13th Quarter: Selfless Love

1K 14 2
                                    

CASH’s POV

 

Ako naman makakasagot ng katanungan ng lahat e. Sasagutin ko kayo.. sa taman panahon.

At, dahil sa mga nangyayari ngayon, sa tingin ko.. ngayon na ‘yun.

Ang usapan namin ni Cent, magkasama naming sasabihin sa mga kaibigan namin lahat lahat. Pero, tae, ang tagal niyang makabalik. Nagpapagaling pa ba ‘yun dun o nagpapasarap na kay Yen? Alam kong mahal niya yung utol ko, pero, di mawala sa isip ko yun, lalaki siya, man! Lalaki!

 

“Yes.. Yes, I am.” Sagot ko kay Kate nung tanungin niya ako kung mahal ko si Shae. Mahal ko naman talaga. But, not that LOVE. Binabantayan ko lang siya para iparamdam sa kanyang di nawala si Cent.

That explains the notes coming from C.

It’s from Cent.

Nang makita ko yung sakit sa mukha ni Kate, nagising ako. Gulo ito ni Cent, siya ang aayos. Bumalik siya kung babalik siya. Ayoko na!

Niloloko ko ang kapatid ko.

Niloloko ko ang sarili ko.

Niloloko ko si Kate, ang babaeng mahal ko.

Pero, totoong di kami magkapatid ni Shae. Sadyang maganda lang talaga ang genes ko at genes niya kaya nagmukha kaming magkapatid.

 

A year ago..

 

 

“Dude, I have a favor to ask.” Salubong kaagad ni Cent sa akin nang magkita kami.

 

 

“Ano ‘yun?” Tanong ko naman sabay tungga ko sa mineral water ko.

 

 

“I need to leave the country.” Nakatitig sa kawalan niyang sagot.

 

 

“So?”

 

 

“I need to leave your sister. Ayokong matali siya sa akin. Ayokong hintayin niya ako. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako, man.” Mahina pero mariin niyang sabi.

 

 

“What’s happenning man?” Tanong kong naguguluhan. Nagagalit. Bakit kailangan niyang magpaalam sakin na iiwan niya utol ko? Nakatitig na lang ako sa kanya, nag-aantay ng kasagutan.

Fade Away (Just A Rebound 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon