Perstaym!

258 4 1
                                    

Nagkakanda-ugaga si Julia Barretto sa paghahanap ng bareta na ipanlalaba niya. Perstaym ng Sosyal maglaba! Day Off kasi ni Inday, Nag-malling ang gaga.

"Ugh! Na saan na ba kasi yung laundry soap! It's so ka-bwisit na!"conyong sabi ng dalaga, Perstaym nga kasing maglaba. Bakit kailangan maglaba? Kailangan niya ang isang damit para sa isang Blind date na sinet-up ng kaibigang si Mara Montes sa isang kakilala. Sa kanilang magkakaibigan, Siya na lang ang walang lablayp. Kung si Bigel ng PBB ang Boy perstaym.. Sa ating maikling kwento, si Julia ang Girl Perstaym.

"Ano ba kasing hinahanap mo?"sita ni Kathryn sa kanya, Ang babaeng may sekretong boypren. Hindi alam ng lahat kung sino ang kanyang boypren masyadong malihim si babae. Take note! Hindi niya perstaym!

"Oh my gosh! Nandyan ka pala! You scared me to death you are so nakakaloka! But can you help me to find the sabong panlaba?"conyong sabi ulit ng dalaga na nahawa kay Janella dahil sa ginampanan nitong play na Be Careful with my Ampalaya.

"Sabi kasi ni Mara samahan daw kita dahil baka maligaw ka sa Date mo, Kilala mo na?"tanong ni Kathryn habang busy sa paghahanap ng sabong panlaba ni Julia.

"Oh i found it na!"sabi ni Julia sabay buhos ng Powder sa Automatic Washing Machine, Sosyal eh. After ng ilang oras natapos din ang mala-One, Two, Three na pag-aayos ni Julia para sa kanyang Blind Date. Excited siya dahil ito ay kanyang Perstaym!

Sabay silang naglakad ni Kathryn papunta sa restaurant since malapit lang naman ito habang naglalakad ay nagkwe-kwentuhan ang dalawa about sa ka-blind date ni Julia. Matangkad, Moreno, Matangos ang ilong at naka-Color Blue na polo daw ito. Nag-alangan naman si Kathryn parang feature ng kanyang.. No comment masyado siyang malihim.


Pagpasok ng Restaurant ay na-padpad agad ang mata nila Julia at Kathryn sa lalaking tanging naka-polo na blue sa loob niyoon, Take note nasa gitna pa talaga para center of attraction.

"So it's you!"sabi ni Julia sa lalaking napatayo dahil sa gulat, Napatayo ito hindi dahil sa na-spot niya si Julia kungdi sa katabi nitong babae. Habang si Julia naman ay na-tulala sa lalaki dahil sa kagwapuhang taglay nito. Crush niya na ito! At wala pang isang minuto mahal na niya ito ang umangal bibigwasan ng otor. Perstaym niyang ma-inlab!

"D-DJ.."nauutal na sabi ni Kathryn habang nakatingin sa lalaking nakatayo at nakatingin din sa kanya, Hindi siya makapaniwala na nagawang makipag-date ng kanyang boypren.. Opps.. Nadulas ang may akda! PATAY!


Pero past is past, Balik sa kwento!

"Kilala niyo ang isa't-isa?"tanong ni Julia sa dalawang magkatitigan habang ang kanyang mukha ay may halong pagtataka.

"She's my girlfriend" "He's my boyfriend." sabay na sabi ng dalawa at napahawak naman ng sa bibig si Julia, Pakiramdam niya ay isa siyang kontrabida. *insert medyo ma-emong song here*

Labis siyang nasaktan dahil ang kanyang unang mahal ay boyfriend ng kanyang bestfriend dahil sa sobrang sakit (medyo exag na yan!) ay tumakbo siya with matching naiwan ang isang sapatos para mala-cinderella at ma-drama!


Sa kasamaang palad ang sapatos na naiwan ni Julia ay nakaharang sa daan kaya naman may natapilok na lalaki ayun, Palanggak sa floor. Agad naman siyang tumayo at tinignan ang sapatos habang nakatingin sa babaeng tumatakbo at walang saplot ang isang paa nito. Alam na kung sino ang salarin!

Dagli niyang hinabol ang may sala na umiiyak dahil Perstaym masaktan.. Tulad ng mga cliche na setting ng may akda sa kanyang mga istorya ay huminto siya sa may Park at um- (CUT sabi niyo cliche na ang setting ko? Para maiba! Perstaym from yourstruly! eksdi) Take two!

Huminto si Julia sa may Beach at umupo sa malaking bato malapit sa dalampasigan. (Wag na kayong mag-reklamo kung bakit may beach at saan galing yan basta isipin niyo na lang Ham yan!) Doon siya umiyak at ma-broken hearted.. Perstaym! Umupo ang lalaking nabiktima ng kanyang sapatos sa tabi niya at binigyan siya ng panyo, Tinignan niya iyon.. Perstaym may nag-komport sa kanya sa panahon ng kanyang kadugyutan este kalungkutan.

"Thank you."sabi ni Julia sabay kuha ng panyo at pinahiran ang luha sabay singot kaso hindi kinaya kaya singha sa panyo. Na-cutan naman ang lalaki kay Julia. I-aabot pa sana ni Julia ang panyo sa lalaki ng magsalita ito..

"No. Sa iyo na yan, Mas kailangan mo yan."sabi ng lalaki kay Julia at ngumiti naman si Julia dahil may taong nag-cocomfort sa kanya.

"Julia nga pala, Julia Barretto. Salamat sa panyo."sabi ni Julia sa lalaki at ngumiti labas dimples para maganda.

"Khalil Ramos walang anuman."sabi naman ng lalaki na nag-ngangalang Khalil, Ngumiti din ito labas dimples.. Aba Meant to be pala ang dalawa!

-END

____________________

Kayo na bahala gumawa ng Ending Perstaym ko gumawa ng JuLil eh Haha XD

~Cynthia

CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon