Quarter 7: The Stalker(s)

1.5K 14 6
                                    

Dedicated sa kanya. Sa buong wattpad life ko, I mean, sa loob ng isang taon ko nang pagsusulat dito, ngayon lang may nagsulat ng story na inspired sa Just A Rebound. Na inspire ko raw siya. Hehehehe. Kinikilig lang ako. Akalain mo ‘yun. Thank you. Lovelots!

07

CENT

Kumusta ba ang buhay? Ayun. Hindi ko alam. Paano ba naman, yung buhay ko, halos magtatatlong araw na atang walang kahit na anong aktibidades sa facebook. Parang gusto ko na tuloy lumipad pabalik sa kanya.

Hindi ko lang ilang beses na naisip ‘yan. Kaso, ano bang magagawa ko? Iniwan ko e. Dapat maghirap ako, dapat masaktan ako sa desisyong ginawa ko.

“Pare, may pinost si Shey.” Sabi ni Bill sa akin. Nabuhayan naman ang loob ko. Bwiset. Kung di ko siya iniwan, hindi naman ako magiging stalker, hindi ba?

“Ano?” Tanong ko. Andun pa rin yung interes ko kay Shey. Hindi na iyon mawawala. Siya ‘yon e. Bumangon ako mula sa pagkakahiga para makasilip sa laptop ni Bill. At, nakita ko.

Sunod sunod ang lunok ko. Ito naman ang gusto kong mangyari, ang makapag move on si Shey. Pero, bakit nakakagago? Wala daw akong sakit sa puso pero pakiramdam ko meron, habang tinitignan ko ang ngiti ni Shey habang nakaakbay sa kanya si Mon.

Si Mon na groom ni Shey dati sa isang modelling stunt. Close na pala sila. Nasa rebound ba siya? Sa pagkakita ko pa lang sa kanila parang gusto ko ng bumalik ng Pilipinas at kunin ang marapat na sa akin dapat.

Pero, naging makasarili ako. Iniwan ko siya sa ere. Alam kong kapag bumalik ako, kailangan kong ibigay sa kanya lahat ng explanation na hihingin niya tungkol sa pag alis ko. Handa ba akong sabihin sa kanya ang lahat?

“Insan, parang nag oout of town sila.” Tinignan ni Bill ang buong album. “Silang dalawa lang ‘tol.” Sabi niya.

“Hayaan mo na Pare. Ito ang ginusto ko. Dapat kong panindigan.” Sabi ko na lang saka ako bumalik sa pagkahiga ko at nagmukmok.

Nakatalikod na ako sa kanya nang marinig ko ang pagmumura niya. “Shit! Tang*na. Letse naman o. Pare, napanuod mo yung One More Chance? Hindi pa tapos yung tatlong buwan ko a.”

Tinignan ko siya. Pati na yung laptop niya. Napangiti ako ng mapait. Hindi lang pala ako ang parang bading na nasasaktan ngayon. Magpinsan ngakami, halos pareho ng kapalaran.

Iya Tan is in a relationship with Jeuro Lim.

 

Mas masahol pa pala ang sa kanya.

“Sino ba ‘tong gago na ‘to? Nakakagago a.” Sabi niya.

“Insan, parang matagal na silang magkakilala o.” Sabi ko. Clinick nito angg see friendhip. At, dun nga, nakita namin ang lahat. Parang aso pala ni Chit yung gago e. Kasama niya sa lahat.

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon