CHAPTER 7

13 3 3
                                    

LORELAI POV:

Nang nakauwi ako sa bahay ay nag half-bath na muna ako. Nang matapos akong magbihis at mag skin care naisip kong buksan ang facebook nakita ko agad ang facebook live ng SB19 kaya pinindot ko ang live nila para manood.

Agad kong nakita sina Pablo at Justin na masayang tumingin sa mga nag co-comment sa live nila.

“Oh wow ang Vice-president ng Atin University nasa live namin.” masayang sabi ni Stell kaya napailing nalang ako. Napansin agad nila napalingon naman ako sa likuran nila ng makita kong mabilis na lumingon si Josh at lumapit sa screen na parang may hinahanap maya maya ay ngumiti.

“Huy ang isa jan ngumiti.” tukso naman ni Ken kay Josh pero bumalik lang ito sa upuan niya at kinuha ang phone nito.

“Nakita ata ang happy pill.” nakangising dagdag pa ni Stell. Nag-apir naman sila Stell at Ken.

“Basa na mona tayo ng mga comments baka nag-comment ang happy pill ni Josh.” nakangiting sabi ni Justin kaya agad nilang kinuha ang kani-kanilang cellphone.

“Sabi ng isang comment, What is our ideal type of women?” sabi ni Justin ng mabasa ang comment.

“For me, I want someone who is family-oriented and understanding kase as SB19 member sobrang dami events and talagang mahahati ang oras ko sa kanya.” sagot naman ni Stell.

“Ako hmm? I want someone who is passionate sa kanyang ginagawa ganun.” maikling sagot ni Pablo.

“Me? gusto ko iyong Maria Clara type.” sagot ni Justin.

“Ako ang ideal woman ko is iyong straightforward and same kami ng mga hilig like marunong sumayaw.” sagot naman ni Ken.

“Ikaw na Josh, what is your ideal type pagdating sa babae?” mabilis na sabi ni Pablo. Binaba na mona nito ang hawak na phone bago nagsalita.

“Ako? Gusto ko is iyong open minded and someone na makakausap ko pag may problema ako. At gusto kong iyong unang girlfriend ko ang maging last ko.” seryosong sagot ni Josh.

Natigilan ako ng marinig ko iyon dahil sa pagkakaalam ko ako ang unang girlfriend niya. 

Baka iyong kayakap niya ang tinutukoy niya. Tama baka iyon, masasaktan lang ako pag nag-assume ako. 

“Tama ito next question sabi ni Ms XXX, what is our ideal date?” pagbasa naman ni Ken.

“Ako na mauna total ako naman nagbasa ng tanong… My ideal date is iyong nasa romantic date. Gusto ko iyong province vibe ganun feeling ko kasi mas mag-eenjoy kami pag ganun ang date namin.” nakangiting sagot ni Ken.

“Ako naman gusto ko movie date lang ganun para sweet.” maikling sagot naman ni Justin.

“Me? gusto ko simple date lang like maglukuto kami together ng pagkain namin and have long conversation.” nakangiting sagot ni Pablo.

“Ako gusto ko night dinner date and gusto kong ako ang magluto ng pagkain naming dalawa.” sagot naman ni Stell.

Tumingin ang apat kay Josh na naghihintay ng sagot nito. Lumapit naman si Josh sa camera bago nagsalita.

“Ako gusto ko iyong simple date lang, kakain kami ng street foods like kwek kwek, isaw ganun tapos gusto ko din na kung lalabas kami dadalhin ko siya sa isang sinehan para manood ng paborito naming movies.” nakangiting sagot ni Josh ng hindi inaalis ang tingin sa camera.

Natapos na ang live nila pero hindi ko pa din ako makatulog dahil sa sinabing iyon ni Josh. 

Naguguluhan lang ako kung ako ba ang tinutukoy niya? Sinasabi niya ba iyon dahil mahal niya pa ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon