Chapter : 7

235 9 0
                                    

JEAN's POV

KINABUKASAN

Nandito pa rin ako sa bahay ayaw ako papasukin ni Dad, ewan ko kung bakit. Habang nakaupo ako rito sa couch biglang may nag-doorbell kaya agad kong binuksan ang gate.

“Bakit ka nandito?”

“Hindi ka ba papasok?”

“Hindi e, may bisita kasing pupunta rito sa bahay kaya sabi ni Dad h‘wag na raw muna ako pumasok.”

“Sino raw?”

I shrugged my shoulder, “I don‘t know, sabi niya lang about sa business ‘yon.”

“Business? Ano namang kinalaman mo roon?”

“Gusto ko ngang pumasok, kaso need daw ako roon kaya ayaw ako papasukin.”

Napatango-tango siya, “Ah gano‘n ba, sige,  pahiramin nalang kita ng lectures ko later.” sabay ngumiti. Parang may kakaiba sa ngiti niyang ‘yon.

“Ingat sa pagpasok Drake.” nagnod lang siya.

Pumasok na ako sa bahay tsaka naupo sa couch.

30 minutes had been past, may pumasok sa bahay namin. Hindi si Mom and Dad at mas lalong hindi si Kuya. Teka.. Parang kilala ko sila ah. ‘Di ko lang matandaan kung saan ko sila nakita.

“Hija, nandito ba ang Daddy mo?” tanong no’ng babae.

“Opo, tawagin ko lang po sila.” sabay akyat ko sa taas at kinatok ang kwarto nila ni Mom.

Nag-off muna si Mom sa work, siguro nga sobrang importante ng meeting nila?

“Mom, Dad may bisita po kayo.”

“Sabihin mo pababa na kami.” sabi ni Mom kaya naman bumaba na ako.

“Pababa na po sila.” sabi ko pagkarating ko sa sala.

Nagpunta muna ako nang kusina para ikuha sila ng maiinom at makakain. Hindi rin naman nagtagal at nakabalik na ako sa sala dala ang pagkain nila. Eksakto rin na pababa na sila Daddy.

“Kumain po muna kayo.” nakangiti kong sabi. Nginitian lang nila ako pabalik.

Nag-excuse muna ako na roon muna ako sa kwarto ko. Nagsitango naman sila.

Hindi kasi magandang makinig sa usapan ng mga matatanda.

Sobrang boring dito. Kinuha ko ang phone ko tsaka nag-online sa FB, sakto online si Drake. Ichachat ko sana siya kaso biglang may umagaw ng atensyon ko.

Nagscroll ako sa NewsFeed ko. Scroll scroll lang ako hanggang sa..

“WHAT THE?! A-ANO ‘TO?”

DRAKE's POV

Bakit parang iba ang pakiramdam ko kanina? No’ng pinuntahan ko kasi si Jean parang may something akong naramdaman. Sino kaya bisita nila?

Break time naman ngayon kaya naisipan ko munang mag-online. May nagpop out sa Notif ko, ni-check ko kung ano ‘yon at gano‘n nalang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ano ‘to? Bakit may ganito? M-may jowa na siya? What the? B-bakit hindi niya sinabi sa akin?

Kailan pa ‘to? Ni-click ko yung profile ni Jean at eksaktong online siya.

Ichachat ko ba siya at tatanungin kung totoong may jowa na siya? Tss. Anong pakialam ko roon? Pero ‘di ba bestfriend niya ako? Dapat updated ako sa lahat ng ginagawa niya. Pero bestfriend lang naman ako hindi niya boyfriend. Wait what? Boyfriend? Bakit ko ba naisip ang word na ‘yon? Kilabutan ka nga Drake!

Itinago ko na ang cellphone ko para magbasa nalang ng book.

Basa lang ako nang basa pero walang pumapasok sa isip ko. Argh, damn! Bakit hindi ako makapag-concentrate? Kinuha ko ulit yung phone ko at ni-check kung online pa siya.

Shit, offline na siya.” padabog kong naipatong ‘yong kamay ko sa book. “Kainis naman.” bulong ko sabay ligpit ng gamit ko tsaka lumabas ng room. Gusto ko makita si Jean. Gusto ko siya puntahan.

Pagkarating ko sa gate ayaw akong palabasin ng guard. Fck. Isa pa ‘tong sagabal e.

“Kailangan ko ngang umuwi Kuya.” matigas na sabi ko.

“Hey, kapag bawal pa, bawal pa.”

Tumikhim ako sandali.

“Nakita mo ba? ‘Yong post na naka-tag kay Jean? Hindi ko akalain na in a relationship pala siya.”

Kumunot ang noo ko.

“Gusto mo ba siyang puntahan para aminin ang nararamdaman sa kaniya?”

“Anong pinagsasabi mo?”

“C‘mon, aminin mo na, may gusto ka sa kaniya.”

“Wala akong gusto sa kaniya.”

“Bakit pilit mong gustong makaalis ng school?” natahimik ako saglit.

Bakit nga ba? Ano nga bang pakialam ko? Bestfriend niya lang ako, ‘yon lang ‘yon.

“Dahil, hindi ko matanggap na naglihim siya sa akin.” mahinang sabi ko.

“Iyon lang ba ang dahilan? Hindi ba pwedeng ipagpabukas at pag-usapan iyan?”

natahimik ako ulit.

“Kaibigan ka niya ‘di ba? Palagi ko kayong nakikitang magkasama, maging masaya kana lang para sa kaniya. Siguro naman ay hindi siya sasaktan ng lalaking ‘yon.” dagdag nito.

Siguro nga tama siya.

Tumunog na ang bell, ibig sabihin tapos na ang lunch. Bumalik nalang ako sa classroom.

Buong oras walang pumapasok sa isip ko. Gusto ko na agad matapos ang klase at umuwi. Bukas ko nalang siguro kakausapin si Jean about doon sa post na nakita ko.

Kailan pa kaya ‘yon? May nanliligaw ba sa kaniya?

Sa tagal-tagal naming magkasama, wala naman akong nakikitang lumalapit kay Jean.

Sino kaya ‘yong lalaki? LDR kaya sila?

Hindi na kasi ipinakilala sa post kung sino ‘yong guy, basta ang nakalagay lang doon 

Samantha Jean Lopez is now officially in a relationship with someone. We can‘t drop the name of a guy, this post is to remind y‘all that she‘s already taken.’

‘Yan ang sabi.

Galing ‘yong post sa Main page nitong school namin. Binabakuran na ang bestfriend ko.

Kailangan ko na rin bang lumayo? Paano kung makita kami ng boyfriend niya? Lalaki ako, I mean, lalaki ang panlabas na anyo ko. Kahit sabihin nating beki ako, hindi pa rin hahayaan ng lalaking ‘yon na palagi akong makasama ni Jean.

Argh, sumasakit lamang ang ulo ko kaiisip.

Ilang oras ang lumipas, nag-uwian na kami. Dumiretso agad ako sa bahay tsaka nahiga sa kama ko.

Itutulog ko nalang ito.

My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now