Ointment Love Story

393 7 2
                                    

"Kath paki-abot naman ng pen sa gilid."sabi ni Daniel kaya naman kinuha ko ang pen at inabot sa kanya sabay balik ng focus ko sa ginagawa ko.


Si Daniel Padilla, Ang ka-officemate slash deskmate slash friend ko na Crush na Crush ko dahil sa kanyang katangian. Hindi mapayat at hindi mataba si Daniel, Tama lang ang pangangatawan nito. Ang kanyang mga mata na medyo malaki pero kapag tinignan mo ito ma-hyhypnotize ka, Ang ilong niyang kasing tangos ng ilong ni Pinocchio pero hindi siya sinungaling at ang kanyang labi na mapupula dahil hindi naman siya naninigarilyo.

Mabait din si Daniel, Mapagbigay at Gentleman siya kaso may isang bagay na nakaka-turn off sa kanya sa point of view ko. Ano iyon? Tuwing sumasakit ang bahagi ng katawan niya tulad ng likod, ulo, braso o kamay niya dahil sa pangangawit sa pagtype ng reports namin nagpapahid siya ng Ointment na Katinko ang brand.

Ayoko ng amoy ng Katinko hindi dahil amoy matandang intsik ang amoy nito, Kungdi tuwing nakakaamoy ako ng Katinko sumisikip ang dibdib ko at napupunta iyon sa tiyan ko hanggang sa magkakaroon ako ng feeling ng pagtatae.



"Kath okay ka lang?"sita ni Ms. Barretto sa akin, Ang Manager namin. Tumango na lang ako dahil kani-kanina lang ay nagpahid na naman si Daniel ng Katinko. Ang Ka-Officemate namin walang paki sa amoy nang kanyang Katinko pero ako meron. May aircon pero namamawis ako dahil sa sakit ng tiyan ko, Gusto kong tumae.



"Masakit ba tiyan mo?"tanong ni Daniel dahil napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang kirot at sakit ng tiyan ko.



"Hindi okay lang ako."sabi ko at napakagat-labi dahil sa sakit ng tiyan ko at ang salarin? Ang kanyang Kantiko.



"Gusto mo ng Katinko?"alok niya. Gusto ko siyang samaan ng tingin dahil inaalok niya ako ng Ointment na dahilan ng pagkasakit ng tiyan ko.



"Ayoko."pagtatanggi ko dahil tinapat pa niya sa mukha ko ang katinko take note naka-bukas pa ito kaya lalong sumikip ang dibdib ko. Tumayo ako at tumakbo palabas sa Office namin dahil amoy na amoy ang Katinko sa buong kwarto.





==========
==========


Christmas Party namin. Nagulat ako ng abutan ako ni Daniel ng isang maliit na box dahil sa Crush na Crush ko siya agad kong binuksan ang regalo niya napansin ko pang natatawa siya sa daglian kong pagbukas ng regalo niya.


Pero nagbago ang istura ko ng makita ko ang box.. Box ng Katinko ang ibinigay niya sa akin. Sumama ang timpla ng itsura ko napatingin ako kay Daniel.



"Ayaw mo ba?"tanong niya sa akin gusto kong ihampas sa kanya ang regalo niya. Nang-iinsulto pa siya? Gusto niya bang magka-LBM ako ng tuluyan?



"Katinko? Bakit ni-regalo mo sa akin Katinko?"nagtatakang tanong ko sa kanya, Umiwas siya ng tingin. Pinagtitripan niya ata ako.



"Ano kasi.."sabi niya habang hindi pa rin nakatingin sa akin. Tumaas naman ang kilay ko.



"Kasi?"tanong ko tapos tumingin siya sa akin.



"Kasi napapansin kong madalas sumakit ang tiyan mo kaya ni-regaluhan kita niyaan."sabi niya at nagpacute pa! Oo na-cucutan ako pero hindi ibig sabihin okay na.



"Alam mo ba kung bakit sumasakit ang tiyan ko? Dahil iyan sa amoy ng katinko mo sumasakit ang tiyan ko."sabi ko sa kanya, Nagulat naman siya sa sinabi ko dahil lumaki ang mata niya.



"H-Ha? Dahil sa Katinko ko sumasakit ang tiyan mo?"ulit niya sa sinabi ko, Nahihiya naman akong natango sa kanya sabay napayuko.



"Sayang gusto pa naman kita kaso sumasakit pala tiyan mo sa katinko, Anong gagawin ko eto nagtatanggal ng sakit ng katawan ko."sabi ni Daniel sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Biglaan naman ang confession niya!



"H-Ha? A-Ano.."pati pala siya nagulat sa sinabi niya.



"Kapag naging tayo huwag ka ng magkatinko, Hihilutin ko na lang ang masakit sa iyo."sabi ko at nanlaki din ang mata ko di ko kasi alam na masasabi ko iyon.



"Ok sige. Simula ngayon tayo na."sabi niya at naglakad palayo na namumula, Kaya naman nag-init ang pisngi ko.

CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon