CHAPTER 15

462 6 0
                                    

PRETENDING TO BE WIFE OF MAFIA BOSS
written by: ANGE LICA

=CHAPTER 15=

                   -ALMIRA'S POV-

"You owned that campus right, bakit hindi mo nalang kaya isa isang paalisin ang mga studyante na alam mong miyembro ng sendikato?!" tanong ko sa seryosong boses ng pagak siyang tumawa.

"Paano ko malalaman kung sino sila?! At isa pa, gusto kong maging exciting lahat ng mangyayari. Meron akong gustong malaman" sabi nito ng nangunot ang noo ko.

"Ano?! Eh diba, si Kianna at Gilbert ay isa ring sendikato pero bakit hindi sila nakukulong? Bakit tila mga pipi at bulag ang mga tao para gawin yon? Ang idiin sila" sabi ko ng suminghal siya.

"Yaman, pera at posisyon ang labanan Almira! Walang kwenta kung mag sampa ka ng katutak na reklamo sa oras na pinasilaw ka sa pera! At ang mas nanaig dito! Ang sinumang tao ang bumabangga sa pader nila ay kinikitilan ng buhay" usal nito.

"Eh! Ano nga gusto mong malaman?"

"Ang anak ng sendikato!"

"Anak ng sendikato?" Tanong ko pa.

"Oo, the missing sendicate boss Daughter na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap! At mula sa Campus na yon. Doon, doon mabubunyag ang katotohanan" usal nito ng asik akong napabuga ng hangin.

"Missing daughter, ano yon tagapag mana?" Natatawang tanong ko ng seryoso lang siyang tumitig sa mga mata ko.

"Missing daughter of sendicate ay merong sekretong tinatago sa katawan para malaman kung sino siya. And that girl, ay pwedeng magamit para ibagsak ang mga taong pilit na kinalaban ang politika, ang mga dahilan kung bakit ang tao ay nagiging bulag at pipi! Ang nawawalang anak ng sendikato ang siyang may pinaka mabigat at marahas na katauhan na umusig at magpakalat ng lagim, whether she like it or not! Dugo niya! At dugo nito ang pagiging sendikato!" Usal niya pa ng marahan akong tumango.

Hindi ko maintindihan, pero sinubukan ko rin namang intindihin. Nainis nga lang ako sa kaniya ng makita kung paano niya hinihithit ang sigarilyo nito sa harapan ko.

"F*ck! Yang sigarilyo mo! Napakabaho" sigaw ko ng bigla niya akong tinaasan ng kilay.

"Edi wag kang umamoy! Psh!" Asik niya ng mabilis kong sinabunutan ang buhok nito dahilan para manlaki ang mata niyang hinapit ang bewang ko.

"Napaka adik eh noh! " asik ko.

"Tsk, ang sabihin mo ayaw mo lang kase gusto mong halikan ki~" hindi nito nagawang ituloy ng irapan ko siya.

"Ewwss...ayokong magpahalik sayo, sige...yosi pa more! Napakabaho talaga" sabi ko pa ng itulak ito, nakita ko kung paano niya ito binuga ang usok at walang emosyon na binitawan iyon saka pinatay ng sapatos niya sa madiing pag apak.

"Between this cigarette and your lips. F*ck i will be choosing to addicted with you" singhal nito ng nangunot ang noo kong ngumisi, bago niya ulit hinapit ang bewang ko at mariing walang pakundangan na inangkin ang labi ko.

______

   F A S T F O R W A R D

"So ang ibig sabihin ang campus na ito ay punong puno ng mga sekretong studyanteng sendikato? Ganun?!" Tanong ni rhea na tinanguan ko.

"Exactly at alam mo ba kung bakit nandito sila? Because they finding the missing daughter boss sendicate!" Usal ko ng nangunot ang noo nito.

"Eh sino? Sa dami ng studyante dito paano nila nalaman na nandito?"

"I don't know! Pero ang sabi ni Timothy its illegal! Kahit gaano pa kahirap hinahanap nila kung sino 'yon dahil siya ang may kakayahan na gawing magkalat pa lalo ng lagim dahil dugo nito ang pagiging kriminal at isang sendik~" hindi ko nagawang ituloy ang mga dapat kong sabihin ng napahinto ako.

PRETENDING TO BE WIFE OF MAFIA BOSS Where stories live. Discover now