Continuation...
"Gusto ko kasi kayong isama"Mrs. Sonia
Napakunot naman ang noo ko ganun rin si Sir
"Where?"Maikling tanong ng boss ko.
"Sa bahay ng tinitirahan kung saan nandoon ang kumuha sa anak ko,Malamang rin ay andoon ang anak ko kaya ano pang hinihintay niyo?Umalis na tayo.."Nakangiting saad niya halata rin sa mukha niya ang pag kaexcite
"Okay Tita, Let's go"Nauna ng tumayo si Sir kaya tumayo narin ako ganun din si Mrs. Sonia
__________
Halos kalahating oras na ang lumipas at nagtataka ako dahil pamilyar sa akin ang lugar na dinadaanan namin.
Parang probinsya kasi namin to.
Ahh nevermind gutom lang siguro ako kaya kung ano anong nakikita ko..
"Ahm malapit na po ba tayo?"Nahihiya kong saad
'Goshh ang daldal ko na ba?'
"Yes,Hm..why?May problema ba?"Si Mrs. Sonia ang sumagot agad agad naman akong umiling para itagong may problema talaga
At yung problemang yon ay gutom na gutom na ako..
Hayst. Hindi manlang kasi ako pinakain ng mókong kung boss bago kami umalis.
Natuon ang atensyon ko sa mga bukid na nakikita ko sa tabing kalsada..
Pamilyar talaga..Ito rin ang nadaanan ko bago ako lumuwas
H-hindi kaya?malapit lang ang bahay nun saamin?Kung ganon ede ayos!Makakabisita ako kila inay
Napangiti ako sa mga iniisip ko pero sana nga.....Para makumusta at mayakap ko naman sila.
__________
"Wake up..Ms. Kyla"Napataas ang kilay ko sabay ng pagbukas ng mga mata ko ng may maramdamang dumadamping palad sa pisngi ko.
Nakatulog na naman pala ako.
Grabe naman.
Umayos na ako at nag unat unat muna sobrang ngawit ng leeg ko ngayon,hindi kasi ako sanay na walang unan,Tuwing natutulog
"N-nandito na po ba tayo?"Tanong ko
Napatakip ako sa bibig ko ng humikab ako
"Yeah,Mauuna na ako,Diyan lang naman"Saad niya kaya tumango nalang ako bilang pag sang ayon
Bumaba na ako at habang naglalakad ay naalala ko yung Shoulder bag ko...Lahh naiwan ko sa loob ng kotse!!
Napatapik ako sa noo ko dahil sa kát*ngahan ko..pati ba naman yon
'Wala akong nagawa kundi bumalik ulit sa kotse at kunin ulit yon'
Pagkatapos kong kunin ay dumiretso ulit ako papunta doon
Napakunot ang noo ko ng makitang...
"S-sandali nga lang----Bahay namin to ah!"Nanlalaki mata kong saad
'Anong ibig sabihin nito?May dapat ba akong malaman?'
Hindi ko inintindi yun at dumiretso papuntang pinto
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig ko na ang pag uusap nila...
"S-sino ba kayo?"Kinakabahang saad ni Inay t-tama nga ako bahay namin to.'P-paanong?
"Ow. Don't pretend you've forgotten us Ninia,naalala ka pa namin kaya dapat naalala mo parin kami"Rinig kong usapan nila sa loob
Mas pinili kong huwag munang pumasok at makinig muna sa usapan nila
BINABASA MO ANG
Naging Asawa ko ang isang sikat na Mafia Boss
RomansaTaglish(Tagalog,English)Story Romance,Possessive,Dramatic,Action S/A:Lahat po ng mababasa ninyo rito ay kathang isip lamang meaning na ang mga characters,lugar,pangyayari,edad ,pangalan o iba pa ay walang katotohanan. A beautiful, sexy, and attract...