukha may girlfriend na pala tapos niyakap pa ako? Gagawin pa ata akong kabit ng hakdog na yon! Naiinis akong pumasok sa kotse ko at nag-drive na pauwi ng bahay.

Good afternoon ma'am.” magalang na bati sakin ni yaya. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil may business trip sa ibang bansa ang parents ko.

Good afternoon yaya.” nakangiting bati ko naman ako umupo sa couch. Inabutan naman ako nito ng meryenda. 

Ito ang meryenda mo anak! Hindi daw makakauwi ang parents mo dahil may urgent meeting sila sa korea.” sabi nito sabay lapag ng meryenda ko sa mesa tumingin naman ako sa kanya.

Ganun po ba yaya. Salamat po sa meryenda. Kain na din po kayo yaya sabayan mo na ako.” nakangiting alok ko dito kaya umupo na ito sa tabi ko at sabay na kinain ang dala niyang meryenda.

Nang matapos kaming mag meryenda ay umakyat na muna ako sa kwarto para makapag bihis. 

Pumasok na muna ako sa cr para mag half-bath pagkatapos ay mabilis na nagbihis para mahiga na sa kama ko. Wala naman kaming assignments kaya naisip kong buksan ang IG ko. Agad kong nakita nag post ni Josh I play the video of him singing hindi ako familiar sa song pero ang ganda na nito kahit konti lang ang nilabas niyang lyrics. It's about hope, happiness.

Baka new song nila. nasabi kona lang sa sarili ko.

Napatingin ako sa caption niya.

“I wish…nandito ka kasama ko!!!” ito ang mabasa ko sa caption niya. Nag heart react nalang ako sa post niya at dahil wala naman bagong message ay nag-out na ako sa IG.

Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang kumanta ng kanta nila which is “Liham”. Ito kasi ang favorite song ko na nagawa nila ang sarap lang ulit -ulitin. Nang matapos kung kantahin iyon ay naisip kong i-upload iyon sa IG story ko.

Anak kakain na, bumaba kana.” biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si yaya.

Yes po yaya susunod na.” magalang kong sagot at sumunod na sa kanya.

Pagkatapos kumain ay nahiga na ako at binuksan ulit ang IG. Nagulat pa ako ng nag-trending ang upload ko kanina. Maraming nagre-post nun at tuwang tuwang lalo na ang A’tin fan dahil sobrang ganda daw ng version ko. Nakita ko din na nasa top 5 trending iyon, sobrang dami talaga ng nagmamahal sa mga songs ng SB19. Halos puro positive comments ang nabasa ko kaya napangiti naman ako at mabilis na nag-post.

Thank you everyone! I really appreciate it and I'm super happy na nagustuhan niyo! More songs to come SB19. we love you!!!”

#sb19 songs

#sb19fan

#sb19atin

Itutuloy

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon