JEAN's POV
December 31, 2023
We are celebrating New Year again, pang-limang beses na naming sasalubungin ang bagong taon na magkasama.
“Bal, halika rito.” agad ko naman siyang nilapitan.
Nasa Batangas kami ngayon, dito sa resthouse ng Tito ko. Dito kasi napagdesisyunan ng family namin na i-celebrate ang New Year, at syempre hindi mawawala ang dalawang asungot, si Josh at si Zeke.
Both of our fathers are preparing the fireworks, our mothers preparing the foods, same to Ate Allysa, Josh and Zeke.
Tapos na naming ayusin ang dining table, kaya eto, nakatambay nalang kami sa buhanginan.
Mamaya-maya lang..
“Hey lovers, halina kayo rito. 2 minutes nalang countdown na.” - Ate Allysa.
Magkahawak-kamay naman kaming lumapit sa kanila, “Tito, tita, tingnan niyo magka-holding hands oh.” - si Josh, itinuro pa nga ang kamay namin.
“Hindi na kayo nasanay haha, kami nga sanay na e.”- Mommy ko.
Lumapit naman siya kay Zeke, “Mag-holding hands din tayo, tol.”
“Kadiri ka.” pabiro namang sabi nitong isa, nagtawanan kaming lahat.
“Guys, countdown na!” - Ate Allysa.
“10.. 9.. 8..
7.. 6.. 5.. 4..
3.. 2.. 1..
Happy New Year!” sabay-sabay naming sabi.
Sinindihan na rin ‘yong mga fireworks.
“Ang ganda.” nakangiti akong tumango habang nakatingin sa mga fireworks.
“Sobrang ganda mo.” napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin, nahampas ko naman siya bigla.
“This is the 5th time.” I nodded.
“Ang bilis ng panahon, parang kailan lang no‘ng nabunggo kita sa hallway, ngayon naman nanliligaw ako sa‘yo.” medyo napangiti ako sa sinabi niya, naalala ko na naman kung paano kami nagkakilala.
“At magiging boyfriend na.” agad niya akong tiningnan.
“W-what?” he confusedly asked.
“Haha, mukhang ayaw mo yata e.”
“Seryoso?” mukha ba akong nagbibiro?
“Oo nga.”
“So, official na? Girlfriend na kita?” nakangiti akong tumango. Napaiwas siya ng tingin, halatang itinatago ang ngiti. Haha, ang cute.
“Hey, ganiyan lang magiging reaksyon mo? Itatago mo nalang ‘yang ngiti mo? patingin ako.” nilingon niya naman ako.
“Hihimatayin yata ako.”
Napatawa kami pareho sa sinabi niya. He faced me and kissed me on my lips, mabilis lang naman.
“I love you, bal.”
“I love you, too.”
“HOY, ANO ‘YON?! NAKITA NAMIN ‘YON!” si Josh. Napatawa naman kaming lahat dahil sa reaksyon niya.
“Nagka-label na.” lumapit na kami sa kanila, nasa hapag na silang lahat.
“Tuloy na talaga ang kasalan!” - Mommy.
Masaya namang nagbeso ang mga nanay namin, tapos nag-manly hug naman ang mga tatay namin.
Nakakatuwa silang tingnan.
Kaniya-kaniya ang kuha namin ng mga pagkain, barbeque naman ang kinakain ko ngayon.
“Halina kayo rito, magp-picture tayo.”
Pumwesto na kami, inayos naman ni Ate Allysa ‘yong camera then ni-set ang timer to 10 seconds.
Bago pa matapos ang timer, naka-pose na kaming lahat.
Agad kong tiningnan ang picture namin, ang sayang tingnan.
“Looking forward to celebrate another new years with you.” I smiled at him. We‘re both staring at the picture.
“Me too, Drake.”
He kissed me forehead, “I love you so much.”
THE END