Sapo sapo ko ang noo ko habang nakatingin sa apat na Joaquin na biglang sumulpot sa buhay ko. Nag-salit ang tingin ko sa kanila na nakatitig lang sa akin. Napalunok ako ng laway ko.
"Chichay piliin mo ako dahil pinapangako ko sa'yo na bubusugin kita ng pagmamahal."sabi ni Joaquin Manankusina. Kikiligin na sana ako kung hindi lang umentra ang isang pang Joaquin.
"Chichay ako ang piliin mo dahil malinis ang intensyon ko sa'yo."sabi ni Joaquin Mananbanyo. Muli akong napalunok ng laway.
"Hindi Chichay! Ako ang piliin mo, Ipinapangako ko sa'yo magiging masaya ka sa akin."sabi naman ni Joaquin Manankwarto kaya naman napasinghap na ako.
Sobra-sobra na akong naguguluhan!
"Chichay eto lang ang masasabi ko.."paninimula ni Joaquin Manansala na sa umpisa palang crush na crush ko na bago pa dumating ang tatlo pang Joaquin.
Actually aksidente lang naman ang lahat! Hindi ko sinasadyang makilala ang tatlo pang Joaquin sa buhay ko. Paano?
Mag-balik tanaw tayo..
Nasa mall kami ng kaibigan ko nang ma-spot-an nila si Joaquin Manansala, Ang Ultimate Heartrob sa University namin na nanghahatak ng panty sa sobrang kagwapuhan. Yung titig palang niya nakakalaglag panty na at maiihi ka na lang kapag ngumiti na siya pero ang mas malala pa 'dun kapag nag-lipbite na siya.. Naku po juicecolored! Mahihimatay ka at sasabog na lang ang obaryo mo sa sobrang HOT niya! Caps lock para sobrang intense!
"Di ba si Joaquin 'yun? Siya lang mag-isa?"sabi ng eksaherada kong kaibigan kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Hindi si Joaquin 'yan kamukha lang niya."pagsusungit ko at tumaas din ang kilay ng kaibigan ko, Hanggang anit ng kanyang noo.
"Si Joaquin 'yun! Palibhasa kasi hindi mo siya gusto kaya hindi mo alam kung ano itsura niya."sabi niya sa akin kaya naman ngumiwi ako. Hindi ko naman talaga kasi gusto si Joaquin.. My Ghad! Ultimate Crush nga eh tonta!
"Hindi nga sabi eh, Eto tatawagin ko ah."hamon ko at sumigaw ng..
"ULTIMATE CRUSH KITA! JOAQUIN MANAN-Aray!"nadulas kasi ako.
After 'nung nangyari, Sumulpot na lang sila bigla sa harapan ko at ngayon naguguluhan na ako dahil pare-pareho silang gwapo at nakakalaglag panty.
"Ano 'yun Joaquin?"tanong ko kay Joaquin Manansala na may sasabihin pero naudlot dahil sa aking Ultimate throwback flashback!
"Pumikit ka."sabi niya at pumikit naman ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko.
"Ngayon anong nakikita mo?"rinig kong bulong niya kaya naman ngumiti ako.
Alam ko na sasabihin niya! "Ganyan ang mundo ko kapag wala ka." My ghad! Naiihi ako sa kilig!
"Madilim."sagot ko at narinig ko siyang natawa.
"Ngayon dumilat ka na kasi nananaginip ka lang."pagkasabi niya 'nun napadilat nga ako at..
"Miss Tampepe! Bakit ka natutulog sa klase ko?"sigaw ng terror teacher kaya naman napa-upo ako ng maayos.
"At ang lakas pa ng loob mong mag-daydream kay Manansala.. Tsk."sabi pa nito kaya naman nanlaki ang mata ko at napatingin kay Joaquin Manansala na nakangisi lang.
Ghad! Nakakahiya ka Chichay Tampipi!

BINABASA MO ANG
Collections
FanfictionI choose who? Joaquin Manan(?) synopsis: Apat na Joaquin ang gumagambala sa buhay ng isang Chichay Tampepe. Sino sa apat ang pipiliin niya? Si Joaquin Manankusina? Joaquin Mananbanyo? Joaquin Manankwarto o Joaquin Manansala? Collections of (Lame) Sh...