_______________[Kyla POV]
After 6 months had passed medyo malaki na ang tiyan ko at 3 month's pa mailalabas ko na ang anak ko,hindi na ako makapaghintay.Sa loob ng anim na buwan na lumipas ay sobrang daming nangyari,tungkol naman sa buhay ni Liam ay unti unti na siyang nakikisalamuha sa akin at nakikipagmabutihan pero paminsan minsan lang,pero ayos na sa akin iyon kaysa sa dati na sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin.
Nandito ako ngayon sa garden habang nakapikit at dinadamdam ang sarap ng hampas ng hangin sa aking mga balat.Hindi ko rin alam pero ito na ang paborito kong parte sa mansion na ito simula nuong 4 months preggy ako.Paniguradong kasama ito sa pagbubuntis ng isang tao.Maselan rin ang pagbubuntis ko ngayon kumpara sa ibang buwan na nakalipas.
"Ma'am Kyla"Idinilat ko ang aking mata ng marinig ang kung sino mang tumawag sa akin,Si Ate Grace(maid)lang pala,ngumiti ako sa kanya at itinaas ng bahagya ang dalawa kong kilay bilang pagsenyas na sabihin ang gustong sabihin niya.
"Mag Lunch na po kayo,nakahanda napo ang lahat sa dining,kayo nalang po ang hinihintay"Nakangiting saad niya sa akin ngunit bago pa man ako tumayo ay may lumabas pa na mga salita sa bibig ko."Uh,Si Liam?Asaan siya?"Nagtataka kong tanong,kanina pa gumugulo sa isipan ko ang mga salitang iyon kaya hindi ko na napigilan itanong sa kaniya,kanina parin siya wala simula nung paggising ko.
"Sabi po ni sir kanina bago umalis ay a-attend daw po siya ng business meeting"saad niya pero hindi ako nakuntento sa sagot niya dahil may sinabi sa akin si Liam kahapon.
"Pero sabi ni Liam sa akin kahapon ay walang mga Schedule meeting sa list niya ngayon,at sinabi niya pang igagala niya raw ako ngayon,pero?.."Tumingin ako sa kanya ng may paghihinala pero hinawakan niya ako sa balikat at maingat na hinimas iyon bahagya akong umatras sa kanya "Ma'am huwag po kayong mag isip ng kung ano-ano,lagi niyo pong tandaan na hindi po kayo pwedeng mastress lalo na ngayon buntis ka.Masyado na pong mahaba ang pag uusap natin paniguradong gutom na po kayo halikana po ma'am"Tumingin muna ako sa may tapat ng gate at ibinalik ang tingin sa kanya,dahan dahan akong lumapit sa kanya pero siya narin ang lumapit sa pwesto ko para alalayan ako,Sobrang swerte ko nalang talaga at may mga mabait na tao akong nakilala na tulad ni ate Grace.__________
[Author POV]
"Delikado siya Liam! Paniguradong may nakahanda siyang plano para sayo at kung susugod tayo ngayon ay ba'ka mabawian tayo ng buhay ng wala sa oras"Ani ng dalaga, bago ko pa makalimutan ay nakausap rin ng dalaga ang lalaking si Navian tungkol sa kanilang plano,binigyan ng 6 na buwan ang dalaga para maisagawa ng maayos ang plano.
"So? There's Nothing dangerous for me,and also i am capable to do this sh*t things,handa rin akong isakripisyo ang buhay ko para dito para matapos narin itong gulo nato."Malamig na tugon ng binata,tango nalamang ang naging reaksyon ng dalaga sa mga sinabi ng binata
"What are you f*ckíng waiting for?Call him now,bago pa magbago ang isip ko."Singhal ng binata,agaran namang sumunod ang dalaga na parang amo niya ang binata.I-tinype ng dalaga ang number ng lalaki(NAVIAN)sa kanyang telepono,Nang matapos na ilagay ay agaran niya itong pinindot.Sa unang pagkakataon ay hindi siya sinagot ng lalaki(NAVIAN) ngunit hindi siya tumigil,sa pang-apat na pagkakataon ay sinagot ng lalaki(NAVIAN)ang req call ng dalaga.Sinabi ng dalaga na kailangan nilang magkita ngayon sa isang abandonadong gusali at sa saktong oras na alas dos ng hapon,walang alinlangan na pumayag ang lalaki(NAVIAN)dahil sa inaakalang maganda ang ibabalita ng dalaga sa kanya,nag thumbs up ang binatang si Liam sa dalaga pagkatapos tawagan ang lalaking si Navian ngunit mabilis rin niya itong ibinaba,mapait na ngumiti ang dalaga sa kanya dahil sa naging asta ng binata sa kanya.......Sandali silang nagkatinginan sa mata ngunit hindi na gaya ng dati ang nararamdaman ng binata mukhang wala na talagang pag-asa si Cassie sa kanya.
BINABASA MO ANG
Naging Asawa ko ang isang sikat na Mafia Boss
RomansaTaglish(Tagalog,English)Story Romance,Possessive,Dramatic,Action S/A:Lahat po ng mababasa ninyo rito ay kathang isip lamang meaning na ang mga characters,lugar,pangyayari,edad ,pangalan o iba pa ay walang katotohanan. A beautiful, sexy, and attract...