Chapter : 8

231 8 0
                                    

JEAN's POV

Nandito kami ngayon sa Cafeteria, katabi ko si Drake pero hindi niya ako pinapansin. Problema nito?

“Drake, may problema ka?” tanong ko. Parang tulala kasi itong bestfriend ko e.

“H-ha?” tanong niya. Lutang nga siya. Tsk tsk.

“May problema ka ba? Kanina ka pa kasi walang imik e. Tapos tulala ka pa.”

“Ah w-wala ‘to. M-may iniisip lang ako.” at bakit naman siya ngayon nauutal? Hay nako!

“Okay. I won't force you to tell me what's your problem. I'll wait nalang na sabihin mo sa akin.” kumain nalang ako nang kumain kahit parang nakakailang, sobrang tahimik talaga.

“Jean.”

“Hmm?”

“M-may boyfriend ka?”

Nabitawan ko ang kutsarang hawak dahil sa tanong niya. Bakit niya naman naitanong?

Napapikit ako nang maalala ‘yong post na naka-tag sa akin.

“Wala akong boyfriend, hindi ko alam kung kanino galing ang post na ‘yon.” nagpatuloy ulit ako sa pagkain.

“Okay lang naman kung meron. Ang gusto ko lang naman malaman, bakit hindi mo sinabi sa akin. Bestfriend mo ako ‘di ba?” malungkot na sabi niya.

Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Nanahimik nalang ako hanggang sa matapos ang lunch time.

EmTech ang subject namin now.

“So for now, wala muna tayong discussion or lectures nor quizzes.” natuwa naman lahat ng kaklase ko.

“But, may gagawin kayo. Gusto kong magpalaro ngayon, 2 teams for boys, 5 each team. Lalaki lang ang kasali dahil sila lang ang gusto kong mapanood na maglaro. For girls, magcheer nalang kayo.” Mr. Umagat.

Nagpunta kami ng gym dahil doon gaganapin ‘yong game. Pinakuha naman ni Mr. Umagat ‘yong mga gamit sa locker niya. It‘s a 2 big paper bags, ‘yong isang paper bag sa first team and ‘yong isa sa kabilang team.

“Change your clothes.”

Napanganga nalang ako after nila magpalit ng damit. Jersey? Wait.. Don‘t tell me maglalaro sila ng basketball?

“I‘ll be the referee today, so pwesto na kayo for jump ball.”

Pumito muna siya bago hinagis ang bola pataas.

Nakuha ng yellow team ang bola, nasa red team si Drake. Naku, paano na ‘yan? Marunong ba mag-basketball ‘tong si bekla?

Sa pagkakaalam ko, ayaw niyang humahawak ng kahit anong bola. Baka raw kasi tamaan siya sa mukha at bigla siyang pumangit. Mawawalan daw siya ng mga lalaki.

Matapos maka-score ng yellow team, nasa red team ang bola. Hawak ni Rich ang bola at ipinasa ito kay Drake. Wala siyang bantay kaya mula sa three points line, nagshoot siya then pumasok.

WHAT? I was shock. Marunong siya?

“Kyaaaah Drake, ang galing mo!”
“Oh my, mas lalo akong nafafall sa‘yo!”
“Be mine, pogi!”

Ilan lang ‘yan sa tilian na maririnig dito sa gym, may iba rin kasing section na nandito, idagdag mo pa na nanonood din ang volleyball players. After kasi nitong game, maglalaro na sila.

Habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya nakikita kong parang sanay na sanay na siya maglaro neto. The way he dribbled the ball. Kung paano niya lagpasan ang mga humaharang sa kaniya. Then, the formed how he shoot the ball. Para siyang eksperto sa paglalaro nito.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now