Trip ko lang ito dahil lugaw ang agahan ko kanina malamig din kasi kaya lugaw ang kinain XD
Ayan na ang malamig na hangin tag-ulan na naman! Pero on the second thought baka nag-fefeeling tag-ulan lang ang panahon ngayon -_-_______________________________________
"Hoy Kathryn! Unahin mo nga muna yung Costumer sa labas bago ka makipag-telebabad diyaan kay Julia!"sigaw ng Tiyahin ni Kathryn na si Vice.
"Teka Julia nautusan ako ni Tita dito sa lugawan."sabi ni Kath at binaba ang phone. Bastusan ang peg nila ngayon ni Julia XD
"Ano yun?"sabi ni Kathryn sa lalaking costumer. Malakas ang ulan at malamig ang hangin perfect kumain ng mainit na mainit na lugaw hanggang mapaso ang iyong lalamunan.
"Tindahan ba ito ng ano?"sabi ng lalaki na parang mamimilosopo.
"Marunong kang magbasa? Ayan basahin mo! GOTO hell oh di ba gotohan."sabi ni Kathryn at dinuro duro pa yung Tarp nila na may nakalagay na:
(Font 65) GOTO hell (may design pa nang bowl ng goto na nakapatong sa ulap at may apoy sa gilid)
(Font 25) Mala-impyerno sa init at Mala-langit sa sarap. Nasa GOTO hell lang yan."Tss Plain Lugaw may itlog at tokwa."sabi ng lalaki nang mabasa ang Tarp. Anong klaseng gotohan ito GOTO hell sa isip isip ng binata.
Kumuha si Kathryn ng bowl at naglagay ng lugaw at naglagay ng boiled egg at naghiwa ng tokwa. May Plastik naman ang kamay niya kaya medyo malinis pinangkamot niya kasi ng likod niya kanina. LOL
"Oh Trenta lang."sabi ni Kathryn at inabot ng lalaki ang trenta pesos niya.
"Kathryn! Sagutin mo yung telepono kanina pa ring ng ring!"sigaw ng tiyahin niyang parang witch na naghahalo ng potion sa caudler kaso yung tiyahin niya lugaw ang hinahalo.
Sinagot ni Kath at guess what si Julia.
"Hoy Babaita binabaan mo ko ng telepono!"sigaw ni Julia sa kabilang linya.
"Nandito nga ako sa lugawan punta ka dito bilis."sabi ni Kath sa bestfriend at binabaan ulit si Julia ng telepono.
"Miss tokwa pa."sabi ng lalaki kay Kathryn at nag-hiwa si Kath ng tokwa at inabot sa lalaki.
"Sampung piso yan."sabi ni Kath at inabutan siya ng lalaki ng bente.
"Saka Pepsi."dagdag nito.
"Kulang ka ng dos."sabi ni Kath. Dose ang pepsi yung blue XD
"Ganun ba? Wala na kong barya eh ganito na lang."sabi ng lalaki at tumayo at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Ayan okay na yan."sabi nito. Gwapo naman kaya pinagbigyan na ni Kathryn.
Kumuha siya ng pepsi at inabot sa lalaki.
"Daniel nga pala, Daniel Padilla."pakilala ng lalaki.
"Kathryn, Kathryn Bernardo."pakilala ni Kath sa lalaki na ang pangalan ay Daniel.
At diyaan nag-umpisa ang Love Story nila. Naging sila after 3 Months at nagpakasal after One year at ngayon sila nagpapatakbo ng GOTO hell. Si Vice? Ayun naghahalo pa rin ng lugaw at si Julia eh hindi pa nakakarating sa gotohan dahil nasa linya pa rin ng telepono XD
________________________________________
Ayan na naman ang nakakabaliw kong One Shot XD
~Cynthia

BINABASA MO ANG
Collections
Fiksyen PeminatI choose who? Joaquin Manan(?) synopsis: Apat na Joaquin ang gumagambala sa buhay ng isang Chichay Tampepe. Sino sa apat ang pipiliin niya? Si Joaquin Manankusina? Joaquin Mananbanyo? Joaquin Manankwarto o Joaquin Manansala? Collections of (Lame) Sh...