PRETENDING TO BE WIFE OF MAFIA BOSS
written by: ANGE LICA=CHAPTER 8=
-ALMIRA'S POV-
Iba ang kaba na bumalot sa dibdib ko, tila nakikipaghabulan ako dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi ako mapakali, at nanginginig ang tuhod ko sa kaba, lalo na ng makita ang kakaibang ayos ni Xander, at may hawak itong baril na ikinaawang ng labi ko.
Ganun rin ang nakita ko kanina kay Timothy, at ang mas nakakakilabot paano niya alam kung anong mangyayari ngayon. Napatingin ako sa ilang lalaking may tama ng baril sa ibat ibang katawan nila, at mula sa pinakadulo. Si Timothy.Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko ng lumapit sa kanìya, kumunot ang noo kong napa tingin sa hawak nitong baril.
__
Pagdating sa bahay at pagkakuha ni Manang kay Bia malakas kong hinatak sa kamay nito ang baril nya at itinutok ito sa kaniya.
"NASAAN ANG KAPATID KO TIMOTHY??" tanong ko sa madiing boses, nakita ko kung paano siya ngumisi at maangas akong tinitigan.
"Are you going to kill me?" madiing tanong nito, nanginginig ang kamay ko kasabay ng pag iling iling na pagtitig sa kaniya.
"TINATANONG KITA! NASAAN ANG KAPATID KO!" tanong ko pa ng mas naging marahas ang pag agaw nya sa baril na yon, napasubsob ako sa dibdib nito, nanlaki ang mata ko sa gulat ng maramdaman ang pag hawak nito sa bewang ko.
"DON'T YOU F*CKING DO THIS TO ME ALMIRA!!..WAG NA WAG MO AKONG TUTUTUKAN NG BARIL KUNG HINDI MO KAYANG IPUTOK" singhal nito ng bigla ko siyang itinulak.
"Sa oras na may nangyari sa kapatid ko, hinding hindi na ako magkakamali na iputok sayo ang baril! At mas masakit...na sarili mong baril ang papatay sayo" usal ko ng tumaas ang noo nito ng hawakan niya ang baba ko.
Tila kakapusin ako ng paghinga ng maramdaman ang nag iigting nitong panga sa galit ng maramdaman pa ang paghaplos pababa ng kamay niya mula sa likuran ko.
"Kung kaya mo akong patayin, then....hindi ako aatras" sabi nito ng pinakawalan ako at saka ito mabilis na lumakad sa hagdan, napaawang ang labi kong napatingin sa kawalan.
At ilang minuto lang din ng tumunog ang cellphone ko, naging mas mabilis ang lakad ko palabas sa bahay.
"Hello? Robert??"
"Ate!!...umalis kana sa bahay na yan, delikado ka sa kamay nya, mapapahamak ka!" Sabi nito na ikinakunot noo ko.
"Robert anong pinagsasabi mo, at nasaan kaba may masama bang nangyari sayo! Bumalik kana magpakatino kana" singhal ko.
"Ate, buhay ang puhunan ko dito at buhay rin ang kapalit...kaya sinasabi ko sayo umalis kana sa puder ng lalaking yan!!" Sabi niya pa ng malakas na inagaw ni timothy iyon na ikinainis ko.
"Timothy, akin na yan kausap ko yung kapatid ko ano ba! Hindi ako nakikipagbiruan sayo ha!" Asik ko ng ngumisi siyang pinatay iyon at itinaas
"Ano bang problema mo?!." Asik na singhal ko.
"Wala...eh ikaw?! Ano bang problema mo?"
"Ikaw...bakit may baril ka?? Ha? Masama kabang tao? Sendikato ka rin ba Timothy Gomez?" Tanong ko ng kumunot ang noo nito at pinanlisikan ako ng tingin.
"I'm not a f*cking sendicate! At tigilan mo na ang pakikipag usap sa kaniya, ayokong madamay ka sa gulong pinasukan ng kapatid mo! Hindi mo alam kung anong takbo ng isip nila" sabi nito ng pagak akong natawa.
"Seriously kapatid ko yon! At gagawin ko lahat para iligtas siya sa mga hay* p at walang kaluluwang grupo na yon!" Sabi ko ng ngumiti siyang marahas na binagsak ang cellphone ko sa sahig, napaawang ang labi ko ng makita ang pagbasag nito.
YOU ARE READING
PRETENDING TO BE WIFE OF MAFIA BOSS
RomanceTimothy Gomez is obsessed with a girl kaya eto ang kinuha nya to pretend for being his wife