Chapter 3

253 4 0
                                    


[Kyla POV]

Nasa kalagitnaan na ako ng aking panaginip ng biglang tumunog ang alarm clock ko--paníra naman mag k-kíss nasa na kami nung pogí..I mean ah nvm.

Nakadápa kong pinatay ang Alarm Clock na sumira sa panaginip ko---

"Mm..Teka!S-sandali!Anong Oras na!?"Sigaw ko atsaka tinignan ang Wall clock namin..

"Hala!!alas otso na!"Sígaw ko pang muli atsaka tumayo sabay kuha ng tuwalya at pasok sa Cr

9:00 am. kasi ang mga bus na maaring sakyan papuntang maynila,kaya kung malate man ako ewan ko nalang..

Hindi na ako nagtagal maligo gaanon naman talaga ako skl

Nagbihis ako ng pormal at nagsuklay naglagay ng kaunting liptint at pulbo,Ayos,ang ganda ko talaga

Dumiretso ako sa kusina,sakto namang nakita ko si Inay na nagluluto

"Inay"Tawag ko na ikinalingon niya sa gawi ko..

"Anak,Mabuti naman at gising kana,oh sya *cough* halika rito at kumain kana nang makaalis kana.."pilit ngiting saad nito kaya lumapit ako sa kanya

"Inay,Ayos kalang po ba?Mukha po kasi kayong malungkot"malambing kong saad kaya napayuko siya.

"Ayos naman ako *cough*anak,Mamimiss lang kasi kita, Syempre baka mamaya hindi mabait ang maging amo mo o kaya naman *cough*boss mo,Basta mag iingat ka doon palagi ha"Sagot nito kaya napangiti ako

"Nay,Hindi mo na po ako kailangan paalahanan,palagi naman po akong nag iingat"Nakangiti kong saad

"hm..sabi *cough* mo yan ha,Dapat pag bumalik ka dito wala kang mga súgát o galos manlang aj"Seryoso sa boses na saad nito kaya napangiti ako ng sagad

"Oo naman po nay,Pangako mag iingat ako palagi"nakangiti kong saad habang nakataas pa ang kanang kamay

"Oh sya kumain na tayo tama *cough* na ang drama nato,Paki tawag nadin ang dalawa mong kapatid"Saad niya kaya tumungo ako sa kwarto nung dalawa..

Pagpasok ko nakita ko silang natutulog pa at halatang pagod,Mukhang tinapos nanaman nila ang Assignments nila..Halata rin sa mukha nila ang puyat

"Hayys Kyle,Kaden gising na kakain na"Tinapik tapik ko ng mahina ang mukha nila mukhang effective naman dahil dumilat na sila

"Hm..bakit po ate?"Inaantok na tanong ng bunso kung kapatid

"Bumangon na kayo diyan kakain na tayo"mahinahon kong saad at nauna ng lumakad ramdam ko naman ang pagsunod nila

"Magandang umaga po inay!"Magkasabay na bati ng dalawa kong kapatid napangiti naman si inay

"Magandang umaga din *cough*"Sabi naman ni inay

"Oh sya magdasal na tayo ng makakain na tayo baka malate pa ang ate niyo"Dugtong pa ni inay

"Sige po"

kaya nagdasal na kami

"Mahal naming panginoon maraming salamat po sa ngayong ibinigay mong biyaya sa amin, Maraming salamat din po dahil ligtas kami sa araw araw..Amen"Pagdarasal namin..

nagsimula na kaming kumain pagkatapos magdasal..

"Ate matanong ko lang po bakit hindi ka pa po umaalis?,Malapit na pong mag alas nuwebe,baka maiwan kapo ng bus"Tanong ng bunso kong kapatid

"Kaya pa naman siguro, 8:14 palang naman eh"sagot ko marami pa naman din kasing oras nagmamadali lang ako kanina dahil narin siguro sa lumutang ang utak ko.

Tumango siya.

Binalik ko ang tingin ko sa pagkain at saka ito sinubo

FAST FORWARD

Naging Asawa ko ang isang sikat na Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon