5th Quarter: Endings are beginnings

1.8K 25 7
                                    

Sa wakas ako ay nag update na rin. Ang tamad ng utak at daliri e. Zarreh. Marami lang pinagkaabalahan. 

**********

Hindi ko akalain na magiging kampante uli ako na matulog sa tabi ng isang lalaki simula nung may mangyari sa amin sa tatay ng anak ko na sadly nasa langit na bago ko man lang mayakap at mahagkan. Enough of the drama, baka kung san na naman ako dalhin niyan e. So, ayun nga after naming kumain nag-ayos ayos na kami. Pero, ang pag ayos ayos ng isang babae na gaya ko hindi lang ganun kasimple. Kanina..

“Mon, maghuhugas ako! Samahan mo ako pero tatalikod ka ha.” Sabi ko sa kanya.

“Ano na naman ba yan ha Shey? Kaarte!” Angal niya. Nag make face lang ako saka niya ako hinablot at pinulot yung flashlight niya. “Ihi ka na at maghugas. Ayan, wet wipes!” Abot niya sa akin. Tinignan ko siya. “Wala tayong maraming tubig, wag maarte!”

“Okaaaaaaaaaaaaay! Halla, talikod!” Sabay tulak ko sa kanya na ikinatawa niya. “At, anong nakakatawa?” Nangangalaiti kong tanong dahil sa inis ko sa nakakainis niyang tawa.

“Wala namang makikita.” May halong pang inis na sabi niya. Anong ibig niyang sabihin, kakulay ng dilim ang ano ko? Bwiset! O, dahil hindi ito makikita dahil anoo. “Ah, wala.”

Matapos kong mag ayos ng sarili hinila ko na siya pabalik. “Yuck!” Nandidiri niyang sabi.

“Ano na naman? Akala ko ba ako ang maarte? Kung makapandiri ka diyan. Letche!” Naiinis ko nang sabi.

“Eh, Shey. Pinunasan mo man lang ba yang kamay mo? Dinisinfect mo ba yan? Alam ko naman na acidic yan pero. Ahhshit!”

Binatukan ko siya. “Aba naman, gago. Malamang nilinisan ko kamay ko. Ano tingin mo sa akin ha? Madumi? Pwes wag mo ko igaya sa’yo no. Bwiset!” At dun na ko natawa. Nawala na yung inis ko sa kanya.

Makalipas nun, nahiga na kami. At, dahil gentleman siya, nakipag agawan siya sa akin ng kumot, which is dapat sa akin na lang dahil babae ako, at maginaw sa gabi pero hindi. Pinairal niya ang karamutan niya. “Ako may dala nito, ako ang nagbuhat. Kaya, ako ang gagamit.” Sabi niya sabay talukbong sa kumot. Tinalikuran niya ko pagkatapos. Akala ko naman nagbibiro lang siya pero ayun nga natulog na siya! Pero, hindi siya nakatulog ng mahimbing dahil ginambala ko siya, nakiagaw ako sa kumot. At nang kami ay mapagod na, nag share rin kami.

Nang magising ako, nagulat ako dahil magkayakapan na kami. Dahil siguro sa sobrang ginaw pag pasikat pa lamang ang araw. Pero, hindi ako sa posisyon namin nagulat. Mas nagulat ako on how I felt. Habang yakap niya ko para akong secured. Parang walang mangyayaring masama sa akin. Parang safe ako sa bisig niya. Dun ako mas nagulat. Tinitigan ko ang mukha ni Mon. Siya yung tipikal na gwapo. Yung college hearthrob na may kakayanang manakit ng babaeng gugustuhin niya. Pero, kung yung instincts ko ang susundin ko, paniniwalaan ko ang sinasabi nito na hindi nito kayang manakit ng isang babae.

Hindi ko namalayan an paggising niya. At, dahil nga nagising na siya. At, ang trabaho niya ay inisin ako sa araw na magkasama kami. Ayun, nga. Sinimulan na niya. Pinunasan niya ang baba ko. At, nakatanggap siya ng anong ginagawa mo look pero sinagot niya ako nang..

“Yung laway mo tumutulo sa kagwapuhan ko.”

“Arrrrggggh. Bwiset!” Naiinis kong sabi saka ako bumangon.”

**********

After naming makita ang kagandahan ng Mount Pulag, bumaba na kami. Actually, hindi namin nakita ng buo kasi kulang kami sa oras at hindi kaya ng very athletic kong figure if you know what I mean. Haha.

Nanguha lamang kami ng maraming picture. Nilanghap yung sariwang hangin at ninamnam yung peaceful environment.

“Boss, pwede sumigaw no?” Tanong ni Mon sa isang guide. Tinanguan lamang siya nito.

“Ahhhhhhhhhh. Bwiset. Pakshet na buhay ‘to o.” Sigaw niya. Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka at sinuklian niya ito ng ngiti. Ngiti na hinihikayat ako na gawin rin ang gawin niya. Saka ko narealize, ginawa niya ito para sa akin. Para maalis lahat ng hinanakit ko kaya niya iyon ginawa. Napangiti ako. How thoughtful.

Huminga ako ng malalim. Inalala lahat ng mapapait na nangyari sa nakaraan. Lahat ng masasakit na alaala. Mga alaalang siyang naging dahilan ng pagbabago ko. Mga alaala. Oo, mga alaala na lamang sila. Hindi ko dapat hayaan ang mga ito na maging balakid sa kung ano ang dapat kong abutin. Hindi dapat ang mga ito ang nagpipigil sa aking maging masaya ng lubusan. I just need let it out.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” At sinimulan ko na ang mag rant. “Kung sana hindi ako niloko ni Kaile hindi ko makikilala si Cent. Hindi ako maiinlove ng lubusan at hindi mangyayari ang lahat ng nagyari. Hindi sana ako nawalan ng minamahal. Hindi sana ako nasasaktan ngayon. Hindi ko sana kailangan ang makalimot.”

Nag reflect ako lalo sa mga sinabi ko saka ko itinuloy. “Pero, kung hindi ko nakilala si Kaile, wala sana akong Kai na kaibigan ngayon. Kung hindi ko nakilala si Cent, eh di sana hindi ko naranasan ang magmahal.”

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Basta. Ito na. Tapos na. Move on na Shamie!” Hiyaw kong muli. Saka ako sumalampak sa damuhan.

Lumapit si Mon sa akin at sumalampak din sa tabi ko. “Good job Shams. Good job. That’s the first step. I’m so proud of you.” Nakangiti niyang sabi.

Itinapon ko ang sarili ko sa kanya at nag iyak at tumawa ako sa balikat niya. Paano na lang kung hindi ko siya nakilala? Siguro, baka nagbigti na ako sa sobrang kalungkutan. Pinektusan ko siya at sinabing. “Kahit pala baliw at adik ka. Anlaki ng tulong mo sa akin.” Sincere kong sabi.

Naupo kami dun ng matagal. Binibilang ang bilang ng paghinga ng bawat isa. De, joke. Nagpapahinga kami at nagninilay nilay sa lahat ng nangyari.

Naloko man kami. Nasaktan man kami. Nalungkot man kami. At least nakilala namin ang mga taong nagbigay ng panandaliang saya at ligaya sa amin. Sila at ang mga pangyayaring ito ang humubog kung ano kami ngayon. Kailangan ko lang ibaon ang galit na namumuhay sa puso ko. Mag momove on lang kami pero hindi namin sila lilimutin. Babaunin namin sa pang araw araw na buhay namin ang masasayang alaala na ginawa namin at iiwan ang mga malulungkot at masasakit na alaala. Kailangan ko lamang kalimutan at ibaon sa limot ang galit ko kay Cent Mali man ito sa paningin ng iba, pero kailangan kong gawin para maharap ko ang panibagong araw ng may totoong ngiti sa aking mga labi.

Maybe, this is the end where I begin.

----------

Nakakahiya ako. Lol. After ilang buwan.. Sana po ay magustuhan niyo ito. Susubukan kong dalasan ang pag update ko. Natapos ko na rin ang ikaapat kong taon sa kolehiyo. Isa na lamang at magtatapos na ako. Yey! Grad-wait muna. Hihi.

@IamPilyaaa

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon