17th Quarter: Second Chance

1K 15 4
                                    

CENT'S POV

Magaling pa lang magpasaring yung Mon na 'yun. Tsk

Pagkaalis niya matapos niya kaming inihatid, tumalikof na ako at binitbit yung ibang luggage ni Yen. Kahit na medyo naiirita ako sa kanya, kaibigan ko pa rin siya at babae pa rin siya.

Binalak kong tawagan si Shae kaso masyado nang malalim ang gabi, baka magambala ko lang uung pagtulog niya. Nahiga na lang ako matapos kong ayusin ang dapat ayusin. Pero, hindi ako dinalaw ng antok. Kung saan saan napuputa ang isipan ko. Andami pa lang pwedeng mangyari o nangyari sa pag alis ko.

Sa loob ng panahon na hindi ko siya kasama. Kahit na nakabantay ako sa facebook niya para makita at makibalita kung ano ang meron, panigurado, di naman nailalagay dun ang totoo at kumpletong nararamdaman niya.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nagkita kami? Napahinga ako ng malalim.

Napaupo ako ng makarinig ako ng mga yabag papunta sa kwarto ko, sunod nito ay marahang katok, "Cent, I can't sleep. Namamahay siguro. Can I sleep in your room?" Tanong niya mula sa labas.

Napahinga ako ng malakas sa inis, "You can but, I won't allow it. So, just go to your room. Sleep. And, don't bug me. Im tired. Please." That was harsh. But, can't help it.

Hindi ko na narinig yung sinabi niya dahil sa pagtawag ni Bill na agad kong sinagot. "Insan, pasensya di kita nasundo. Nag usap kami ni Chit." Salubong niya kaagad.

"Ayos lang. Sinundo kami nung kakilala ni Yen." Sagot ko.

"Kaibigan? May kaibigan pala 'yun. Hahahaha. Ano kaya reaksyon niya pag nakita niya si Cam?" Tanong niya.

"Para san 'tong tawag na 'to?" Tanong ko na lang. Di ko na pinansin yung tanong niya. Wala akong pakealam sa kanila ngayon. Ngayon, si Shae ang number one. Sa kanya ko lang itutuoon ang oras at atensyon ko.

"Ahh, kasi Insan, ano ehh... Hehehehehehe." Sagot niya.

"Ano nga gag*?" Naiirita kong tanong.

"Gusto kang kausapin ni Cash." Sabi niya. "Bago mo harapin si Shae, siya muna insan. Pinapasabi niya." Marahan niyang sabi. Tsk.

**********

Kinabukasan, halos wala akong tulog sa pag iisip ng kung anong mangyayarin. Isa pa, isang sakayan na lang ang nakapagitan sa amin ni Shae. Iisang hangin ang hinihinga. Pwedeng yakapin dahil nasa malapit. Hindi na kailangang litrato lang ang titigan. Abot kamay. Ang bading ko!

Tinawagan ko siya. Hindi pa ako nakakapagsalita, baka ibaba niya kapag nalaman niyang ako yun, naduwag ako bigla. Di lang naduwag, nahiya ako bigla sa ginawa ko. Iniwan ko ang babaeng siyang buhay ko dahil sa mahina ang loob ko.

Siya kasi kahinaan ko. Ayaw ko siyang masaktan.

Natatakot rin ako. Paano kung isumbat niya sa akin ang pag iwan ko?

Can I really face her? Pwede ko bang sabihing, kasi yun ang tingin kong nararapat? Mas gugustuhin kong masaktan siya agad, kaysa umasa pa siya at masasaktan din lamang sa huli kung di naagapan yung peste kong sakit?

"Dude, kakausapin ka pa ni Cash." Ungot sa akin ni Bill. Sinamaan ko siya ng tingin.

At, di pa rin mawala sa isip ko yung naging pagsagot ni Shae. Parang ang saya niya naman. Nakamove on na kaya siya? Limot na nga kaya niya ako? Paano kung wala na pa lang pag asa? Ang malas ko naman.

Siya lang ang dahilan ko sa paglaban ko sa sakit ko. Para sa kanya. Para makasama ko siya. Yun ang dahilan ko sa paglaban ko sa sakit ko. Tas, mawawala yung dahilan ko? Yung dahilan ng paghinga ko? Ang malas ko nga talaga kung ganun.

