CHAPTER 8: JEALOUSY, JEALOUSY

1.8K 71 42
                                    


"Ay! ako na ho, riyan!" sabi ko sabay lapit kay Lola Cory at kinuha sakanya ang hawak na mga plato galing sa tote bag.




Magsisimula na muna kami kumain bago maligo. Gutom na ang magpipinsan e.



"Hay, salamat iha. Pakilagay na lang 'yan dito." She guided me to the table.



I put it there. Inayos ko na rin ang mga utensils. Tumabi sakin si Lola Cory para ayusin ang mga nakahandang pagkain. Sari sari. Fruit salad, barbecue, longganisa, fried chicken tapos buko juice. May rice rin syempre. Bigla tuloy ako nagutom.



"Taga manila ka diba?" bigla tanong sakin ni Lola Cory habang pinagmasdan ako.



I nodded."Yes, po. Bakit po?"






She smiled bitterly and sighed."Naalala ko lang ang apo ko na nasa Manila. Paniguradong malaki na rin 'yun katulad mo."






"Hala, talaga po? hindi niyo na po ba nakikita?" I was curious.




Umupo siya sa stool at sumingap sabay tingin sa malayo. Sa dalampasigan. I saw how her eyes melted, maybe missing her apo?



"Matagal na rin...bata pa ang apo ko simula ng dalhin siya ni Mariah sa manila. Siguradong mag ko-kolehiyo na rin 'yon."



Napasinghap ako at hinila ang isang stool sa tabi niya at umupo dun. I gently rubbed her hand who's on the table.



"Panigurado pong miss ka na rin niya. Maybe not now but soon you'll see her. And I can't wait rin po na makilala siya...what's her name po?" magalang kong sabi.



Bumaling siya sakin at ngumiti."Skye...."



Ow, nice name.



"Skye??" Maurice suddenly interrupted while sipping on her buko juice.



Tumabi siya kay Lola Cory at inayos ang hibla ng buhok nito. Napansin ko siya ang pinaka close kay Lola Cory and it's cute seeing how cold she is but when it comes to Lola she's being a puppy. Bakit kaya ganito siya kay Lola. Hindi siya ganito kay Tita Eliz e.



"Oo. Yung palagi ko sa'yo kine-kwento apo ko. Naku! paniguradong magkakasundo kayo nun." masayang sabi ni Lola kay Maurice.



Maurice just sighed and nodded."Don't want to see her. I'll just get jealous. She's your real apo and I'm just–ouch!"

Chasing The Wild (Del Galiego Series #2 || ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon