Kathryn's POV
"Uy DJ!"bati ko sa kanya tapos umupo ko sa tabi nila ni Kuya Khalil, Kasama ko si Julia Bestfriend ko.
"Uy anong ginagawa niyo dito?"tanong niya ako naman natulala... Ano nga ba?
"Uhm Ano kasi eh... Ah.. Kuya may pera ka?"wala sa loob kong sabi.
"Bente na lang."
"Uhm Pwede na yan mag-sosoftdrinks lang kami ni Julia."sabi ko tapos eto namang katabi ko natutulala din.. kaya siniko ko.
"Ahh Oo nga eh bilis bigay mo na yung bente."sabi ni Julia kaya natatawa din ako.
"Tss.. Oh utang yan ah.."sabay abot sa akin nang bente.
"Tanga kasi eh supporter lang tapos na-baog ako tange kasi eh hindi nag-mana."dota na naman..
"Edi sana si Pain na lang ginamit mo tanga kasi eh hina kaya ni Mirana o kaya si TerrorBlade para malakas."rinig kong sabi ni DJ at umalis na kami ni Julia at bumili nang Softdrinks.
"Cute ni DJ noh? Tss.. Sayang wala si Quen Crossfire ang alam nun eh hindi Dota Haha."tawa ni Julia, Oo Gusto niya si Quen pero crush niya din si DJ na crush ko pero secret lang ha may girlfriend yun eh si Bea pero friend ko sa FB.. in-add ko kasi eh.
After namin bumili nang softdrinks bumalik kami dun sa pwesto nila Kuya kaso dun kami sa Sidecar sila naman dun nakatambay sa tapat ng sidecar..
"Sana kasama nila si Quen no? Loner masyado eh di naman ganun dati."malungkot na sabi ni Julia kaya binatukan ko..
"Ewan ko sa'yo.."magsasalita na sana ko nang umupo sila DJ at Kuya Khalil sa Sidecar kung na saan kami... Si Kuya nasa labas si DJ naman eh naka-upo dun sa may lapag nung sidecar kami kasi naka-upo ni Julia sa upuan..
"Nag-sosolo yung dalawa oh Camel."tawag ni DJ kay Julia.. Iyon kasi ang asar niya kay Julia eh.
"Hahaha Camel nga!"aaminin ko nagseselos ako.. Si Julia napapansin ako hindi.
"Nga pala kamusta na kayo ni Bea?"umpisa ko.
"Wala na kami."masayang sabi ni DJ.. Nabuhayan ang malandi kong kaluluwa.
"Pero may bago kong girlfriend."taragis! Okay na eh! Okay na!
"Ano pangalan?"
"Julia Barretto, Oy Hindi itong Camel na ito ah kinilig ka naman diyaan!"sabi ni DJ.
"May sinabi ba ko? Saka kapal mo DJ may iba kaya akong Crush."sabi ni Julia na naka-pout.
"Hahaha si Quen di ba?"sabi ni Kuya Khalil kaya tinadyakan siya ni Julia.
"Ewan ko sa inyo!"sigaw ni Julia tapos sumiksik sa akin.
"Haha Quen ka pala ah."asar ni DJ sa kanya..
>=/ nakakasar buti pa si Julia napapansin ako na matagal nang kasama naka-NGANGA...
"Eh ikaw Kath sino Crush mo?"tanong ni DJ... Kaya natulala ako saglit teka sino ba?
"Secret."di ko alam kung sino eh..
"Siguro ako Crush mo no?"tanong niya.
"Oy Kapal nito hindi kaya."
"Gwapo kaya ako kaya sino Ako ba?"
"Kapal nito kaya lumalaki ulo mo eh."
"Sino nga?"
"Si Kit."wala sa loob kong sabi tapos tinignan naman ako ni Kuya.
"Yung mayabang na yun Crush mo pa din? Tss.."asar kasi si Kuya dun eh mayabang daw.
"Uy DJ wag mo nga kong tiganan nakaka-ilang kaya!"sigaw ni Julia.
"Whahaha minamanyak ka ni DJ Julz."sabi ko pero yung totoo masakit eh.
"Teka ngayon ko lang napansin yung buhok mo.. Ang ganda parehaso kayo ni Kuya Kris."saka ko hinawakan yung buhok niya natatawa ako hahaha...
"Tss.. Ginugulo mo naman buhok ko eh.. Wag nga!"sigaw ni DJ pero hinawakan ko pa din kaya wala siyang nagawa.. tinigilan ko din.
"Tara na nga Julia masikip na dito eh."sabi ko.
"Oo nga nakakailang tumingin si DJ eh parang manyak."sabi naman ni Julia sa akin kaya umalis na kami..
Pagdating sa bahay eh agad kong binuksan yung laptop ko para tignan si Julia Barretto habang si Julia naman eh kasama ko at gamit ang Computer ni Kuya Kris at ka-chat si Quen.
Hinanap ko siya sa friendlist ni DJ at ayun nakita ko Julia Barretto, Maganda siya.. Maputi hindi katulad ni Bea na medyo singkit bigla ako na-insecure hindi tulad nung naramdaman ko nung naging si Bea at DJ iba yung ngayon masakit...
"Uy Kath.. Bakit ka umiiyak?"tanong ni Julia..
"Julz ang ganda ni Julia Barretto naiiyak ako sa sobrang ganda niya."sabi ko at humagulgol.... Di ko na Carry..____________________________________
PinakaSabaw na UD na Trying Hard
~Cynthia

BINABASA MO ANG
Collections
FanfictionI choose who? Joaquin Manan(?) synopsis: Apat na Joaquin ang gumagambala sa buhay ng isang Chichay Tampepe. Sino sa apat ang pipiliin niya? Si Joaquin Manankusina? Joaquin Mananbanyo? Joaquin Manankwarto o Joaquin Manansala? Collections of (Lame) Sh...