Chapter 7

200 5 0
                                    

(Still Kyla POV)

Nandito ako ngayon sa dining area habang kumakain,Hindi din ako mapakali dahil na sa akin lahat ng atensyon ng mga maid.

Busog na ako at napalitan naman yun ng uhaw..

Napatingin ako sakanila na nakatingin rin sa akin

"Ma'am,May kailangan ka po?"Magalang na saad ng medyo kasing edad ko rin ata

"M-meron pero ako nalang po ang gagawa"Nahihiya kong saad

"Sige po"Sagot niya kaya napangiti ako

Tumayo ako at tumungo sa refrigerator nila sabay bukas at kuha ng malamig na tubig

Huhugasan ko narin sana yung pinag kainan ko pero pinigilan nila ako dahil gawain naman daw nila yon

"Ma'am sumunod ka nalang po sa akin dadalhin po kita sa magiging kwarto mo"Saad muli nung parang kaedad ko lang

"Ah okay"Saad ko

Habang naglalakad ay naisipan ko naring itanong kung anong pangalan niya

"Nga pala ate ano po bang pangalan mo?"Tanong ko habang nakasunod parin sa kanya

"Mariel po"Maikling saad nito

"Ahh ang ganda naman ng pangalan mo,ako naman si Kyla,Just call me Kyla wag munang lagyan ng ma'am dahil hindi naman ako ang boss niyo"

"Okay ma'am este K-kyla,Nandito na po tayo"Saad niya at huminto ganun din ako

"Maiwan na po kita dito,Tawagin niyo nalang po kami pag may kaylangan ka"Saad niya kaya tumango ako

Pagkaalis niya ay binuksan ko na ang pinto

"Wow!?"Gulat kong saad,pano ba naman kasi ay sobrang ganda ng kwarto at ang lawak ng loob
at Queen size yung kama meron ding cr sa loob at may gaming set

Halatang babae rin ang may ari ng kwartong ito pero sino?....Siguro....siguro girlfriend niya.

"Hayystt"Napahawak ako sa pisngi ko
Umupo nalang muna ako sa higaan,wala naman na akong gagawin dahil naayos na ng mga maid ang gamit ko,nakakahiya nga tong nangyayari.

Naisipan kong mag shower kaya tumayo ako at kinuha sa kabinet ang towel na dala ko tsaka ako nag shower

Hindi pa man ako natatapos mag shower ay may biglang kumatok sa labas ng pintuan ng kwartong ito

"Sino yan!?"Malakas na sigaw ko para umabot sa labas

"It's me!Open this door!!Hurry up!"maawtoridad na utos ni Liam

"S-sandali lang po!"sigaw kong muli

Kinuha ko ang towel ko at pinambalot sa katawan kong walang sáplot at nagmamadaling lumabas sa cr

"F*ck!Ang tagal mo!"Rinig kong reklamo niya

"A-andito na ako!"Saad ko at binuksan ang pintuan

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako

"Hólly Shït!!Mag damit ka!"Saad nito habang tinatakpan ang mga mata nakita ko pang namula ang mga tenga niya

What does it means?

"O-okay po"tanging saad ko at mabilisang sinara ang pinto..

Mabilis akong nagtungo sa cabinet kung saan nandoon ang mga damit ko

Kumuha ako ng Underwear,pajama at spaghetti shirt

Pagkatapos kong magbihis ay binuksan ko na ulit ang pinto

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang hinihintay niya pala ako.

Walang salita siyang pumasok sa kwarto kung nasaan ako

Naging Asawa ko ang isang sikat na Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon