1st Quarter: Results

3K 29 10
                                    

Isang taon na pala ang nakalipas. Isang taon na wala akong balita sa taong nang iwan sa akin sa ere. Isang taon na nag aantay ako ng sagot sa mga tanong ko. Pakiramdam ko hindi na yun masasagot.

Ayoko nang mabuhay sa past yan ang sabi ko. Pero, it kept on haunting me. BAKIT? Yan lagi ang nasa isip ko eh. Bakit ako pa? Bakit siya pa? Bakit kailangang may mawala.

"Kanina pa kita kinakausap." Tawag sa akin ni Kaile. Kaile and I became friends. And, so with Mon. Natulala na naman pala ako. Paminsan minsan na lang nangyayari sakin 'to ngayon. Siguro, tanggap ko na deep down na WALA na talaga. 

Huwag na lang umasa para hindi na lalong masaktan pa. Don't dwell on the past, turo ko sa sarili ko. Kasi, in the end ako lang din ang kawawa. "Ano ulit sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala mo na naman siya no?" Tanong niya sa akin. 

Naalala ko pa siya? Oo naman. Hindi na maaalis sa akin yun. Ang saklap naman kasi ng nangyari sa akin sa nakaraang taon. Hinding hindi makakalimutan kahit na gusto mong ibaon sa limot.

Una, iniwan ako ng boyfriend ko. Iniwan niya ko sa ere. Natakot ata sa responsibilidad. Natakot kay Cash. Yung boyfriend na akala kong for keeps na. Yung hindi ako lolokohin. Yung lalaking nag save sa akin sa sakit pero di kalaunan binigyan din ako ng di matatwarang sakit.

Tinignan ko yung mga batang naglalaro sa park. Napangiti ako, buti pa sila walang problema. Gusto ko ulit bumalik sa pagkabata. 

Napangiti ako ng mapait. Sino ako para hilingin yon? Eh, ang sama kong tao. Dahil sa kapabayaan ko isang buhay ang nawala. Isang buhay ang hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo. Isang buhay na.. Napahikbi ako.

Hinawakan ko yung tiyan ko. "Kung sana naging mas maingat lang ako hindi namatay yung baby ko no? Kung sana ginamit ko yung utak ko, wala naman sanang buhay na mawawala." Sabi ko kay Kaile. Ayoko ng umiyak sabi ko. Pero sa tuwing naaalala ko yung anak ko, hindi ko mapigilang umiyak.

Pangalawa, kumitil ako ng buhay. Kahit pa hindi sinasadya yun. Kasalanan KO pa rin.

Alam ko, bunga naman yun ng pagmamahalan namin ni Cent eh. Ang hindi ko lang maintindihan at never ko ng maiintindihan eh kung bakit niya ako iniwan sa ganung sitwasyon. Napatawa ako ng pagak. Hindi nga pala niya alam na may naging anak kami.

Kasi, bago niya malaman iniwan niya na ako. At, bago ko malaman, nakunan na ako. Iniisip ko, magiging iba ba ang pangyayari kung sakaling nalaman namin ng mas maaga na magiging parents na kami? 

Masasagot pa kaya ni Cent yung mga tanong ko?

"Kung hindi mo na kaya, andito lang naman ako." Pang oofer ni Kaile. For the past year, sa kanya ako umiiyak. Siya ang naging Kuya ko, best friend ko, boyfriend ko. At kung anu ano pa. Lagi siyang nasa tabi ko. Bumabawi daw sa kasalanan niya sa akin noon.

"Thank you Kaile." Sabi ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Yan lang ba sasabihin mo?" Tanong niya sa akin. Pareho sila ni Mon na may pinapahiwatig sa akin. Pero, pagod na yung puso ko. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya.

Nginitian ko siya. "Naging rebound ako Kaile. Naging rebound din si Cent. Paano natin malalaman na magiging iba kung susubukan natin ulit?" 

"Bakit kasi negative agad ang nasa isip mo? Paano magiging tama kung laging maling anggulo ang tinitignan mo?" Tanong niya sa akin.

"Sinabi ko na sa'yo, ayoko ng mabuhay sa past." Sabi ko sa kanya. Gusto kong mabuhay sa present. Yan ang new year's resolution ko nung nakaraang Bagong taon. "I want to look and move forward. Past, means you and him."

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon