Chapter : 12

215 6 1
                                    

JEAN'S POV

Lunes na naman, syempre papasok na ako. Kamusta na kaya si Drake? Nagd-date pa rin ba sila ni Charlotte?

Tuluyan na ba siyang naging lalaki? Ibig sabihin, si Charlotte ang nakapagpatino sa kaniya? Grabe, ang hirap isipin, nakakasakit lang.

Malapit na ako sa classroom, maaga ako pumasok ngayon. Pagdating ko roon, nandoon si Drake nakadukdok sa armchair niya.

Ang aga naman niya yatang pumasok. Napatingin naman siya sa akin nang maramdaman niyang may tao.

Hindi ko alam pero ang bilis ng pangyayari, nakarating nalang siya agad sa kinap-pwestuhan ko at mahigpit akong niyakap.

Para akong hindi makahinga sa yapos niya, pero hindi ako nagreklamo kasi gusto kong yakap niya lang ako.

“I‘m so worried about you.” hindi niya pa rin inaalis ang mga kamay sa baywang ko. “I miss you so bad, bal.” dagdag niya at ipinatong ang baba sa balikat ko, at this time mas ramdam ko ang higpit ng yakap niya.

Ang puso ko parang kakawala, sobrang lakas ng tibok niya.

“I miss you too, bal.” then I hugged him back.

“Ehem, excuse me, dadaan ako.” - It‘s Mariel.

Napabitaw kami ni Drake sa isa‘t-isa. Hindi ko alam kung gaano katagal ang yakapan namin, pero alam ko sobrang tagal no‘n.

“Kayong dalawa ha, may relasyon ba talaga kayo o wala?” pagtatanong nito.

“Boyfriend ko si Drake.” agad kong sabi na ikinagulat naman nitong katabi ko.

Nakakunot ang noo niya at naguguluhan akong tiningnan. Tiningnan ko lang siya na parang sinasabing explain ko mamaya.

“Oh my, akala ko si Josh ang boyfriend mo.” - Klea, isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin.

“No‘ng nakaraan si Charlotte ang kasama ni Drake tapos ikaw naman si Josh, ibig sabihin ba LQ kayo no‘n?” - Athena.

Napakagat ako sa labi, ano ba ‘yan.

“Oo gano‘n na nga, mas lalo pang nakakainis kasi hinahawakan niya ang kamay ni Charlotte, samantalang sa akin hindi.” nakanguso kong sabi.

Medyo natatawa ako sa isip ko, ang mukha kasi ni Drake hindi maipinta. Hindi siya makapagsalita, pasensya na bestfriend.

Tapos maya-maya pumwesto si Drake sa likuran ko at niyakap ako patalikod.

“Nagseselos lang naman ako sa inyo ni Josh, kasi napapansin kong close na kayo.” malambing na sabi niya.

What the?! Nakisabay na siya. Kinikilig tuloy ang mga kaklase namin.

“LOVERS LOVERS!” sigaw naman ng ibang boys dahilan para tingnan namin sila. Medyo natawa kami sa inasal nila.

Inalis na ni Drake ang mga kamay sa baywang ko, ngayon naman naka-akbay lang siya sa akin.

Hanggang sa dumating na ‘yong teacher namin, okay na kami ni Drake, hindi katulad noong nakaraan na ang awkward.

Ilang oras ay natapos na ang klase, lunch time ngayon.

Sabay ulit kaming kumain, mamaya-maya naman ay may naupo sa upuang katabi ni Drake.

“Can I join you guys?” he asked.

Napatingin ako kay Drake na nakatingin kay Josh, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Tinatago niya kaya ‘yong kilig niya ngayon? ‘Di ba nga crush niya ito, hihi.

“Sure.” nakangiting sabi ko. At this time, ako naman ang tinitingnan ni Drake ngayon.

Walang nagsasalita sa amin, dumagdag pa ngayon na kasama namin si Charlotte. Ano ba naman ‘yan.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now