CHAPTER 3

15 7 7
                                    

LORELAI POV:

Maaga akong nagising kinaumagahan dahil babalik na kami sa manila. Inayos kona kagabi ang mga gamit ko kaya wala na akong pro-problemahin pa. Lumabas agad ako para hanapin sila Manager Yu mabuti at nakita ko agad sila na naghihintay sa labas.

Good morning Lorelai, ito kape mo for sure wala pang laman ang tiyan mo.” sabi nito sabay abot sakin ng isang coffee. 

Good morning din Manager Yu. Aalis na ba tayo?” agad na tanong ko habang iniinum ang kapeng binigay niya.

Oo, remember may pasok kapa mamaya.” sabi nito at nagsimulang ayusin ang mga gamit namin at pinasok sa sasakyan niya.

Nang maubos ko ang binigay niyang coffee sinabi niya na aalis na kami kaya mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Complete na sa pagkain ang loob ng sasakyan niya kaya naisip kung dito na lang kumain.

Ah Manager Yu sa tapat ng school mo nalang ako ihatid.” sabi ko dito habang punong puno ang bibig ko ng pagkain kaya nailing nalang ito sakin.

Oo na boss. Ihahatid ko nalang sa condo mo itong mga gamit mo,” sagot nito.

Yes, thank you manager kaya love kita eh.” natatawang sagot ko sa kanya. Natawa nalang ito dahil sa sinabi ko sanay na kasi siya sa ganitong ugali ko kaya wala  kaming nagiging problema.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil halos sampung oras din ang biyahe namin. Kailangan kong magpahinga dahil may pasok pa ako bukas hindi naman ako pwede lumiban kasi kailangan ako dun bilang member ng student council buti nalang at hindi naging president dahil baka hindi ko magampanan iyon ng maayos dahil sobrang busy din ako sa model career ko kaya hanggang vice-president lang ang position ko.

Nagising nalang ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng phone ko tanda na may notification ako kaya mabilis king tiningnan kung ano iyon.

Trending ang pangalan ko dahil sa pag-follow back sakin ni Josh. 

#trendingsb19josh

#whoisthisgurl??

#joshcullenfollowedbackgirl?

Para sakin ay wala naman iyong ibig sabihin dahil aksidente ko lang naman na napindot ang follow button. Wala na akong magagawa kahit iun-follow ko siya ay nasa trending list pa rin ang pangalan ko kaya hinayaan kona lang.

Wala naman akong nakitang hate comments, most comments say's na ang swerte ko daw ang iba naman ay sana all or how to be you? Natatawang napailing nalang ako.

***

Good morning Vice-President? Trending ka ngayon ah.” nakangising bungad sakin ni Christine umiirap naman ako dito dahil alam ko na ang tingin niyang yan aasarin lang ako nito.

Good morning too chismosa.” natatawang bati ko sa kanya hinampas naman nito ang braso ko. 

Tingin mo siya pa ang mas naasar sa sinabi ko. Parang bata talaga siya. 

Pumasok na ako sa loob ng office dahil may meeting daw kami ngayon. May importante announcement si Mr. Principal kaya kailangan andun kaming lahat hinintay lang naman makompleto kami bago nagsimula ang meeting.

Good morning to all! Pinatawag ko kayong lahat dahil kayo ang inaasahan kong sasalubong sa mga bisita natin.” seryosong sabi ni Mr. Principal nakikinig lang kami sa kanya.

Good morning too Mr. Principal.” sabay sabay naming bati sa kanya.

Ang meeting na ito ay tungkol sa pag bisita ng SB19 sa school natin…” nagulat naman ako sa sinabi niya pero hindi ko lang pinapahalata pero kinurot naman ako ni Christine kaya napatingin ako sa kanya. 

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon