Chapter : 9

258 7 1
                                    

Katatapos ko lang mag-ayos. Pababa na ako at nando‘n pa rin sila Mommy. Bakit hindi pa rin sila nakakaalis?

“Papasok ka na?” tumango ako. “Sumabay ka na kila Mr. Montenegro, ihahatid niya rin ang anak niya.” - Daddy.

Mr. Montenegro?

Agad akong lumabas ng bahay at nasa labas ang sasakyan nila. Kita ko naman mula rito si Drake na nakaupo sa passenger seat. Hindi siya lumilingon sa gawi ko, nasa harap lang ang tingin.

Naglakad ako patungo sa sasakyan tsaka sumakay sa backseat. Bakit gano‘n, parang ang awkward. Ang tahimik din ni Drake, hindi ako sanay na ganito siya.

Pinaandar na ni Mr. Montenegro ang sasakyan.

“Jean right?” his Dad asked.

Napatingin ako sa rear view mirror at nakatingin siya sa akin. Binalik niya ang tingin sa daan.

“O-opo.” nauutal pa ako, nakakahiya.

“How are you with Drake?”

“O-okay naman po. Masaya po siya kasama.” pilit akong ngumiti habang sinasabi ang mga ‘yan.

“May nararamdaman kana ba para sa kaniya?” napanganga ako sa tanong niya.

Hindi ko ine-expect ‘yon.

“Dad!” - boses lalaking tawag sa kaniya ni Drake. Hindi kaya alam ng ama nito na beki siya?

“What Son? Nagtatanong lang naman ako. You know, after your graduation ma—”

“Let‘s not talk about that Dad, may kasama tayo.”

“Hindi naman masamang malaman niya tutal si—”

“Dad please?”

Napatawa ng mahina ang Daddy niya. “Ngayon ka pa nahiya.”

Anong meron after graduation? Mukhang confidential ‘yon. Nanahimik nalang kami sa buong byahe hanggang sa makarating ako sa school.

Pagkababa, nag-thankyou ako kay Mr. Montenegro. Ngumiti naman siya sa akin tsaka nagpaalam.

Kasabay ko ngayon si Drake na naglalakad. Nakakapanibago talaga, ang tahimik niya sobra.

“Ah Dra—”

“Hey Drake!” na-interrupt ang sasabihin ko dahil sa tumawag sa kaniya. Guess who? It was Charlotte.

“Hey pretty.” at agad naman niya itong nilapitan.

Sabay silang naglalakad ngayon papunta sa building ng room namin. Katabing room lang namin si Charlotte.

Naiwan na naman akong mag-isa. Nasa harap ko lang silang dalawa, magka-holding hands pa habang naglalakad.

Bakit Drake? Akala ko ba kinikilabutan ka sa mga babae? Bakit nakikipag-holding hands ka ngayon sa kaniya? Nasasaktan na naman ako.

Pagkaakyat sa ikatlong palapag, kita kong hinatid niya sa classroom si Charlotte, bago pa ito umalis ay hinalikan niya sa noo ang babae.

And there was this person, gamit ang isang kamay ay tinakpan niya ang mata ko. Hinayaan ko lang siyang gawin ‘yon. Parang maiiyak ako.

Naramdaman kong naglakad siya kaya pati ako napalakad na rin. Nakatakip pa rin ang isa niyang kamay sa mga mata ko. Mamaya-maya lang ay huminto na kami, kasabay no‘n ay ang dahan-dahan niyang pagtanggal ng kamay sa mga mata ko.

Agad ko siyang nilingon, “J-josh.” Ngumiti lang siya tsaka ako hinalikan sa noo at ginulo ang buhok.

“Sabay tayong umuwi mamaya, pupuntahan nalang kita rito.” sabay umalis siya.

Sinundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa mapansin ko ang pigurang makakasalubong niya. It was Drake.

They both looking at each other habang naglalakad hanggang sa malagpasan nila ang isa‘t-isa.

Bago pa makapasok sa room si Drake, nauna na akong pumunta sa seat ko.

“Anong meron, Jean? Si Josh ‘yon ‘di ba? Siya ba ang boyfriend mo?” - Cherish.

“Ang sweet niyo naman, nakita namin ‘yon kiniss ka niya sa noo.” kinikilig na sabi ni Athena.

Hindi ko sila sinagot, nanahimik nalang ako.

“So, boyfriend mo nga si Josh? Silence means yes.” - Trisha.

Mas lalong kinilig ang buong klase sa sinabi niya. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, si Drake nakadukdok sa armchair niya.

Ilang minuto lang pumasok na ‘yong teacher namin. Wala akong naintindihan sa kahit anong sinabi niya. Pakiramdam ko blangko ako ngayong araw, hindi pa rin mawala sa akin ‘yong imaheng nakita ko sa hallway.

Natapos ang buong klase na wala akong natutunan. Inaayos ko na ang gamit ko para umuwi nang..

“Jean, nandito na ‘yong sundo mo!” napatingin ako sa sumigaw, it was Agatha.

Napatingin ako sa hambahan ng pintuan, nandoon si Josh nakangiti sa akin, kumaway pa nga ito.

Binilisan ko na ang pagligpit ng mga gamit ko. Napatingin ako kay Drake na nakadukdok pa rin sa armchair niya, natutulog kaya siya?

Mamaya-maya ay bigla siyang nag-angat ng tingin kaya nag-iwas ako agad at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Josh.

“Akin na bag mo, ako na magbubuhat.”

Iniabot ko naman iyon sa kaniya.

“Ang sweet talaga!” - si Thalia.

“ZAVRIE!” sigaw naman ni Ashley. Ang mga babaeng ‘to talaga haha.

Napatawa nalang ako ng mahina sa mga inaasal nila.

Hinatid na niya ako agad sa bahay at dahil mukhang may pupuntahan pa siya.

“See you!” tumango lang ako at pumasok na sa bahay.

Pagpasok ko..

“Punta ka sa office ni Dad, nandoon din si Mommy.” sabi niya tsaka umakyat sa taas. Anong meron?

Umakyat na ako sa taas tsaka pumasok sa office ni Daddy. Nakaupo naman si Mommy sa mahabang sofa tapos si Kuya katabi niya. Si Daddy nasa single sofa nakaupo.

“Have a seat, Sweetie.” ani Daddy.

Naupo ako sa kaharap na upuan nila Mommy. “Ano pong meron?”

“Naisipan namin ganapin ‘yong birthday mo sa Batangas. Sa resort nila Tito Ethan mo.” -Dad.

“Akala ko ba rito nalang natin ice-celebrate?” sabi ko.

“We think about it many times, pero nagdesisyon na kami na sa Batangas nalang ganapin. Tutal tabing dagat lang ang rest house ng Tito mo, after party pwede na magswimming.” -Mom.

“Alam niyo naman na mas gusto ko sa Garden ang venue ng birthday ko. Daddy, Mommy ayoko roon.” sabi ko.

“Hindi lang kasi birthday mo ang gaganapin sa araw na ‘yon. Meron pang isa.” Dad. Si Kuya walang imik. Mukhang ayaw niya rin pumunta sa Batangas.

“We will announce your engagement wi—.” napatayo ako dahilan para matigilan siya.

“Ayoko, hindi ako papayag, Daddy naman e!”

Kahit sino pa ‘yang lalaki na ‘yan, hindi ako papayag. Ayoko.

“Listen, you have to Jean. You need to marry him.” Mommy. What the? Pati rin siya.

Napangisi ako. Ayoko, hindi ako papayag ma-engage sa kung sino mang lalaki. Isa lang naman ang gusto ko.

‘Yon nga lang, hindi niya ako gusto.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now