"Hoy, umayos ka nga! Mainitin ulo ni Cash ngayon. Umayos ka! Maski ako natikman ko bagsik niya. Letche insan, bumalik ako para lang matikman uli bagsik ni Chit tapos yung bagsik na para sayo, umambon ako? Ang unfair!"

"Ang reklamador mo. Tabi nga!" Sagot ko sa pagrereklamo niya. Minsan, naisip ko, pinsan ko ba talaga 'to? Ang daldal e.

Kakausapin ako ni Cash. Si Cash lang 'yun. Si Shae dapat ang paghandaan ko.

"She.." I murmured. I let all the emotions flow on my tongue. I missed calling her. I missed everything about her.

And, I'll keep missing her if I won't act right now.

**********

KAILE'S POV

"Nagalit tuloy." Reklamo ko kay Mon.

"Sayo lang. Di niya kayang magalit sakin yan." Pananabla niya sa akin. Saka niya iminwestra yung dalawa niyang daliri para ipamukhang dikit sila ni Mie.

"Bakit ka ba kasi andito kung alam mong si Iya ang sundo?" Tanong ko.

"Eh, bat ikaw?" Balik tanong niya.

"Lagi ka kasing sagabal. Di pa ko nakakaporma kay Mie, babalik na naman si Cent." Sagot ko.

Tumawa siya ng marahan. "Afraid of Cent?"

"Gago! Di naman sa ganun, mas maayos kung established ba sana ko, hehehe. Ikaw pa nga lang na kompetisyon, nahihirapan na kong makaporma, tatlo pa kaya tayo?" Bakit ko ba kwinekwento dito? Tss.

"Weh? At, saka pano mo nalaman yung kay Cent?" Tanong niya sa akin. Parang may alam itong isang ito ah.

"Bill." Sagot ko.

"Kulang ka pala sa balita. Andito na si Cent." Natatawa niyang sabi. Bakit di man lang ito kabahan? Akala mo siguradong sigurado siya sa lugar niya kay Mie ah?

"Letcheng ex ni Mie, nakabalik na pala. Pesteng buhay o." Di maawat ang bibig ko sa pagmumura.

"Dude, ex na ba ni Shamie baby loves yun?" Mahina niyang tanong saka siya tumingin sa kawalan.

"Iniwan niya, pare. Ex na yun." Sagot ko. Hindi pa ba? Ex niya na yun. Iniwan siya e.

"Wala silang formal break up. Kaya nahirapan si loves. Kailangan nun ng closure. Kung isasarado man nila yung nakaraan nila." Marahan niyang paliwanag sa akin.

"Dude, bakit di ka threatened?"

"Bakit naman sana? Im not into competition Kaile pare. Kung sino pipiliin ni Loves na tingin niyang magpapasaya sa kanya, susuportahan ko. Kung wala sainyo ni Cent ang pipiliin niya, eh di ako magpapasaya sa kanya. Magiging permanente ako sa buhay niya. At, kung sinuman ang pipiliin niya, sana hayaan kaming pasayahin pa rin ang isa't isa."

Mahal. Niya. Si. Shae.

"Ah.. Eh.."

"Pare, di ibig sabihin, martir ako kung anuman ha? Gusto ko lang sumaya si Loves, she's been through a lot. She deserves to be happy. Heheh. Ayoko na ring dumagdag sa iisipin niya."

Tumango ako. Naintindihan ko ipinupunto niya. Pero, I won't do the same.

Ipaglalaban ko yung second chance na hinihingi ko.

Pareho kami ni Cent ngayon na second chance ang hinigingi, sino kaya sa amin ang nararapat na mapagbigyan?

"Goodluck, Pre."

Tinapik ko yung balikat niya. Akma na kong sasakay sa kotse nang tawagin niya ako.

"Kaile, pare, hindi ibig sabihin na hinahayaan ko kayo ni Cent sa kompetisyon, di ibig sabihin nun, di nyo na iisipin yung presensya ko ha? Alam kong ramdam mo kung ano merun sa amin ni Shae."

Tung unu nutu!

**********

Pilya's Note: Magulo si Mon! Pero, shaks! Gusto ko ng ganyan. Lol. Di niya ko hahayang malungkot at magpaparaya siya para sa mas ikakasisiya ko. May ganyan pa ba? Hahahahahaha.

Anyway, anong team kayo? Lemme know what you think guys! Lhabyue! My classes starts on Monday pala. Huhubels. Please bear with me. Thanks!

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon