CHAPTER 6

13 6 6
                                    

LORELAI POV:

“Can we talk Lorelai?” agad akong napatingin ng nakita kong nasa harap ko si Josh. 

Naka cap siya kaya hindi mahahalata na siya ang kaharap ko. Nakasuot lang ito ng blue pants and white t-shirt. Simpleng ayos niya lang pero ang lakas na ng dating.

“I'm sorry busy ako.” mabilis kong sagot at tumalikod na sa kanya pero agad nitong nahawakan ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

“Please… Kahit konting oras lang?” pakiusap nito pero nagmatigas ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mabilis na naglakad. Hinabol ako nito at mahigpit na niyakap.

“Ano ba… Hindi ka ba makaintindi?” naiinis kong sabi sa kanya.

“GUSTO KO LANG NAMAN MAKAUSAP KA!” malakas na sigaw nito sakin.

Nagulat ako sa pagtaas niya ng boses kaya hindi ko napigilan na mapakuha. Alam niyang sobrang sensitive ako pagdating sa mga ganitong bagay. Ang pinaka ayokong gawin sakin ay sigawan.

FLASHBACK

Sa loob ng dalawang taon naming magkasintahan ay halos bilang lang sa mga daliri ko ang away namin na may sigawan. Siya ang madalas umiintindi dahil mas mahaba ang pasensya niya kumpara sakin.

Ako klase ng girlfriend na konting bagay lang ay big deal na sakin, sobrang selosa ako to the point na pati sa lalaking ka grupo niya ay pinagseselosan ko. Wala eh ganun ako, nauubos na kase ang oras niya at hindi na niya ako napapansin pero lahat yun naiintindihan ko naman hindi ko lang maiwasan na magselos.

END OF FLASHBACK…

“I'm sorry… Hindi ko sinasadyang sigawan ka!” mahinang bulong nito sa tenga ko at mabilis na lumapit sakin para yakapin ako. Mas umiyak ako dahil sa ginawa niya.

“Shh it's okay… Hindi ako galit. I'm sorry kung napalakas ang boses ko. I'm sorry!” paghingi niya ng pasensya sa akin at hinalikan ang noo ko pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko para punasan ang mga luha na pumatak sa mga mata ko.

“Ako dapat ang mag-sorry sayo dahil sa-” pinutol na agad nito ang sasabihin ko. Biglang lumaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

He kissed me!!! On the cheeks.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko at nilapit niya ang mukha niya sakin at tinitingnan ako ng mariin.

“Shh… Alam kung may rason ka kaya mo nasabi ang bagay na iyon dati. Ang mahalaga ngayon ay maayos natin kung ano man ang problema natin. Gusto kong bumalik tayo sa pagiging magkaibigan Lorelai.” mahabang sabi nito.

Kaibigan???

“Pero bakit hinalikan mo ako? Kung kaibigan lang pala ang gusto mo?” naiinis kong sagot at pinalo ang braso niya.

“Dahil dun tayo nagsimula… Sa pagiging magkaibigan!” seryosong sagot nito.

Nagulat nalang ako ng itaas niya ang kamay niya para makipagkilala.

“Hi miss ganda… I'm Josh Cullen pwede ba kitang maging kaibigan?” inosenteng tanong nito sakin natawa naman ako sa kalokohan niya at inabiot din ang kamay niya para makipag-shake hands.

“I'm Lorelai Camarao… Nice to meet you Mr. Cullen.” natawa nalang kaming dalawa sa kalokohan niya.

Dahil sa nangyari ito ay naging komportable kaming dalawa sa isa’t isa. Nandito kami ngayon sa park at nakatingin sa mga batang masayang naghahabulan sa harap namin.

“Bakit hindi ka nagu-audition sa mga singing contest? Maganda ang boses mo kaya sure akong matanggap ka agad.” sabi nito sakin habang kumakain ng dala niyang chocolate. Inabot naman nito sakin ang lalagyan kaya agad akong kumuha dahil paborito ko din iyon.

“Wala may nagsabi kasi sakin noon na para sa kanya lang ang boses ko kaya tinupad ko lang.” nakangising biro ko sa kanya narinig ko na lang na naubo siya dahil sa sinabi ko kaya natatawang inabot ko sa kanya ang hawak kong tubig.

“Really?” namumula nitong tanong sakin.

“Baliw… Nahihiya ako eh. Iyong opening sa school lang ang unang try ko. Sinubukan ko lang naman.” paliwanag ko sa kanya at humarap ulit sa mga bata. Nagulat nalang ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Ngayon ikaw naman ang sobrang pula.” nakangising sagot nito kaya inirapan ko lang siya narinig ko na lang ang malakas na tawa nito.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan namin na maglakad na lang papunta sa sakayan. Hindi pa kami nakakaabot sa kalagitnaan ng maramdaman kung sumakit ang mga paa ko. 

“Are you okay? May masakit pa sayo?” nag-aalalang tanong nito ng makitang nakahawak ako sa isang paa ko.

“I'm okay… Hindi lang siguro ako sanay ng maglakad.” pagsisinungaling ko sa kanya. I was praying na sana hindi niya mapansin na hindi totoo ang sinabi ko.

“Tsk… I know your not. Look oh dumudugo ang isang paa mo!” seryosong sabi nito at tumalikod sakin.

He's offering me a piggy back?

“Ayos lang talaga Josh,” tanggi ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako ng masama kaya hindi na ako nakatanggi pa at mabilis ng kumapit sa leeg niya.

Nagsimula na siyang maglakad. Tahimik lang kaming dalawa. Napatingin nalang kami sa buong paligid ng magsimulang umilaw ang mga poste. 

“Wait… Ibaba mo muna ako gusto kong kuhanan ng pictures ang park. Ang ganda kasi,” mabilis kong sabi sa kanya. 

Agad kong kinuha ang phone ko sa dala kong bag at sinimulang kuhanan ng litrato ang buong paligid. Tumapat sa likod niya ang camera kaya pasimple ko siyang pinicturan pero bigla itong humarap.

“Ikaw ah! Sabihin mo lang gusto mo pala ng picture ko eh!” nakangising sabi nito.

“Excuse me? Hindi kita kinukuhanan ng pictures noh! Wag kang feeling. Tabi diyan nakaharang ka sa view!” naiinis kong sabi dito. 

“Sus… Oo nalang Lorelai.” natatawang sabi nito. Umirap nalang ako sa kanya at hindi na siya pinansin pa. Nakita ko din na kinuha niya ang phone niya.

Nang makuntento na ako sa mga nakuha kong pictures ay inihatid na niya ako hanggang sa kotse ko. 

“Good night Lorelai!” nakangiting sabi nito at kumaway sakin.

“Good night Josh!” tanging sagot ko sa kanya at pumasok na sa loob ng kotse ko. Tiningnan ko pa ito sa side mirror ng kotse tumango lang ito sakin. Kaya dahan-dahan ko ng pinaandar ang kotse ko pauwi sa bahay.

Itutuloy

I'M STILL INTO YOU (JOSH CULLEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon