Quarter 8: Missing him?

1.6K 21 12
                                    

Dedicated sa kanya. Hehehe. Kasi, sabi niya, Team Kaile raw siya kasi kanya na raw si Mon. Sige, pagbibigayan kita. Iyo na si Mon, pansamantala. Hihihihi.

SHAE

Hinatid ako ni Kai pauwi sa amin. Iba na talaga ang maganda noh? Hahahaha. De, joke lang. Iba na talaga kung may nagmamahal sa’yo. May mga taong nakapalibot sa’yo na nagkecare. Iniisip ko pa lang sila kuntento na ko. Na kahit papano ang swerte swerte kong nilalang.

Tahimik lang kami sa sasakyan. Ano nga ba ang iniisip ko? Aaaahhhhhh! Lintek ay! May iniisip ako. Hindi ano ang tanong e. Sino. Sino nga ba?!?!?!?

Ayon. Si Mon.

ALEXANDER MON RAMISCAL!!!

Papatayin kita pag nagkita tayo! Wala kang karapatang pag isipin ako ngayon ha. Naiinis ako kasi iniisip ko siya. I mean, alam ko naman na nasa modelling raket siya ngayon. Kaso, naisip ko rin, panigurado marami na namang babae dun. Na magaganda.

Iniisip ko lang naman yung best sa best bud ko e. Ayoko ng puchu puchu lang na girlfriend para sa kanya. Gusto ko lang yung best para sa kanya. Kaibigan ako e.

Sinong niloko mo?!?

“Uy, kanina pa paiba iba timpla ng mukha mo. Hindi ako makkaconcentrate sa pagmamaneho. Umayos ka nga Mie.” Sita sa akin ni Kai.

Huminga ako ng malalim. One. Two Three. “Kai, may iniisip lang naman ako. Don’t mind me. Wag mo na lang muna akong pagtuunan ng pansin, ayos ba yun?” Saad ko.

Napakamot siya sa batok niya at nahinga ng malalim, saka seryoso siyang nagsalita. “Alam mong imposibleng hindi ko isipin ang kapakanan mo Shae. Imposible ‘yon. Kasi, kahit saan tayo mapunta, kahit na maraming tao ang nakapalibot sa atin. Ikaw at ikaw pa rin ang iisipin ko. Kapakanan mo ang nasa unahan. Number 1 parati ‘yun.”

Naluha ako sa sinabi niya. I wasn’t just touched by what he said. I was moved. Itinabi niya yung sasakyan saka siya mataman na tumitig sa akin. “Kaiii....” Yun lang ang lumabas sa bibig ko. I don’t know how to react.

Habang si Mon ang nasa isip ko. Si Kaile, ako ang iniisip. Ganun rin ba ako ka unfair kay Mon? Na nung panahong si Cent naman ang iniisip ko, ako ang iniisip niya.

Pinapaasa ko ba sila?

Bago pa ko magsalita, naunahan niya na ako. “Don’t.” Sabi niya. Naramdaman niya ba kung ano ang sasabihin ko? Ayaw niya bang marinig ito. “Pag isipan mo munang mabuti yung sasabihin mo. Weigh everything. Hindi ka pa ready. At, hindi pa ako ready na marinig ‘yan. Okay? At, saka hayaan mo na yung mga babae kanina. Inggit lang sila.”

Naweirduhan ako sa sinabi niya. Sasabihin ko lang naman na, nasa priority ko siya. Yun nga lang, wala siya sa number 1, kaya hihingi ako ng pasensya doon. Bakit suddenly, ang deep na na tao ni Kai. Oh well, papel.

“Hindi naman sila yung iniisip ko e. Wala lang sa akin ‘yun.” Sabi ko naman sa kanya. “Bakit parang anlalim nung sinabi mo Kai?” Tanong ko sa kanya. Slow na kung slow pero, bakiiit?

“Malalaman mo rin yung ibig kong sabihin. Soon Mie.” Makahulugan niyang sabi saka niya ipinagpatuloy yung pagdrive.

Tahimik na kami sa 5-minute drive na pauwi samin. Nasabi ko na bang, andito si Mom? Ayun, kasama ko na sa bahay.

Pagbaba ko, inaya ko muna siya para bumaba kaso tinanggihan niya ko. Matapos niya akong ihatid sa may gate. May tinanong siya sa akin, na sana hindi ko sinagot ng buong katotohanan. O, sana na eksplika ko naman kung bakit iyun ang sagot ko.

“Kung hindi yung akala kong iniisip mo kanina ang iniisip mo. Ano? Sino?”

Tumingin ako ng diretso. Saka sinabing, “Si Mon.”

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon