DRAKE's POV
KINABUKASAN
Nandito na ako ngayon sa classroom, hinihintay ang bestfriend ko. Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong magresearch about sa ip-present namin ngayon, nai-explain naman na sa akin ni Jean ‘yon kahapon pa pero hindi ko talaga keri gumawa ng own explanation about sa drawing. My gosh! Lagot ako neto!
After 15 minutes nandito na ang maganda kong bestfriend. Naks, iba ang aura niya ngayon ah.
“Ganda yata natin ngayon ah.” sabi ko tsaka ngumiti. Nakita ko naman na nagblush siya. Luh? Ang cute hahaha!
“Pft, nambola ka pa.” sabi niya sabay upo sa tabi ko. Magkatabi kasi kami sa English sub namin.
“Totoo naman kasi.” sabay smile ko.
“Oo nga pala bago ko makalimutan, handa na ba ang explanation mo para sa presentation natin?” tanong niya. Ayan na huhu anong isasagot ko?
“Ah.. Eh.. H-hindi e.” sabay kamot ko nang batok. Parang biglang may lumabas na usok sa ilong at tainga niya. Nako, lagot!
“Argh DRAKE!” sigaw niya sa akin. Napakagat ako sa labi ko at pinikit ang isang mata. Ang lakas ng sigaw niya. Ayan, nasa amin ang atensyon ng lahat.
Biglang pumasok ang teacher namin.
“Good morning class! Are you ready for reporting?” tanong ni Mrs. Sevilla, pero ni-isa sa amin walang nakasagot. Hayst, ang laki pa naman ng score sa performance. 60% ‘yon huhu. Paano kung bumagsak kami? Ay tanga Drake! Malamang babagsak kayo dahil wala kayong maip-present ngayon. Lahat ng pinaghirapan ni Jean, nasayang lang nang dahil sa akin.
“Sino ang gustong maunang magpresent?” tanong ulit nito, pero ganoon parin walang sumagot sa amin.
“Okay, ako nalang ang mamamimili kung sinong mauuna sa inyo.” dagdag niya ulit. Kinakabahan ako jusko!
Oh my gosh! Sana h‘wag na kami mauna. Bakit kasi hindi ako nagresearch kagabi? Kainis!
“Ang unang magp-present ay ang group ni Manuel.” tawag nito. Hindi muna sila agad tumayo. “Come here in front and start your presentation.” She added.
Tumayo si Manuel at kasama niya na si Kate. Meron kaya silang nagawa?
“Uhm kasi Mrs. Sevilla.. Wala po kaming nagawa e.” sabi ni Manuel sabay kamot sa batok niya. Hay, ang cute niya kapag kinakamot niya ‘yong batok niya.
“Ayan, ang tatamad!” - Mrs. Sevilla. “Umupo na kayo.” dagdag niya.
"Sino ang may magp-present ngayon? May additional point kayo, excempted pa sa next test natin.” - Mrs. Sevilla.
Omo, sayang ‘yong points. Ni-isa sa amin ay walang nakasagot. Sayang lahat ng pinaghirapan ng bestfriend ko huhu.
“Ano? Ayos lang sa inyo na zero ang score niyo? Sobrang magiging mababa ang grades niyo kung hindi kayo magp-present. Ang performance task ay 60%. Papayag ba kayong bumagsak?” tanong niya na agad ikinailing ng ulo namin.
“Ayaw niyo bumagsak pero ayaw niyo magsipaggawa ng projects niyo!” sh*t! High blood na siya.
“Oh sige. Sino ang may maip-present ngayon?" tanong ulit niya.
"Kami po ni Drake, Mrs. Sevilla." sabi ni Jean tsaka tumayo at pumunta sa harap, siyempre kasama ako.
“Mabuti pa itong group ni Miss. Lopez merong nagawa.” parang iba dating sa akin nang sinabi ni Mrs. Sevilla ah. Parang nagpaparinig. “Okay, mag umpisa na kayo.” dagdag niya.
Anong plano nang gagang babaeng ‘to? Wala nga akong nai-search. Paano ako magp-present nito e hindi ko alam? Napatingin ako sa kaniya at saktong nakatingin siya sa akin.
Sasakalin ko talaga siya kapag ako ang pinagsalita niya!
JEAN's POV
Mabuti na lang bago ko i-drawing ‘yong about sa ip-present namin may naisip na agad akong explanation about dito. Pero paano nalang pala kung iniasa ko lahat iyon kay Drake, ay nako, sigurong lagot ako kami nito, at malamang ay hindi ko siya papansinin dahil zero ang score namin. Ang laki pa nang mababawas sa performance namin.
Si Drake nakatingin lang sa akin. Tiningnan ko siya na parang sinasabing, idikit na niya ‘yong drawing ko. Nakuha rin naman niya ‘yong pinupunto ko kaya ayon mabilis pa sa alas kwatro na dinikit niya drawing ko roon sa board.
Madali lang naman ‘yon e. I-explain lang naman kung paano naging related sa life ‘yong drawing ko.
“Good morning everyone, I‘m Jean and I‘ll be the one who will explain this portrait in front of you.” nagclear throat muna ako bago nagsalita ulit.
“I‘ll start with a title ‘Sunset and Moonrise’. A simple portrait with a lot of meanings.” I added.
“I‘ll start with a Sunset.
Sunset means end of the day. We are entering the dark side of our life, just like when we are in bad situation- a situation where we think that everything is impossible. We are drowning on our problems like we can‘t ever solve it. We feel depressed, having an anxiety, thinking of so many stuffs and feeling so empty. We are like a sky, without the sun, we can‘t moved on. We can‘t stand on our own because it was too dark. No lights giving us hopes.” she paused. Our classmates and teacher are carefully listening to me.“And then, here‘s the Moonrise..
That‘s giving us a little light, making us remember that how hard the situation is, there‘s still a solution on it. The light of the moon, will gives us another chance to restart our life, take a path without hesitating, make us to be stronger and stronger and never think of giving up. Moonrise is another chapter where we resolve the darkest moment of our life.”“The Sunset and Moonrise always come and go, because after resolving the problem there‘s still a harder situation where we put in, but still, like what I‘ve been said, there‘s still a solution on it. Just don‘t give up, and be patient on every situation.” I stopped.
“That‘s all, this will be the end of our presentation. Thankyou for listening.” I added.
Mrs. Sevilla clapped her hands while walking towards us.
“Very well Miss. Lope, excellent!” hindi pa rin mawala ang mangha sa mukha niya. “How about Mr. Montenegro? Ano ang itinulong niya?”
“He‘s the one who made this.” then I pointed the image in front. She just nodded.
“Gayahin niyo si Mr. Montenegro and Miss. Lopez, masipag mag aral. E kayo? Ang tatamad!” may inis na sabi nito sa mga classmates namin. Binalingan niya kami ng tingin tsaka ngumiti. “You may now go back to your seats.” Aniya kaya umupo na kami.
“So, dalawa lang ang may additional point and excempted sa test. Sa mga hahabol magpresent, next meeting niyo nalang gawin. Don‘t expect na mataas pa rin ang ibibigay ko sa inyo, just like Miss. Lopez and Mr. Montenegro‘s grades. Good bye class.”
Mga ilang oras lang ay tumunog na ‘yong bell, ibig sabihin lunch na. Lumabas na ako nang room at nagpunta nang Cafeteria kasama ‘yong napaka sipag kong bestfriend.